Chapter 19

11.2K 219 20
                                    

A/N: Di sana ako mag uupdate badtrip ako may pumuna na naman sa grammar nang Rebound Wife hahaha!
Dito ko na lang po sasabihin:)
Nagsusulat lang po ako or nagta type dito sa Wattpad di po ako writer pakiunawa na lang po ang mga mali maling grammar kung naiintindihan nyo salamat kung hindi naman po sorry pero wala akong plano na I edit yun kahit ito din pong Story na ito pag natapos ko na.

Sana po maintindihan nyo ang hirap na nga pong mag type ang sakit sakit na nang mga daliri ko kaka type at masaya na po ako kahit na galit na galit na kayo at panay ang rants nyo kay Joey o kaya update pa po please kahit kaka update ko pa lamang wala din po akong require votes at comments para mag update agad ako kasi po ako po yung tao na pag naisip ko na sulat agad post agad pag may load....
Pag pumasok yun ideya sulat agad kaya yun ibang story madalas ang update iyung iba naman lalong lalong na ang MGDW ay ubod nang tagal bago ang next update. Ang 1000 words mahigit po pinakamabilis na po ang tatlong oras tapos si Watty napakaarte pa tatlong try ko pa bago mapost:(

Hay sayang ang load:(

Isa pa po ang dami kong on going tapos isusulat ko pa next ang Story nina Princess at Percy mapapagalitan na naman nyo ako kasi ang dami dami ko pang di tapos, tapos hayan na naman magsusulat ulit ako nang panibago.

Sana po nauunawaan nyo po yun lang and hinihintay ko na ang mga rants nyo kay Joey:)

------------------------------

Because he Loves me

Because he Loves me

Because he Loves me

Ah shit shut up!

Shut up!

Shut the hell up!

Paulit ulit na saway ko sa utak kong sakit na sakit na dahil sa walang sawang pag alingawngaw ng mga nakakairitang kataga na huling binigkas nang malanding Diane na yun.

Ang sakit!

Ang sakit sakit na!

Yun parang kinakatay na ang puso ko at niluluto ang dugo ko tapos china chop chop ang katawan ko kasi anim na araw na akong puyat, aligaga at lantang gulay sa sobrang pag iisip ko tungkol sa nalaman ko.

Na bakit si Diane pa?

Bakit sya pa ang nakipaglandian sa Joey ko?

Gusto ko syang pagsasampalin kalbuhin at ikulong sa basement nang bahay namin saka kunin ang lahat nang telepono at cellphone para di matawagan si Joey para di mangyari ang gusto nya na wag matuloy ang kasal naming dalawa....

Pero....

Pero di ko kaya...

Wala akong sapat na lakas nang loob kahit pa ang komprontahin si Joey tungkol sa nalaman ko di ko magawa.

Natatakot ako na pag inamin ko na totoo nga lahat nang sinabi ni Diane sa akin ay masisira na ang tingin ko sa lawak nang sakop nang pagkakaibigan nilang dalawa,
Na pag magpapaalam si Joey na kailangan sya ni Diane ang maiisip ko ay kailangan sya nang huli sa kama nito dahil di available ang Asawa nya at paghigpitan ko si Joey rendahan sa lahat nang gusto nya tapos ano?

Lalamig pakikitungo ni Joey sa akin at lalayo ang kalooban nito at anung kasunod?

Mag aaway kami?

Maghihiwalay?

Maiiwan akong mag isa?

Hindi ako makakapayag!

Sukat sa isipin na yun ay dinampot ko ang cellphone ko na nasa sidetable at dinayal ang numero nang cellphone ni Joey.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now