Beginning

1.3K 14 0
                                    


BEGINNING — Compliment


"Dad?" nanlalaki ang aking mga mata. I can't believe what I'm seeing. This is impossible, unreal. Nangako siya at hindi ko lubos maisip na kaya niyang kalimutan ang pangakong iyon.

Kumislap ang mga mata ng aking ama. Sa unang pagkakataon ay hindi ko mapangalanan ang nararamdaman kong ito dahil sa nakita.

"Elaine, it's for you. I thought it'd be best for you," natigil siya sa pagsasalita nang talunin ko ang distansya.

I jumped on him at ikinawit ko ang dalawang kamay sa leeg niya. "Dad! Thank you!" utas ko at naiiyak pa. I cried on his shoulders. I can't believe it! We're going home! After so many years of torture and sadness, I am finally going back to where I belong.

Parang napapalibutan ng maliliit at makikinang na bituin ang aking paligid. Nang patalunin ako ni dad upang makababa na mula sa kanya ay pinagmasdan ko uli ang hawak kong dalawang one way ticket. I hope he's not kidding this time. Maraming beses na itong nangyari, sa rami ay hindi ko na mabilang, ngunit ngayon ay heto na naman ako at umaasang totoo ito at matutuloy na talaga kami kami.

Nangako siya noon sa mommy ko na hindi na namin ito iiwan para lang bumalik sa Pilipinas. Ngunit ngayon ay heto! Babalik na nga kaming pamilya.

Inisa isa ko ang ticket upang mabasa ang mga detalye roon. Ngunit naglaho ang ngiti ko nang dalawa lang ang mabilang. "Two tickets only? How about mom?" tanong ko sa kanya.

Ngumiwi si daddy. He eyes glimmered with unknown emotion.

Bumagsak ang balikat ko at nawala ang aking ngiti. "She's not coming." Hindi na iyon tanong dahil alam kong iyon naman talaga ang mangyayari. "She's still not choosing us," pinutol agad niya ang tampo sa aking tono.

"Hey, that's not true. She is choosing us that's why she's staying here, darling. Alam mo naman na mahihirapang umuwi ang mommy mo. She can't just leave her job and come home with us," sambit niya.

I believe him but I can't just accept that reason. Ilang taon nang ganoon. Mom's always with her other family. I mean, 'yong pamilyang pinagtatrabahuan niya mula pa nung ipinanganak ako. Mas nagawa pa nga niyang alagaan ang pamilyang iyon kaysa sa amin na sariling pamilya niya. She's been with them for so long that she never had the chance to be a mother to me and be a wife to her husband. Kahit na sumunod kami rito sa Los Angeles, ganoon pa rin sitwasyon.

"We will go back to the Philippines and stay there until you graduate," ani dad na nakakuha ng atensyon ko.

Biglaang nabura ang galit sa dibdib ko nang marinig iyon mula sa kanya. Until I graduate what? "What, dad? Graduate from high school?" tanong kong hindi makapaniwala. Hindi ko na rin maiwasan ang saya sa aking tono.

Umiling si dad at natawa. "Oh, I'm not sure about high school, darling. Ang napag-usapan lang namin ng mommy mo ay patatapusin kita ng elementary sa Pilipinas. I'm going to take care of our business there and arrange things so we can finally migrate here for good,"

"Mom approved? Oh my gosh!" Ang palad ko ay nasa bibig na. We are talking about going back to the Philippines. Saka na muna ang nabanggit niyang migration namin dito sa Amerika. Kahit natakot ako roon ay saka ko na lang papansinin. I will deal with that topic some other time. But right now, what's important is I am going home!

Umikot si dad patungo sa kanyang mesa. May mga kinuha siyang papel doon at tiningnan isa isa.

Sinundan ko ng tingin ang mga papel at pinilit basahin ang malalaking letra sa ibabaw niyon. Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ay tumagilid na lang ang aking ulo.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now