Chapter 26

237 9 0
                                    

CHAPTER 26 — The Past


Ganoon ako kaduwag noon.

I was that coward that I came to a point where I lied to the people who gave me their true and honest love. I gave up the happiness of my family just to feel that I was accepted by the people around me. I cut off all the connections I had from the people who never left me when I needed them the most. I left them even though I knew that they would stay with me whatever happens.

I was that fearful.

Takot akong itaboy kaya ako ang nagtaboy sa kanila. Takot akong maiwan kaya ako ang nang-iwan. Takot akong magmahal ng lubos kaya mas pinili kong hindi tanggapin ang pagmamahal ng taong ibinigay sa akin ang kaniyang buong puso.

I am a fool if I say that I didn't regret what I did before. Of course, I always thought of the 'what if's'. Pero tanga ako kung hihilingin kong sana ay bumalik ang araw na isinuko ko ang lahat. It will never happen. It wasn't just a dream. Because if it was, I would have never felt this pain in my heart. Ang sakit na para akong dinudurong at pinipirapiraso. Nasaktan ako pero wala akong karapatang manisi ng ibang tao dahil kagagawan ko ito.

It could have been better if I just let fate do its thing. Pero nangealam ako. Lumala ito. Nang-iwan ako. Naiwan ako.

"It was good!" I told Rhyna when she asked me about the recent book that she recommended me to read.

"I told you!" nagmamalaking sabi niya. "Sabi ko sa iyo magugustuhan mo, e," she said.

Patagal nang patagal ay gumagaling nang magsalita ng Filipino itong si Rhyna. Dahil nga hindi ako pumapayag na sa mga pag-uusap namin ay wala siyang masasabing pangungusap na tagalog ay natuto rin siya.

Ibinalik ko ang libro sa shelf. I started reading it yesterday and I just finished it a few minutes ago. Kapag wala kasing tao sa bookstore ay hinahayaan kami ni Mrs. Jones na gumawa ng mga bagay na makakaubos ng oras namin. Since I was done with my work, nagawa kong isingit ang pagbabasa.

Reading became my hobby. Ginagawa ko ito sa tuwing darating ako sa puntong bumabalik ang mga alaalang pinipilit kong kalimutan. It was really hard to forget the things that you were used to for years. Ang ginagawa ko, para mawala sa isip ko ang mga iyon ay nagbabasa ako. Rhyna recommended a lot of good books. I started reading classics and now I tried the young adult books. Hindi ko akalaing mawiwili ako sa pagbabasa ng mga ito.

"You know what, keep reading more books. Para hindi ka na lagi malungkot," aniyang natural ang ngiti sa labi. I know it whenever Rhyna is being sincere. Hindi niya iyon kayang itago. Alam ko rin kung kailan ang mga pagkakataong binibiro niya lang ako.

"I will. Thank you so much," I dramatically said habang pinipikit pa ang mga mata.

Tumawa lamang siya.

Nagkwento ako noon sa kaniya ng ilang bahagi ng mga nangyari sa akin. Nag-iba kasi ang pakitungo ko sa mga tao mula nang bumalik ako rito sa L.A. Napansin iyon ni Rhyna. Alam niyang nangyari ang pagbabago matapos kong manggaling sa Pilipinas. Hindi niya ako kinulit na magkwento ngunit dumating din ako sa puntong gusto kong makawala kaya inilabas ko ang lahat sa kaniya. She was so understanding. She gave me some advice. Ngunit alam kong wala sa mga ipinayo ni Rhyna ang magagawa ko sa isang iglap lang. That's why she kept on diverting my attention to books.

Tumunog ang bell ng bookstore. Pareho kaming tumayo ng tuwid ni Rhyna. Ang mga mukha namin ay naging propesyunal.

"Good morning..." Si Rhyna ang bumati ngunit nawala ang dapat ay susunod niyang sasabihin. Nang tumigil siya ay tumutok sa pumasok ang mga tingin ko.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now