Chapter 39

11K 227 5
                                    

"Let's talk Charlie" seryosong sabi ko kay Charlie nang makalayo na si Percy.

Natigilan ito at pagkatapos ay namutla at pagkaraan ay tumigas ang mukha nito.

"About what?"

"About our son, Lucas" nakangiti na sagot ko dito.

Naiimagined ko pa lamang na makasama at maka bonding ang anak ko ay napakasaya na sa pakiramdam,

Isa pa excited na din ako na maipakilala si Lucas sa mga magulang ko.

Natitiyak ko na matutuwa sila lalung lalo na ang Mama ko kasi matagal na n'ya akong inuungutan na mag asawa nang magkaroon na daw sya ng Apo.

"Are you kidding me Joey?" Napapalatak na tanong ni Charlie sa akin.
"Lucas is not yours, I've told you I have a boyfriend who is the
fathe---"  napaigik ito nang mariin na hawakan ko ang braso nya.

"Cut that bullshit crap Charlie! He is my carbon copy, I just saw it a while ago, at ano ang idadahilan mo?" Tiim bagang na tanong ko dito nang mapansin ko na ibubuka nya ang bibig nya para magsalita. "Na Habang pinagbubuntis mo s'ya ako ang naiisip at napaglilihan mo kaya lumabas na kamukha ko ang bata?"

Namumula ang mga mata sa pagpipigil marahil na maiyak na sunod sunod na napailing ito.

"D---di yun ganun Joey" ngumisi ako dito at hinila ko ang hawak ko pa din na braso nya sa katawan ko.

"Charlie, don't think of another lie, I won't buy that, besides the DNA result won't lie" wika ko dito.

Ang ibinigay ni Adam sa akin na envelop ay naglalaman di lamang mga litrato, birth certifate, report may kasama na din ito na DNA result na positive na mag ama kami ni Lucas ang resulta.

Kung papaano nagawa lahat nang yun ni Adam ay wala na akong pakialam at pinagpapasalamat ko pa nang malaki dito.

Dahil sa nalaman ko mas lalo na sumidhi ang pagnanais ko na makuha muli ang kalooban ni Charlie at mapalapit sa Anak ko.

Para makumpleto at magkakasama na kaming pamilya.

"How dare you Joey, two years ago umalis ka at isinama mo pa ang girlfriend mo at ngayon babalik ka at ipipilit mo na anak mo si Lucas, ano ngayon kung totoo?, ano ngayon kung tinago ko? Ako ang nagdala ng siyam na buwan, nagsilang, at nagpalaki sa anak ko, ako lang ang kailangan ng anak ko" madiin ang mga kataga na binitiwan nito na nagpakirot sa puso ko.

"Two years ago inatake ang Papa ko sa puso at na stroke kaya umalis kaming mag anak at nanatili kami dun ng dalawang taon dahil delikado sa kalagayan nya ang maibyahe at kakauwi lamang namin three weeks ago" paliwanag ko dito.

Natigilan naman ito.

"At saka isa pa magli limang taon na si Lucas anung koneksiyon nun two years ago?" Nagtataka na tanong ko dito.

Kumibot kibot ang labi nito na nagbigay ng urge sa akin na siilin ito ng halik.

Pero pinigil ko ang sarili ko.
Di pa dapat sa ngayon pairalin ko ang silakbo ng damdamin ko kailangan na maisaayos ko muna ang problema namin ni Charlie.

Gusto ko din na malaman kung bakit nilihim nito ang anak namin sa akin.
Anong rason at dahilan para ipagkait sa akin na malaman ko na nagka anak pala kami.

Na nagbunga ang mainit na gabing pinagsaluhan namin at bakit pinili nya na iwanan ako at piliin mag isa na solohin ang bunga nang ginawa naming dalawa...

"Charlie ganito na lang" pumikit ako at huminga nang malalim.
"Please give me a chance para makilala ko ang anak ko, gusto ko s'yang makilala ng lubusan, maalagaan na di ko pa nagagawa, magpaka ama sa anak ko....pakiusap Charlene" pag samo ko dito.

Nag iwas ito nang tingin sa mga mata ko.

"F---fine...but please give me time para maihanda ko ang sarili ko na ipagtapat kay Lucas ang tungkol sa ama nya....a---ang alam n'ya kasi nasa malayo ang tatay nya" nakayukong wika nito na nagpangiti sa akin.

"Okay, saka totoo naman na nasa malayo ako, thanks Charlie for granting my wish" sabi ko dito at bago pa ito makatugon ay itinaas na ng dalawang kamay ko ang hugis puso n'yang mukha at siniil ko na ng halik ang bahagya n'yang nakabuka na labi.

Di agad ito nakareact pero ilang sandali pa at tinutugon na nito ang halik ko at buong rubdob naming pinagsaluhan ang isang malalim at marubdob na halik na kung di lang kami kinapos sa hangin ay di pa kami maghihiwalay.

Humihingal na nagkatitigan kami.
Ito agad ang namumula ang magkabilang pisngi na umiwas ng tingin na kinangiti ko.

Masaya ako na ganun pa din ang epekto ko kay Charlie katulad ng epekto nya sa akin.

Our feelings are mutual....

"Thank you again Charlie at sana soon....maipakilala mo na ako kay Lucas..sa anak natin" wika ko dito.

"Joey..." huminga ito ng malalim at pagkatapos ay tumango na ito sa akin.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now