Chapter 44

263 13 2
                                    

CHAPTER 44 — Because It's Only You


Huminto lang ako sa pagtakbo nang ilang metro na ang layo ko sa breakfast hall. Hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak ang mga luha ko kahit na nakalayo na ako sa taong dahilan nito.

It was a relief that Conrad didn't follow me. Ayokong sundan niya ako dahil lang nakonsensya siya nang makitang nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari. Ayokong maawa siya sa pagiging miserable ko. Doon na lang siya sa piling ng babaeng mahal niya.

Instead of going back to my room, I just decided to go out of the hotel. Makakatulong sa akin ang makalanghap ng sariwang hangin. I hoped it would really help me calm down. Ang sabi ni Constantine, ang dapat na gawin ko rito ay magpahinga. But because of what happened, I think I might not be able to relax anymore. Marami na namang gugulo sa aking isip at nakakasawa na iyon.

Isinuot ko ang sun glasses na dala ko at napaglakad lakad sa labas ng hotel. The beach was not too far from the hotel. Doon na lang siguro muna ako hanggang sa maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

I could still remember Conrad's face earlier. Bakit ba ayaw niyang malaman ko na sila ni Shayne? Dahil ba nakokonsensya siya? Bakit pa ito kailangan ilihim sa akin? Mabuti na lang nga ay nasabi ito ni Lorenzo. Kung hindi ay kanino ko malalaman? Even Celine doesn't have any idea about his relationship with Shayne. Nakakapanibago nga raw ang araw araw na makita niyang magkasama ang dalawa.

But should I believe it? Baka naman kasi magkasama na talaga sila palagi at hindi lang ito nakikita ni Celine. Celine's very busy with her own life. Baka nga noon pa ang relasyon nila at hindi lang talaga alam ng kapatid niya.

I suddenly wanted to know when their relationship started. Tandang tanda ko pa ang mga litratong nakita ko noon. Could it be that Conrad was lying to me? Naniwala ako sa kaniya noon. Pinagkatiwalaan ko siya nang lubos. Ngunit pagkatapos ng lahat ng iyon ay tinalikuran ko pa rin siya sa takot na baka hindi maging maganda ang resulta ng relasyon naming dalawa.

We we'ren't really a couple before. But we had a mutual understanding and we know our feelings for each other. Naduwag lang ako. I was not sure if I could still come back to him. Lalong lalo na sa sitwasyon ng pamilya ko noon. Kaya pinutol ko ang anomang namamagitan sa aming dalawa. Thinking that it would be better that way. But right now, I regret everything.

Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko. Most of it was how they became a couple. Maaaring noon pa ito. Shayne probably got too close to him before. Dahil wala ako sa tabi niya, may ibang babaeng pumalit sa posisyon ko. It wasn't impossible. Sa mga litrato pa lang na mistulang naglahad sa akin ng kwento ay nakita ko nang kakaiba ang babaeng ito.

She's beautiful and she likes Conrad. Hindi mahirap na mapamahal si Conrad sa kaniya. Higit na lahat, hindi ito magiging mahirap dahil wala naman ako sa tabi ni Conrad.

Mas lalo lamang akong nanghihina habang sinusubukang isipin kung paano naging sila.

Naglakad ako hanggang sa nakarating ako sa buhanginan na malapit lang sa dagat. I sat there and folded my knees and moved it near my face. Ipinatong ko sa nakatupi kong mga tuhod ang aking baba. I closed my eyes to stop the tears that kept on flowing.

Ganoon ako sa mga sumunod na minuto.

Tumitig lamang ako sa buhanginan hanggang sa maisip na bumalik na muna sa aking kwarto. I wonder where Celine is right now. Siguro ay bibisitahin ko na lang siya mamaya. Pero sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga.

Tumayo ako at pinagpag ang mga dumikit na buhangin sa damit at balat ko. Tinanggal ko na rin ang sun glasses ko at isinabit ito sa harap ng damit ko. Akmang aayusin ko ang aking buhok nang di gaanong dumilim ang harap ko dahil sa isang taong lumapit sa akin.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon