Chapter 21

14.4K 317 23
                                    

Mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak pero wala pa ding patid ang paglabas nang mga luha sa mga mata ko.

Yung cellphone ko walang patid ang pag riring kanina pa kaya naman pinatay ko na lamang ito.

Natigilan ako nang may kumatok sa pinto nang kwarto ko kaya mabilis na inayos ko ang sarili ko pagkatapos ay dali daling tumayo ako pagkaraan ay binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha nang Mama ko.

"Si Joey hija nasa labas at gusto na makausap ka" anito.

Tumango ako dito at lumabas na nang kwarto ko at bumaba sa hagdan at tumuloy sa may pinto para makapunta na ako sa may gate kung saan nakita ko si Joey na nakatanghod.

"Charlie!" Tawag nito sa akin.
Tinanguan ko ang Guard at binuksan nito ang gate saka ako lumabas at lumapit dito.

Tinangka ni Joey na yakapin ako pero mabilis na umiwas ako.

"Charlie patawarin mo na ako please pumunta naman ako sa simbahan pero nakaalis na kayo" pakiusap nito sa akin.

"It's already three o'clock in the afternoon Joey masyado ka nang late" mahinang sabi ko dito.

Natigilan ito sa sinabi ko pagkaraan ay napatungo.

"I'm sorry masyadong malayo sa simbahan ang pinagdalhan ko kay Diane nung tinawagan kita wala pa akong mapag iwanan sa kanya di ko matawagan si Steve at si Adam ay sinundo ang mga magulang ni Diane at nung maalala ko na late na ako sa kasal natin tinawagan agad kita Charlie kasi kahit pilitin ko di pa din ako makakaabot tignan mo ngayon pa lamang ako nakarating dito" paliwanag nito sa akin.

Tinignan ko ang mukha ni Joey at ramdam ko sa dibdib ko na nagsasabi ito nang totoo.

"Charlie...." tinangka nito ulit na lumapit pero umatras ako.

"Diane and I talk last week"

"Really?" Takang tanong nito.

"Yes and she said to me that she is the woman that you had sleeping behind my back" namutla ang mukha nito sa sinabi ko.

"C---charlie let me explain"

"And she also said that you love her and I know that she is right wanna know why I did not doubt her?" Namumula ang mga mata ko na muling bumaling dito.

Di ko maipaliwanag ang expression sa mukha ni Joey.

Natatakot ba ito nagulat o walang malaman na sabihin.

"Four years ago you silently cry on her wedding I saw the tears you shed the longing that struck in your eyes the jealousy mirroring your face but I just shrug it and said to myself that it's understable you and her are best of friends and Steve snatch your bestfriend of course you will be lonely but that's the dumb assumption led me to this stupid and worst self!" Napapasigok na wika ko dito pagkatapos ay lumapit ako kay Joey at pinaghahampas hampas ko ang dalawang kamay ko sa malapad na dibdib nito.

"Charlie I'm sorry" sa kabila nang pagwawala ko nagawa nya pa din na yakapin ako.

Lalo akong napaiyak kasi sa paghingi nya nang sorry para na din nyang inamin na tama lahat nang sinabi ni Diane sa akin.

"Why Joey bakit sya pa? Bakit si Diane pa? Matatanggap ko pa kung iba katunayan tinanggap ko pa ang kasal na inalok mo sa akin di ba pagkatapos mong aminin na may iba ka ngang karelasyon bukod sa akin pinatawad kita at kahit na katangahan pa na matatawag pinagkatiwalaan kita kasi Mahal kitang Gago ka eh!" Sumbat ko dito habang walang patid ang paghampas ko sa likod nito.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now