Chapter 40

11.9K 233 16
                                    

Stupid, stupid Charlie! Kulang na lang kalbuhin ko ang mahabang buhok ko na kinain na yata ang common sense ko.

After na makaalis ni Joey ay napaupo na lamang ako sa may swing at nahulog sa malalim na pag iisip.

Two years ago, pinagana mo na naman ang neganivity mo at di mo inalam man lang kung bakit nag alsa balutan si Joey kasama ang girlfriend nya at pamilya at nagbuntis ka naman na mag isa,
Tapos ngayon nagpakita ulit ang hunghang na iyon ay eto ka na naman parang tangang napapasunod sa kanya,nagpaliwanag lang kung bakit s'ya nawala pumayag ka na sa gusto nya na ipakilala sya kay Lucas...

Nalaman na n'ya ang tungkol kay Lucas....eh may Dawn pa kami...letse malandi talaga itong matris ko at tarantandong mabagsik naman ang kamandag nung bwiset na yun...
Napangiwi ako at natampal ng magkabilang kamay ko ang mukha ko.

"Mommy why are you slaping your face?" Ani Lucas na nasa harapan ko na pala kasunod sina Pierro at Percy.

Agad na ngumiti ako ng matamis dito at umiling dito.

"Nothing son, ginigising lang ni Mommy ang sarili nya inaantok na kasi si Mommy" pagdadahilan ko dito at saka agad na niyakap ito nang mahigpit.

"Duh! Wag kang maniwala d'yan sa Mommy mo malungkot yan kasi naman umalis na naman ang Daddy mo" singit ni Percy na kinagulat ko.

"Percy paano mo---"

"Really nandito ang Daddy ko" halos magkapanabay na wika namin ni Lucas.

Inikutan ako ng mga mata ni Percy at namaywang.

"Duh nakaalis na po"

"Duh" panggagaya ni Pierro dito at namaywang din ito.
Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako at maa amused  sa magkapatid na ito kasi kitang kita naman na masyadong iniidolo ni Pierro ang Kuya nya.

Lagi na ay ginagaya nito ang mga salita, kilos, pananamit ng kuya nito at pirmi nang nakasunod palagi kay Percy.

Di nga lamang nya makopya ang likas na kapilyuhan at pagiging prangka ng kapatid.

"Hello may bright eyes po ako na sobrang linaw at obvious na obvious naman na si Tito Joey ang Daddy ni Lucas kasi pinagbiyak na pinya sila" sagot ni Percy.

"Pinagbiyak na pinya" segunda ni Pierro na bumungisngis pa.

"Pinagbiyak na bunga Percy" pagtatama ko dito.

"Opo nga bunga means pwedeng bunga ng halaman like gulay, kamatis, ampalaya, sampalok, o kaya fruits like manga suha or dalandan at  gusto ko na pinya at wala po kayong magagawa" nakairap na ayaw na magpatalo nito sa akin.

Napailing na lang ako dito at nagulat pa ako nang kumandong paharap sa akin si Lucas at iniyakap ang munti nyang mga braso sa leeg ko.

"Mommy pabalikin mo na ulit si Daddy dito, namimiss ko na s'ya at gustong gusto ko nang ma meet po s'ya, saka makita kasi po nakakainggit po sina Kuya Percy at Pierro kasama lagi Daddy nila ako wala kasi nga po sabi nyo nasa malayo sya nagwo work" malambing na hiling ni Lucas sa akin.

"Lucas...."  napabuntunghininga na lamang ako.

Dapat ba na matuwa at makahinga nang maluwag kasi dahil di na ako nahirapan na ipagtapat sa anak ko ang tungkol sa ama nya dahil sa kadaldalan ni Percy na wala akong kaide ideya na may alam pala.

Kumbaga tapos na ako sa unang prinoproblema ko ang next naman ay yung tungkol kay Dawn ang isipin ko kung papaano ipagtatapat kay Joey,

O matakot na ngayon ay wala na talaga akong magagawa tadhana na ang naglalapit sa mag ama ko at mukhang wala na akong magagawa kundi magpatangay na lamang sa agos.....

Mapait na napangiti ako at napatango na lamang sa anak ko.

"Yes, son...your wish is my command" sagot ko dito na dagling kinaliwanag ng mukha nito.

"Really Mommy?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito na muli ay tinanguan ko.

Tuwang pinugpog ako nito ng halik sa mukha na kinatawa ko.

"Tawa now, Iyak later" wika ni Percy na kinangiti ko lamang kasi alam ko na tama ito.

Dahil ngayon pa lamang ay napakalakas na nang tambol ng dibdib ko sa antisipasyon sa kung ano na ang susunod na mangyayari pag naipakilala ko na si Lucas sa ama nya.

"Iyak later" paggagaya ulit ni Pierro sa kapatid.
Niyuko ito ni Percy at nakangiti na ginulo gulo ang buhok na kinapikit at kinangiti ni Pierro....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now