Chapter 46

11.8K 248 5
                                    

"Here my baby princess your toy" malambing na wika ko sa baby saka pinatunog ang rattle toy nya.

Umupo ito saka nakatawang pumalakpak.

Nasa malambot na carpet kaming tatlo nina Lucas at Dawn habang si Charlie ay naliligo sa bathroom.
Actually gusto ko ngang makisabay kaya lang biglang kumatok ang mga anak namin sa kwarto at ako bilang mabait at sweet na Daddy ang naiwan at nagbabantay sa mga babies ko.

"Daddy I want A playstation bili mo po ako please" malambing na ungot ni Lucas sa akin saka umunan pa sa hita ko.

Nangingiting hinaplos ko ang buhok nito.

"Okay Son, gusto mo pa pagdating na pagdating natin nang
Manila nasa house na natin yun sa mismong room mo" pagyayabang ko dito.

Napangiti na din ito.

"Talaga Daddy? Thank you po" wika pa nito saka nakipag fist bomb sa akin.

"Pero teka Daddy may house na po kami eh di dun din kayo po titira?" Nagtatakang tanong nito.

Ngumisi ako dito saka umiling.

"Nope may house na pinagawa ang Daddy para kay Mommy matagal na at pag pumayag ang Mommy na magkasama sama na tayo ay dun na tayo titirang apat" sagot ko dito.

Matagal na yun bahay na yun pinagawa ko nun ikakasal pa lamang kami ni Charlie dati na di nga lang natuloy.

Sorpresa ko sana ang Dream House ni Charlie na yun sa kanya, madalas kinukwento nya sa akin ang mga gusto nya na details ng bahay, mga decoration, na lihim na pinagsama sama ko at nang magawa ay tunay ngang dream house sa sobrang ganda.

At di pa din nagbabago ang pangarap ko,
Si Charlene pa din ang gusto ko na makasamang tumira sa dream house namin at syempre pa kasama ang mga anak namin.

"Wow parang kina Kuya Percy at Pierro kasama po nila sina Tito Jasper at Tita Themarie sa house nila?" Sabik na tanong nito na agad naman na tinanguan ko.

Gumapang sa may hita ko si Dawn kaya naman napapangiting kinalong ko ito.

"Da...dada...da" nakatawang tawag nito sa akin.

"Bakit baby princess ko gusto mo din na magplay tayo hmm?" Malambing na tanong ko dito saka pinugpog nang halik ang mukha nito na kinahagikhik nito.

"Daddy yung phone nyo nangbibling" ani Lucas sa akin sabay turo sa cellphone ko na nakapatong sa sidetable naka silent ito at nagvivibrate.

"Oh" nausal ko na lamang. "Pakikuha nga Lucas baka importante yung tumatawag" malambing na utos ko dito na agad naman na tumalima.

Agad na tumayo ito at naglakad papunta sa may sidetable at kinuha ang cellphone ko pagkaraan ay bumalik ito sa akin at saka binigay sa akin ang aparato.

"Thanks Son"


"Welcome Daddy" nakangiting sagot nito at muli na itong humiga sa hita ko.

Napangiwi ako nang mabasa ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Mama.

Di nga pala ako nakapagpaalam sa mga magulang ko at basta na lang akong umalis.

Tiyak pagagalitan ako nito.


"Hello Ma----"


"Nasan ka nang bata ka?! Alam mo ba na nag alala akong bigla! Paano kung napano ka? At iniwan mo na lang ang kumpanya basta basta nag aalala ang Papa mo sa iyo baka nagka topak ka na naman daw" sunod sunod na litanya nito.
Di na ako makasingit.

"Ma nandito ako sa Davao---" inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng leeg at balikat ko para mahawakan ko si Dawn ng dalawang kamay ko.


"Davao?! Ano? inuna mo naman ang mga kabayo mo? Dios mio naman Joey lampas treinta ka na imbes na pakikipag date ang asikasuhin mo at nang magka apo na ako sa iyo wala! Puros kabayo, baka, kambing ang inaasikaso mo" gusto ko nang mapakamot sa ulo ko sa paglilitanya ni Mama.

Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanila na may mga apo na sila sa akin sa sobrang pag iisip ko kung papaano mababawi si Charlie at mabubuo ko ang pamilya namin.

"Mama naman"

"Wag mo akong mamama mama d'yan kang lalake ka" angil nito sa akin.
Sasagot pa sana ako nang bigla ay umiyak si Dawn.

"Teka iyak ba nang bata yang nadidinig ko hane Joey?" Nagtatakang tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Hush my baby princess nagugutom ka na ba?" di ko pinansin si Mama at sa halip ay inalo alo ko si Baby Dawn na lumalaon ay lumalakas ang pag iyak.

Binigay ko dito ang feeding bottle nya pero hinagis naman nito at nilakasan pa lalo ang pag iyak.

"Daddy baka basa po diaper nya maarte yang si Dawn ayaw nya nang basa ang diaper nya" singit ni Lucas.

Hinipo ko ang diaper nito at tama nga si Lucas basa nga ito.

"Daddy?! Joey bakit may mga bata dyan?!" Ani Mama sa kabilang linya.

"Ma mamaya na kita kakausapin ulit umiiyak ang apo nyo kailangan palitan ko lang ng diaper" sagot ko dito.

"Apo?! Joey anung kalokohan na naman yang pinaggagagawa mo dyan sa Davao umuwi ka nga dito at pipingutin ko yang tenga mo!" Ani Mama sa akin.

"Bye Mama love you, Lucas say bye bye kay Lola" baling ko kay Lucas sabay abot ng cellphone dito na agad naman na kinuha nito.

"Bye bye Lola love you" wika ni Lucas sabay patay ng cellphone at hagis sa kama.

Napailing na lamang ako at maingat na pinalitan ng diaper si Baby Dawn.

Nang mapalitan na ang diaper nito ay tumigil na din ito sa pag iyak.


"Am I missing something?" Nakangiting Tanong ni Charlie na kalalabas pa lamang ng bathroom.

Napalunok ako pagkat napakasexy nitong tignan sa pulangbathrobe na suot na abot lamang hanggang kalahati ng hita nito.

Mabilis na umiling ako dito at bumaling sa mga bata.

Kalma Joey! Kalma lang may mga bata dito... SPG yang iniisip mo na gawin may time para dyan pangaral ng kunsensiya ko.

Kailan pa yun?! Naiiyak na tanong ng utak ko.


"I know what are you thinking naughty Joey" bulong nang di ko namalayan na nakalapit na palang si Charlie.

Namumulang tumingin ako dito.

Amoy na amoy ko ang mabangong sabon na ginamit nya.

Ngumiti naman ito nang matamis.

"Later" anito saka nilagay sa labi nya ang hintuturo at pagkatapos ay nilapat sa labi ko saka tumalikod na.

"Later" napapangiting nausal ko at dinama ang labi ko at kinilig ako sa inaksiyon ni Charlie at lihim kong napalangin na sana ay gabi na.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now