Chapter 38

11.1K 265 9
                                    

@Taurielbae this is for you:-)

May ilang minuto na yata na nakamasid ako kina Percy, sa bunso nitong kapatid na si Pierro.....at kay Lucas na naglalaro nang habulan sa may playground malapit sa bahay nila Charlie.

Tila naka glue ang dalawang paa ko dahil di ko man lang magawang ihakbang ang mga ito kahit pa anung utos ng utak ko.

Gustong gusto ko na lapitan si Lucas, makita nang malapitan, mahawakan, mayakap nang mahigpit at madama ang sinasabi nila na lukso nang dugo..

"Pssst!" Napakurap ako at naputol ang pagmumuni muni nang may sumitsit sa akin at kalabitin ako.

Nagbaba ako ng tingin at kumabog nang pagkalakas lakas ang dibdib ko, nanuyo ang lalamunan ko at muli ay napatulala sa batang kumalabit sa akin.

Dahan dahan na lumuhod ako para magpantay ang mga mukha namin at parang gusto ko na maiyak nang mamasdan ko itong mabuti.

He is a splitting image of mine!

I have no doubt about him now that I finally saw my Son in person....

How could you hide him from me Charlie? Nagugulumihan na tanong ko sa isip ko.

"Mama, itago nyo po ako ah" nakangiting wika nito sa akin.

"W--why?"

"Eh kasi po nagpa play kami ng tagu taguan nina Pierro at Kuya Percy, si Kuya Percy ang taya ihelp nyo naman ako na mag hide para di niya ako makita" sagot nito sa akin.

"O--of course I help you ikaw pa a--malakas ka yata sa akin"  pigil ko na maiyak na nakangiting sagot ko dito.

Ngumiti ito ng maluwang sa akin na kinalundag muli ng puso ko, napapangiti na tumayo na din ako saka ito inakay papunta sa likod ng malaking drum para duon ito magtago.

Nang makapagtago na ito ay naglakad na ako papalayo dito nang bumulaga ang nakataas ang mga kilay at nakahalukipkip na si Percy sa daraanan ko.

"P--percy...how are you?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko dito.

Two years ago na magmula nun huli ko itong makita,
Binatilyo na ito at kamukhang kamukha ni Kuya Jasper at mataas ito para sa edad nito na dose at natitiyak ko na mas lalo pa itong tatangkad sa hinaharap.

"Do you see a chubby and small crybaby plus clumsy little boy here?" Sa halip ay tanong nito sa akin.

"Huh?" Napakunot noo ako at inisip kung sinong bata ang tinutukoy nang humihikbing lumabas si Lucas sa pinagtataguan nya.

"Di ako crybaby at lampa may mga stones lang sa dinadaanan ko kaya ako madalas madapa at matataas ang mga stairs kaya ako nitatapilok bawiin mo nisabi mo Kuya Percy" nakasibing angal ni Lucas at saka lumapit kay Percy at tinampal ang tiyan nito.

Ngumisi naman si Percy dito at saka namaywang pagkaraan ay pinitik ang noo ni Lucas.

"Aww....Kuya Pe----"

"Boom! Taya!" Anito.

"Eh ang daya mo talaga Kuya Percy ulit natin yung game" pumapadyak na hirit ni Lucas kay Percy.

"Ayaw ko nga kasalanan mo ba't ka lumabas?" Sagot dito nang huli.

Lumabi dito si Lucas at saka nagpapapadyak na naglakad papalayo sa amin.

"Pierro lumabas ka na nga dinaya na naman ako ni Kuya Percy ako na naman ang taya! Pierro!" Sigaw pa nito.

Di ko alam kung matatawa ako o mapapakamot sa ulo ko kasi malinaw na sinadya ni Percy na magparinig para lumabas si Lucas sa pinagtataguan nya at nagtagumpay ito, tuloy eto na naman ang taya.

"Joey...." tila na freeze ako pagkadinig sa malamyos na tinig na tumawag sa pangalan ko.

Walang pagdadalawang isip na lumingon ako at nakita ko ang di maipintang mukha ni Charlie na nakatingin sa akin.

Still the same gorgeously beautiful woman I remember and I miss so much.....

Tumahip ng pagkalakas lakas ang dibdib ko at bumilis ang paghinga ko at ang katawan ko tila naparalisa na naman ulit.

Pamilyar at di na bago sa akin ang pakiramdam na ito...

Huminga ako nang malalim at saka dinalawang hakbang ang pagitan namin ni Charlie.

Nang makalapit na ako ay agad na sinunggaban ko ito at bago pa ito makatutol ay agad na siniil ko ito ng halik sa malambot na labi nito.

Pumalag ito gaya ng inaasahan ko at pinagpapapalo ang likod ko gamit ang dalawang kamay nito pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa katawan nito at nilaliman ang paggalugad at pananalakay ko sa labi nito at agad na pinasok ko ang dila ko sa loob ng bibig nang binuka nito ang labi nya siguro para magprotesta na nawalang saysay din naman pagkat naunahan ko sya nang salakay.

Nang malapit ng mapugto na ang paghinga namin ay labag man sa loob ko ay pinakawalan ko ang labi nya.
Pero pinagdikit ko ang noo namin na dalawa.

"Joey----"

"The kiss just a while ago is your first payment on your huge debt on me" bulong ko dito.

Napakunot noo ito at tumitig sa mga mata ko.

"Anong utang ang pinagsasabi-----" di na nito naituloy ang sasabihin nang bigla ay magsalita si Percy na nandun pa pala sa likod ko at di pa umaalis.

"Eww! Porn! Will you two please get a room, hello po may bata po dito na audience nyo lang naman po" ani Percy at saka inirapan kami at nagmamartsang naglakad papalayo sa aming dalawa...

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now