Chapter 16

10.2K 194 23
                                    

"Mam Charlene may tawag po kayo sa line two" wika nang secretary ko sa akin.

Napakurap ako at bumaling dito.

"Sino daw?" Matamlay na tanong ko dito.

"Si  Mr. Torres po" mabilis na sagot nito sa akin.

Pagkadinig ko sa pangalan na iyun ay kumirot ang dibdib ko.

Naalala ko na naman sa isip ko ang sinabi ni Percy na nakita nya si Joey na may kahalikan na ibang babae at base sa nakita kong Guilt na bumalatay sa mukha ni Joey malamang sa hindi totoo nga yun.

At sa bwiset ko nagdahilan ako na masakit ang ulo ko pero ang totoo ay gusto ko nang magwala at pagbabatuhin nang lahat nang mahawakan ko si Joey eh mahal ko pa din yun kaya pinalayas ko na lang at binulungan na wag na syang babalik dun....

Echoss ko lang yun nuh!

Di ko naman matitiis ang Mahal ko...

Napahawak tuloy ako dibdib ko kasi naman inatake na naman ako nang selos.

Sino kayang makating higad ang lumandi sa Boyfriend ko?

Malaman laman ko lang kung sino sya hahagisan ko sya nang mga palaka with matching higad pa!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko saka dinampot na ang telepono.

"Joey napatawag ka" agad na wika ko dito.

"Thank god Charlie sinagot mo din ako di kita ma contact sa cellphone mo pag naman sa bahay nyo ako tumatawag kundi ka nakaalis na tulog ka---"

"Joey busy ako kung may sasabihin ka sabihin mo na kasi busy talaga ako" putol ko sa sinasabi nito.

Narinig ko na huminga ito nang malalim sa kabilang linya.

"We need to talk Charlie" anito at ayaw ko man ay dinunggol nang kaba ang dibdib ko.

Eto na ba ang araw na pinakatatakutan ko?

Makikipaghiwalay ka na ba sa akin Joey?

Napaubo ako nang mahina para palisin ang tila nakabara sa lalamunan ko.

"I--im sorry Joey pero busy talaga ako pwedeng sa ibang araw---"

"Please Charlie... nandito na ako sa harap nang building nyo" pakiusap nito sa akin.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapaiyak.

"Okay bababa na ako d'yan" wika ko dito saka agad na binaba ko na sa katangan ang telepono.

Napapikit ako nang mariin saka mahinang inuntog ko ang noo ko sa lamesa.

Charlie lakasan mo ang loob mo wag kang iiyak nasa bahay si Percy pag nakita nya na mugto mata mo yari ka bubwisitin ka nya nang bonggang bongga!

Ano mang ang mangyari sa pag uusap nyo ni Joey tanggapin mo na lang nang may ngiti sa labi....tama....tama...

-----------------

"Charlie!" Nakangiti na agad akong sinalubong ni Joey saka kinintalan ako nang halik sa pisngi ko at yumakap sa katawan ko.

Ngumiti din ako dito saka tinapik tapik ang likod nito at lihim na sinamyo ang pabango na gamit nito.

Bumitaw agad ito sa pagkakayakap sa akin saka ako hinawakan nang magkabilang kamay nito sa balikat ko.

Saka ako hinila papunta sa may Malaking puno nang Mangga at may bench na malapit lamang sa may parking lot.

"I miss you" bulong ni Joey na ikinapula nang magkabilang pisngi ko.

"I----namiss din kita Joey" sambit ko.

Kinuha nito ang kamay ko at sa pagkagulat ko ay sinuotan nya nang singsing at pagkatapos ay hinalikan nya ang kamay ko.

"J---joey?" Nagtataka na napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry kasi I cheated on you I kiss other girl and while you and I together I also sleep with her but I use condom when we do it" pag amin nito  sa kataksilan na ginagawa nya sa likod ko na ikinaantak nang dibdib ko.

Nakagat ko ang labi ko at alam ko na nagbabanta nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.

"Joey..."

"Charlie I cut my relationship with her because I realised that I like you more than her and I don't want to lose you so here I am now and I confess to you all of my sins" dagdag pa nito.

Napasibi ako at napatungo pero iniangat nang kamay nito ang baba ko patingala sa kanya.

" I'm sorry that I was a cheater type of a guy a two timer maybe Percy is right I am a drug...A dangerous type of drug that already destroying you...." bumagsak na ang mga luha sa mga mata ko.

"I'm sorry Joey I was not good e--enough for you---"

"Shhh..." pinigil nang hintuturo nito ang bibig ko saka malungkot na ngumiti.
"Ako dapat ang humingi nang tawad sa iyo Charlie patawad kasi di ko mapigilan ang sarili ko na maghanap nang iba na....." natawa ito nang pagak.

"J---joey...."

"Damn I was not the one whose worthy of you... I know I'm a trash a wicked jerk but I can't think of heading my life without you.....I fucking like you and I can't and don't want to let go of you Charlie because for me you are my saving grace para makaalis ako sa kumunoy na kinasasadlakan ko,
I want to let go of the Old Joey and start a brand new chapter of my life together with you" wika nito na ikinahikbi ko.

"J--joey..." naiiyak ako gusto ko na magsalita, gusto ko na sabihin sa kanya na masaya ako na ako ang pinili nya.

Ako ang gusto nyang makasama habam buhay.....

Natatawang niyakap ako nito nang mahigpit.

"I'm not a traditional Man Charlie kasi I not kneel infront of you and asking you to marry me kasi kita mo naman nauna ko nang ilagay ang singsing sa daliri mo" natatawang wika nito.

Naiiyak na tinampal ko ang dibdib nito.

"Marry me Charlie and spend the rest of your life with me the Asshole and Cheater Joey please" pakiusap nito na pinalamlam pa ang mga mata.

"Just promise me that you not do it again because if you do I will back out on our wedding" naniningkit ang mga mata na sabi ko dito.

Nagtaas naman ito nang kanang kamay.

"Promise" ngumiti naman ako nang matamis dito.

"Then it is a yes" sabi ko dito.

"Thank you Charlie" wika nito saka tinawid nang mukha nito ang pagitan namin at hinalikan ko sa labi na buong alab kong tinugon.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now