Chapter 18

205 6 0
                                    

CHAPTER 18 — Decision


Hindi na ako kinausap ni dad pagkatapos niyon. Hinayaan niya lang ako at iniwan na sa aking kwarto. I badly wanted to text Conrad and tell him everything but I think it's not his concern anymore. Ayoko naman kasing mag-alala pa siya sa akin.

Right now, I don't want to do anything but to stay in my room. Ngayon ay may karapatan na akong magkulong dito dahil alam na ni daddy ang lahat. Hindi ko na kailangan itago sa kaniya ang tunay kong nararamdaman 'di gaya ng mga nakaraang linggo. So, that's what I did.

Madalas niya akong ipatawag kay manang. Ngunit dahil ayokong bumaba ay pinapadala na lamang niya rito ang pagkain. Nang gabing iyon ay nagbukas ako ng laptop upang tingnan kung maaari ko bang matawagan si mommy. And I was lucky because she called me first.

"Anak," aniya nang sagutin ko ang video call.

Mom doesn't look okay base on her face. Namumula ang kaniyang mukha at halatang pagod na pagod siya.

"Mom, are you okay?" tanong ko. It's stupid to ask that question but I still did. I want to know how she's doing after everything.

Pumikit siya at tumango. "Maraming trabaho. Alam mo namang nasa bakasyon kami ng amo ko," aniya.

Bumuntong hininga ako. Miminsan ko lang nagawang pahalagahan ang paghihirap niya para sa akin. Noong bata ako ay palagi kong iniisip na mas mahalaga kay mommy ang trabaho niya kaysa sa aming pamilya niya. Mula kasi noong lumipad siya sa Amerika upang maging OFW ay ilang beses lang siyang umuwi sa amin. At ang bakasyon niya sa amin ay inaabot lang ng ilang linggo kaya naman hindi ko rin siya nakasama ng matagal. Nang tumira naman kami sa Amerika kasama niya ay ganoon pa rin. Uuwi lang siya sa bahay kapag nagkataong hindi siya sinama ng kaniyang amo sa mga bakasyon nito. At minsan lang mangyari iyon.

Noon, nagseselos ako sa mga batang inaalagaan ni mommy dahil naisip ko na mabuti pa sila ay nagawang palakihin ni mommy samantalang ang sarili nitong anak ay hindi nito naasikaso. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Ang estado namin sa buhay ngayon ay nagpapatunay ng ginawang paghihirap ni mommy.

Kung tutuusin, ang negosyong itinayo ni daddy ay nanggaling sa mga naipong pera nilang dalawa ni mommy. Nakarating kami sa states dahil kay mommy. Nakapag-aral ako sa magagandang eskwelahan dahil kay mommy. Everything I have today was because my mom worked very hard so that I would have a better life.

"Narinig ko po kayong magkausap ni daddy."

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. "We talked about you. Kailan mo sinabi sa kaniya, anak?"

"Kanina lang po. I'm sorry, mom. But I think mas maaayos ang problema kung alam niya na may alam na tayo sa ginagawa niya," utas ko.

Malungkot siyang ngumiti. "I understand you. You did the right thing. I was not thinking when I asked you to keep it from your dad. Hindi ako nakapag-isip ng maayos noon dahil sobrang nasaktan ako sa nalaman ko," aniya.

Tumango ako. "Ano pong napag-usapan niyo, mom?"

"He was asking for my forgiveness," umiiling siya habang sinasabi iyon. "I still can't tell if I could forgive him that easily." Tiningnan akong mabuti ni mommy. "Elaine, gusto kong malaman kung kilala mo ba ang babaeng kasama ng daddy mo?" tanong niya.

Nagusot ang noo ko. "No, mom," sagot ko. Ngayon lang namin pinag-usapan ang tungkol dito. Noong unang beses kasi ay hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil sa kakaiyak naming dalawa.

"I think I know her. May nabanggit ba siya sa'yong pangalan?" tanong ni mommy.

Mas lalo akong nagtaka. Kilala ito ni mommy? How?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now