Chapter 31

12.7K 253 13
                                    

"Tita Charlie ang Spagetti niluluto di dinadasalan" napapitlag ako at napalingon sa likuran ko kung nasaan ang magaling na pamangkin ko.

"W---walang cheese" mga katagang nanulas sa bibig ko.

Nanulis ang labi nito saka namaywang.

"Ang Cheeze pangdagdag lang pang display pero yang tinatangahan nyo po Tita Charlie bawang sibuyas tomatoes spagetti sauce red bellpepper paminta hotdogs at ground beef ang ingredients" sabi ni Percy sa akin habang tinuturo isa isa ang mga sangkap na nasa harapan ko.

"W---walang asin....tama walang Asin" nabubulol na sagot ko dito.

Nag angat ito ng ulo at naniningkit ang mga mata na tinitigan ako nito ng matiim.

"Gutom na si Lucas Tita Charlie" sabi nito.
"Kung walang salt pala dapat nagpa take out ka na lang po ng food di sana kanina pa tayo kumain di po yun naghihintay kami sa salas kasi nag insist kayo na magluluto sana ako na lang ang nag cook" litanya nito.

Ang alam ko tinuturuan ni Ate Themarie si Percy na magluto na ng mga simpleng dishes para daw habang maaga pa may alam na daw ito kaya alam ko na maalam na ito sa kitchen at his young age.

"Sorry Percy ahm....magluluto na ako wait lang" akma na sanang bubuksan ko ang gas stove nang muli ay magsalita ito.

"Tita wala ding olive oil at saka wala ka pang casserole na nakasalang d'yan may balak ka bang magsunog wait lang po at lalabas muna kami nina Pierro at Lucas"napanganga ako sa sinabi nito at natampal ko ang noo ko.

My God! Sa sobrang pag iisip ko sa nangyaring pagkikita namin ni Joey....pati na din ang bago n'yang Girlfriend nawawala na ako sa focus... napapakagat labi na naisip ko.

Aaminin nagseselos ako...

Di ko mapigilan mahal ko pa din naman yung gagong lalaki na yun eh...

Kaya eto tuloy ako naa absent minded.

"Lucas! Pierro! Labas na muna nang house magsu suicide si Tita Charlie!" Nanlaki ang mga mata ko pagkadinig sa sinigaw ni Percy at dali daling tinakbo ko ang distansiya sa pagitan naming dalawa at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"Stop it please Percy di ka na nakakatuwa" saway ko dito.

Inirapan ako nito.

"Hmp! Kailan po ba kayo natuwa sa akin?" Sagot naman nito.

Napabuntunghininga ako.

"Di yan totoo Percy pamangkin kita kayo ni Pierro kaya mahal ko kayo lalo ka na kahit ubod ka ng kulit" sagot ko dito.

Tinaasan ako nito ng kilay at humalukipkip.

"Pina plastic mo lang po ako Tita Charlie pero sige magpapaloko muna ako sa iyo" wika nito.

"Thank you Percy"

"Lumipas na po ang gutom ko Tita Charlie pero dapat iluto mo pa din yun spagetti kaya dapat bumili po ikaw nang Cheese at salt" anito.

Ngumiti ako dito at saka tumango bilang tugon.

------------------

"Tita Charlie bilisan nyo naman po maglakad!" Hingal at pawisan na napatingin ako kay Percy na prenteng nakaupo sa mountain bike nya habang ako eto at naglalakad lang.

Papunta kami sa mini grocery sa tapat nang subdivision namin para bumili nang cheeze at iniwan ko muna sina Lucas at Pierro sa Yaya nang anak ko.

Magaling na bata talaga!

"Try mo kaya pamangkin bumaba sa bike mo at maglakad nang makasabay ako sa iyo" sabi ko dito.

"Ayoko nga po kaya nga ako nagdala nang bike para di na po maglakad kasi mapapagod lang ang mga legs ko pagwa walk eh tapos po you want me to walk?" Napapailing na kumumpas pa ito gamit ang hintuturo nito.
"No way Tita Charlie!" Dagdag pa nito.

Eh di wow matalino at maduga talagang bata ito eh!
Bakit pa kasi ako napapayag na bumili kaming dalawa nang cheeze dapat inutos ko na lang sa maid namin di sana ako nahihirapan nang ganito! Napapailing na hinaing ko.
Minsan naiisip ko kung anak ba talaga s'ya ni Kuya Jasper ubod laki ng pagkakaiba nilang mag ama kaya lang wala namang kaduda duda na mag ama talaga sila para silang pinag biyak na bunga na dalawa eh! Dagdag na himutok ko sa utak ko.

Naputol ang paghihimutok ko nang maramdaman ko na may tumapik sa balikat ko at nagtataka na nilingon ko ito pero dapat pala di na lang ako lumingon kasi ang puso naman ang tila nagririgodon sa sobrang lakas nang kabog nito nang agad na mapagsino ko ito.

"J---joey?!" Nauutal na nanulas sa bibig ko.

Ngumiti ito nang matamis.

"Fancy seeing you here" wika nito at napatango na lang ako wala naman kasi akong malaman na isagot dito.

"Malamang makikita mo kami, dito Tito Joey dito sa subdivision na ito kami nakatira eh" singit ni Percy nakalapit na pala sa aming dalawa. tinawanan lang nang mahina ni Joey ito.

"Percy matabil ka pa din" puna ni Joey dito.

Umingos si Percy at umirap.

"Correction lang po Tito Joey I'm a handsome and witty young boy" sabi nito.

Muli ay natawa si Joey dito habang ako naman ay napailing na lang.

"Sige tumawa ka po pero 'tong tandaan nyo Tito Joey pag ako lumaki madaming mga girls ang maghahangad na masungkit ang matamis kong Oo" sabi nito na kinahagalpak nang tawa ni Joey at ako naman ay impit na napabungisngis.

"Ah! Ganyanan pala huh? Sige tawa much lang kayo ngayon dadating din ang time and anyway makaalis na nga kasi bibili pa po ako ng cheese" sabi at saka pumedal sa bisikleta nya papalayo sa aming dalawa.

"Percy wait---"

"Malayo na s'ya Charlie di na nya madidinig pa ang pagtawag mo"putol ni Joey sa akin.

Napapalunok na humarap ako sa kanya.

Ang dibdib ko napakalakas ng kabog ngayong kami na lang na dalawa.

"Wanna come and stroll with me in the park just like old time sake's?" Tukoy nito dati nun mga panahon na magkahawak kamay kaming naglalakad na dalawa na wala namang tiyak na lugar na pupuntahan basta ang mahalaga magkasama kaming dalawa...dun lang maligaya na ako.

"Joey kasi...." di ko malaman kung papaano ito tatanggihan.

"Please Charlie?" Pakiusap nito sa akin.

Tila trumiple ang kabog ng dibdib ko pagtitig ko sa malamlam nyang mga mata.....

At natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatango dito.

Talagang pagdating sa lalaking ito di ko kayang tumanggi.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now