Chapter 43

10.9K 238 12
                                    

Agad na sinalubong kami ng kasambahay ko at kinuha sa driver ng Papa ko ang mga pinamili ko.

Bitbit bitbit ko kasi ang dalawang angels ko.
Yun isa tahimik lang as usual habang ang bratinella kong anak ay sinusumpong na naman.

"Manang si Lucas" agad na tanong ko pagkalapag ko sa crib kina Anne at Dawn.

May ipinabibili kasi sya sa akin na laruan, yung lego.

"Ay Ma'm Charlie sumama po sa tatay nya kanina" sagot nito.

Napatango na lamang ako dito.
Marahil mamasyal na naman yun mag ama.

"May dala nga pong back pack si Lucas" dagdag pa nito na kinagulat ko.

"What?!" Di ko napigilan na mapasigaw na tila kinatakot naman ng katulong ko kasi agad na namutla ito.

Nagmamadaling pumanhik ako sa itaas ng bahay at agad na tinungo ang kuwarto ni Lucas,
Nang makapasok na ako ay dali daling binuksan ko ang cabinet nito at agad na napansin ko na nawawala ang ilan sa paborito nitong damit.

Napahingal ako at nanglalambot na napaupo sa kama nang mapansin ko ang isang note na nakaipit sa lampshade.

Nanginginig ang mga kamay na agad na dinampot ko ito.

Call me... yun lang ang nakasulat pero kilalang kilala ko ang nagmamay ari ng penmanship na yun.

Gigil na agad na dinial ko ang numero ng cellphone nya at ilang saglit pa ay agad naman na sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello Charlie" lalo akong nanggigil sa kanya dahil sa masigla nyang bati sa akin.

"Nasan ang anak ko Joey?"

"Anak natin Charlie, umm..." nag pause muna ito sa pagsasalita. "malapit na kaming dumating sa hacienda ko gusto kasi ni Lucas na makita ng personal si Croux kaya naman agad na pinabigyan ko yung anak natin"

"Croux your face!" Nanggagalaiti na sigaw ko dito.

Of course alam ko ang tungkol sa kabayo na yun sapagkat wala nang ibang bukambibig si Lucas mula ng makita nya ang mga larawan nito kundi makita ito nang personal.

"Ouch Charlie....don't be too much harsh on me pinagbibigyan ko lang naman ang kahilingan ng anak natin" anito sa nagtatampong tinig na tila kumonsensiya sa akin.

Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili ko.

"Iuwi mo na dito si Lucas ngayon na" utos ko dito.

"Sorry Charlie....pero di ko magagawa ang gusto mo, ngayon lang ako bumabawi sa anak natin.... pero kung gusto mo syang makita sumunod ka dito nasa likod ng note na iniwan ko ang eksaktong lokasyong ng hacienda ko di ka maliligaw...bye" wika nito at agad na pinatayan na ako ng cellphone nya.

"Hello Joey! Joey!" Sinubukan ko ulit na i dial ang numero ng cellphone nya pero out of reach na ito.

Napasabunot na lamang ako sa mahabang buhok ko sa sobrang frustrations na nararamdaman ko....

---------------

Mabuti na lang tila inaadya ng pagkakataon ang maagang pag uwi nina Cameron at Anthony buhat sa kanilang honeymoon dahil sa biglaan na tawag sa huli na kailangan nyang dumalo sa business meeting nya.

Pinaliwanag ko kay Cameron ang sitwasyon ko na agad naman na naunawaan nito.
Nagkataon din na plano na palang ipakilala ni Cameron ang anak nila kay Anthony kaya naman naging madali na ang lahat sa akin.

Kinuha na nito si Anne.

Nakakamiss na di ko na makikita ang bata na halos ako na ang nagpalaki pero mas kailangan na makita ko na agad ang panganay ko at baka brine brainwash na ito ng damuhong tatay nya at di na sumama pa sa akin.

Suwerte naman nang gagong yun.
Ako ang nagpakahirap na magdala ng siyam na buwan sa dalawa nyang anak na di pa nya nakikilala yun isa tapos dadating sya at aagawin nya ang pwesto ko sa buhay ni Lucas!

Di ako papayag!

Halos patapos na akong mag empake ng mga damit ko nang madinig ko na umiiyak na naman si Dawn, marahil nararamdaman nya na wala na nga sina Lucas at Anne tapos iiwanan ko muna din sya at ayaw nyang mangyari yun.

Sukat sa isipin na yun ay agad na tinungo ko ang nursery room at nakita ko na namumula na ang mukha nito kakaiyak kaya naman agad na kinuha ko mula sa crib ito at saka kinarga.

"Gusto ba ng baby Dawn ko na sumama?" Malambing na tanong ko dito na tila naman naunawaan ang sinasabi ko pagkat nakasibi man ay agad na tumahan na ito.

Napapangiti na agad na tinawag ko ang Yaya nito para ayusin ang mga gamit nito pati na din ito at nang matapos na ito sa pag eempake ay lulan nang sasakyan ay umalis na kami sa bahay ko para sundan sina Joey at Lucas sa Davao....

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon