Chapter 24

14.1K 275 13
                                    

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang makita ko sa lamesa ko ang isang Wedding Invitation.

Di kaya? Napapikit ako at pinilig pilig ang ulo para mapalis ang nakakakabang Ideya sa utak ko.

Kaya naman dala nang kuryosidad ay malakas ang kabog nang Dibdib ko na dinampot ko ito at binasa.

Eh? Kasal na sila di ba? Napakamot ako sa ulo ko sa walang kwentang naisip ko.

Gusto nila eh ba't ka nagtataka pa?

At napakagat labi ako at nakahinga nang maluwag nang malaman ko kung sino ang mga ikakasal.

At di ko maiwasan na di mapangiti nang mapait.
Inikot ikot ko ang swivel chair at saka nilagay ko ang kanang braso ko sa noo at mapabuntunghininga nang malalim.

It's been Three....Four years already.

Naka move on na ba s'ya sa akin?

Nahanap nya na ba ang nawalang sarili nya?

....May iba na kayang nakapuslit sa puso nya... nadaklot ko ang Dibdib ko dahil sa bumalatay na kirot sa huling naisip ko.

Kaya ba okay lang na dumalo ako?

...Kailangan ba talagang dumalo pa ako?

Kaya ko na bang tumingin ulit sa mga mata nya?

Napapikit ako nang mariin sa naisip ko at ayaw ko man ay nagsimulang maglaro sa Isip ko ang mga Scenario kung ano kaya at magkita kami nang di sinasadya.

Magsasabi ba ako na  "Uy congrats sa Kuya at Ate mo kasi nakasal na sila at last sa Simbahan....Tayo kailan natin itutuloy yun naudlot na kasal natin?  Napangisi ako sa naisip ko na yun.

O kaya naman....."Hey na miss kita di mo ba ako namiss o naalala ang tagal mong naghanap nang way patungo sa nawawalang sarili mo,
Nakalimutan mo na yata naiwan mo yun sa akin.... napabungisngis ako pagkaisip nang mga lakas hangin na mga salita na yun.

Tunog nang line nang telephone ang pumutol sa mga pagmumuni muni ko.

Napapailing na lang ako na dinampot ang telepono.

"Hello---"

"J---joey" dagling pumormal ang mukha ko pagkadinig ko sa boses na yun.

"Diane..... busy ako kung may sasabihin ka pakibilisan lang" walang ligoy ligoy na sabi ko dito.

"Joey pwedeng samahan mo ako na bumisita kay Stephan?" Pakiusap nito sa akin.

Napabuga ako nang hangin at nahilot ko ang sentido ko.

"Busy nga ako Diane di ba? Tapos gusto mo pang samahan kita papunta sa Anak nyo ni Steve sa bahay nila  close na ba tayo ulit?" pilit na tinatago ko ang Inis na tugon dito.

Nang mga panahon na magulo ang utak ko dala nga nang di natuloy na kasal namin ni Charlie at paghihiwalay namin nang tuluyan ay di ko na nabantayan si Diane.

Kahit na nakikipaghiwalay na dito si Steve ay tigas ang pagtanggi ni Diane.
Habol nang habol ang huli sa una at inakit pa na may mangyari sa kanila.
At nagbunga yun.

Akala kasi ni Diane pag nalaman ni Steve na buntis sya ay babalik dito si Steve.

Pero di yun ang nangyari at sa halip ay tinatwa ni Steve na kanya yun bata.
Nagkataon na nandun ako sa restaurant na yun at na witness ko ang pagtatalo nila at ang pag iyak ni Diane at bilang isang kaibigan kahit na may sama ako nang loob dito ay agad na dinaluhan ko ito.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now