Chapter 36

11.2K 231 12
                                    

"Tita Charlie, the path that you choose is lubak lubak!" Angal ni Percy na katabi ko na nakaupo sa harapan na upuan ng Van na sinasakyan namin.

Natawa naman ako ng mahina.

Inirapan ako nito at saka humalukipkip.

Nasiraan kasi kami ng sasakyan buti na lang kamo nasa hospital na kami para nga sa therapy ni Cameron at check up nina Baby Anne at Baby Dawn sa pedia nito at pinatawag ko na sa driver ang maghihila na tow truck sa sasakyan ko papunta sa casa ay tatawag na sana ako kina Mama para sana makapag pasundo nang mamataan ko ang Van nina Kuya Jasper na papadaan kaya naman agad na pinara ko ito at huminto naman agad ito at akala ko talaga si Kuya Jasper pero nagkamali ako kasi si Percy na naka uniform pa nang pang P.E ang bumungad sa akin.

Marahil ay sinundo na ito nang Driver nila sa buhat sa school nito at papauwi na ito.

"And you make tawa pa ha Tita Charlie! Can't you see my bukol oh?" Turo nito sa namumula na nitong noo.

"I'm sorry Percy pero malubak talaga itong dinadaanan natin, please bear it with me promise malapit na tayo sa patag na daan" nakangiting sagot ko dito.

"Hmp! Okay" anito at saka lumingon sa likuran kung nasaan ang dalawang stroller na kulay pink.

"Tita Cameron are you hurt pati na sina Dawn at Catherine?" Tanong nito sa nakaupong babae sa gitna ng dalawang stroller.

Nakangiting umiling ito kay Percy.

"Nope, okay din pati na sina Dawn at Catherine" sagot nito.

"Are you sure Tita Cameron kasi if na hurt ka ihehelp kitang i sue si Tita Charlie kasi s'ya ang nag utos kay Manong Driver na shumorcut" pangungulit pa nitong makulit na pamangkin ko kay Cameron.

Natawa na naman ulit ako at nangiti ulit si Cameron dito.

"Okay na okay lang talaga ako Percy don't worry and besides kami dapat ang mag sorry sa iyo kasi di ka pa nakakauwi sa inyo kasi nakiusap kami na sunduin n'yo kami sa hospital kasi naman yung sasakyan namin ay nasira, mukhang gagabihin ka tuloy sa pag uwi mo" wika ni Cameron dito.

Kumumpas si Percy dito at saka ngumisi.

"It's okay Tita Cameron kasi dun din naman ako kina Lola makikitulog" sagot nito.

Nangingiting ginulo ko ang naka gel na buhok ng pamangkin ko.

"Tita Charlie ano ba?!" Inis na angal nito at saka pinalis ang kamay ko sa buhok nito at pagdaka ay muling inayos ang buhok nito na ginulo ko.

Almost two years ago na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabunggo ko kay Cameron na muntik na nitong ikamatay at kina coma nito.

Nang malapit na itong manganak at nanatili pa din itong tulog ay nag desisyon na lamang ang mga doktor na i ceasarian ito at buti na lang succesfull ang operation at nagsilang ito ng baby na ubod ng cute talaga nakakagigil sa sobrang ganda nito.

Pinangalanan muna namin ito ng Baby Anne kasi naisip namin na mas may karapatan si Cameron na magpangalanan sa anak nya pag nagising na ito and days later ay ako naman ang nagsilang.

Si Dawn Lorraine, my baby girl na napakaiyakin sobra!

Maingay ito lalo na pag gabi unlike baby Anne na ubod ng tahimik para nang pipi.

Tapos after lamang ng ilang months nagising na din ito.
Humingi ako nang tawag dito at pinaliwanag ko ang nangyari at dahil likas na mabait ito ay ito pa nga mismo ang nagpasalamat na ako daw at di ibang tao ang nakasagasa sa kanya kundi baka patay na daw ito ngayon at walang baby Anne na nagpapasaya daw dito at nakakapagpapawi ng lungkot at pangungulila sa di pa nito nakikita at nahahanap na asawa.

---------

"Papa are you sure you're already okay? Dapat di mo pilitin ang sarili ang tagal kaya bago ka nakarecover baka next time deads ka na kawawa naman si Mama sumunod sa iyo di na makita ang magiging apo n'ya sa akin" natatawang puna ko kay Papa na naglalakad gamit ang tungkod nito.

Isang malakas na batok ang pinatama ni Mama sa ulo ko na nasa kaliwa ko bale ako ang nakagitna sa mga magulang ko.

"Aray naman Mama! Joke lang po 'yun" natatawang angal ko dito.

Isang irap ang pinakawalan nito sa akin.

Natawa naman kami ni Papa dito.

"Mami, naman masyado ka naman brutal sa bunso natin" ani Papa saka ako kinindatan.

"Hmp, bunso natin? Eh napakalaking damulag na n'yan eh magkwa kwarenta na wala pa din pamilya? Anu yan bakla sayang ang lahi nati Papi, tapos makapagbiro lamang parang wala lang yun nangyari nun nakaraan dalawang taon?" Angal ni Mama sa akin.

Natatawang napakamot na lamang ako sa leeg ko.

"Hay ang Mama napuna na naman ang edad ko, Mama thirty three pa lamang po ako at saka malay n'yo bukas may kakatok sa pinto at sasabihin na hey Lola what's up ako nga pala ang apo n'yo kay Daddy Joey nice to meet you" nagboses bata pa ako na kinatawa ni Papa at kinangiti naman ni Mama.

"Hmp d'yan ka magaling sa kalokohan paano ka magkaka anak eh halos di ka umaalis sa tabi namin ng Papa mo aber?" Di papatalong tanong nito.

Nang magpunta kasi kami sa Hawaii na pamilya para maiuwi na namin ang Papa ay di kami pinayagan ng mga doktor nito kasi nga daw napakadelikado daw sa maselan na kalagayan nito that time ang magbiyahe kaya naman wala kaming nagawa kundi hintayin na bumuti ang kalagayan nito.

Ako na mismo ang nag volunteer na maiiwan kasama ni Mama dun sa Hawaii at pinauwi na ang dalawang mga ate ko at mga asawa nila.

Kahit gustong gusto na bumalik sa 'Pinas para makita si Charlie kahit saglit ni tawagan ito ay di ko ginawa kasi baka sa sobrang pangungulila ko dito ay mapauwi akong bigla at yun ang di ko magagawa kasi di ko kayang maiwan na ang Mama na bumagsak ang katawan sa sobrang stress at Papa ko na paralisado ang kalahati nang katawan nang ganun ganun na lamang.

Kasalanan ko yung nangyari kaya dapat na magdusa ako at sa wakas after two years ay nakarecover din ang Papa at nakakalakad na nga ito kahit paunti unti kaya naman eto kami ngayon nakauwi na sa Pilipinas at naglalakad na papunta sa main door kung saan ay naghihintay ang mga Ate ko pati na ang mga Pamilya nila para salubungin kami at magsalo salo gaya nang dati pag dumadating na ang sunday.

"Malay n'yo Mama don't stop believing yan na ang imotto mo Mama para masaya" natatawang sagot ko dito at pumasok sa isip ko si Charlie pati na ang batang pangko n'ya that time.

Kung natuloy lamang kasi ang plinano ko dati pa ay may instant anak na ako kasi handa naman akong maging ama sa anak ni Charlie kung sakali na nagkabalikan kami two years ago

Naudlot na naman kasi ang binabalak ko pakiramdam ko tuloy galit ang kapalaran sa akin pati na ang tadhana kasi di matuloy tuloy ang mga plano ko para sa amin ni Charlie.

Sana naman this third time around makalusot na ako at umayos na ang lahat sa amin ni Charlie....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now