Chapter 4

376 9 0
                                    

CHAPTER 4 — Nag-iisa


Unti unti ay nasanay ako sa palakad ng high school. Kung noong elementary ay may gabay ka pa sa lahat ng ginagawa sa loob ng eskwelahan, sa high school naman ay mas malaya kang nakakagalaw ngunit mas mahirap ang pagdadaanan.

Grade eight wasn't different from grade seven. Kung mayroon man ay parang nag level up lang ang lahat. Mula sa pagbabago ng mga mas mahihirap na subjects at mas pagiging malupit ng mga bagong guro.

"Kahit ano talagang mangyari, Math ang problema ko," utas ko sa aking katabing si Celine.

We became classmates again. Kung magiging kaklase ko siya hanggang sa matapos ako ng high school, siguradong makakasuong ako sa hirap na dala nito. I have a smart friend around me. May kasama ako sa pag-aaral. Masarap kasi talaga kapag ang kaibigan mo ay matalino dahil nadadamay ka kapag nag-aaral siya.

"Lalo na itong isa pang subject natin na math din," utas ko.

"It's Geometry this time, Elaine. Mas madali ito kumpara sa Business Math natin noon," sabi niyang may kumpiyansa.

Napairap na lang ako. Of course it's easy for her because she is good at the subject. How about me?

Nangyari ang mga usual routines sa tuwing first day ng klase. Ang introduction kung saan magpapakilala ang lahat sa harap. Nakasanayan ko na ito dahil ilang taon ko na itong ginagawa sa lagpas sampung subjects. Ang sumunod ay orientation tungkol sa mga expectations ng aming guro at ang mga mangyayari sa buong taon. Sa homeroom naman ay inulit lamang sa amin ang school rules and regulations, ang history, vision at mission ng eskwelahan, at ang mga routine sa assembly araw araw bago magsimula ang klase.

Lahat ng ito ay pinagdaanan ko na noong grade seven kaya walang bago.

"You're I.Ds will be given by the end of the week. Please be reminded that your parents need to have their signatures on your diaries every day. Tomorrow, I will check it and see if your parents signed them," anang aming teacher. "Alright, class dismissed. Goodbye, class." Hudyat iyon ng sabay sabay naming pagtayo.

"Good bye, Mrs. Diamzon. God bless you," sabay sabay na paalam ng buong klase.

Yumukod ang aming guro sa amin at naunang lumabas ng classroom.

Nagsimula ang daldalan. Naghalo halo ang mga salita sa loob ng aming room at sumasama roon ang mga sinasabi ni Celine.

"Wala kaming sundo kaya magko-commute ako," aniya habang tinitipon ang mga nakalabas na gamit upang ipasok sa bag.

"Oh, bakit? Saan ang driver niyo?" tanong ko habang pareho ang ginagawa kagaya niya.

"Pinag-drive sila papa at lola, e," sabi niya. "Kaya kailangan makauwi agad ako dahil mag-aalala sila kapag ginabi ako," aniya.

Sunod sunod ang aking tango. "Kung ganun, ako na lang mag-isa ang mag-i-inquire sa library," utas ko.

Naging banayad ang pagtingin niya sa akin.

Ngumiti lang agad ako at marahang pinalo ang braso niya. "Okay lang," sambit ko." Siguro ay naisip niyang magtatampo ako dahil hindi niya ako masasamahan.

Ilan pa lang ang nakakalabas ng classroom nang magtungo kami sa pinto. Wala pa kami roon ay sumilip na ang malaking ngiti ni Conrad. Hindi siya makapasok dahil isa sa mga regulations na bawal ang trespassing kung hindi iyon ang classroom ng inyong section.

Mabilis kaming lumabas ni Celine para sa kanya.

"Oh, sasabay ka?" tanong ni Celine sa kapatid.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now