Chapter 6

391 10 0
                                    

CHAPTER 6 — Just Great


I accepted my feelings for Conrad after that night. Oo, hinayaan ko na itong maramdaman noon pa pero matapos ng gabing iyon, hinayaan ko na rin itong kilalanin ng aking puso. Although I still don't know if I should share this to my best friend or tell this to Conrad. I like him. But I'm just a grade eight pupil who might still be confused with what I want. I'm still a teenager, na gaya nga ng sabi ng matatanda, mapupusok at nalilito pa sa pasikot sikot ng buhay. Ayokong dumating ang panahon na hindi ko mapanindigan ang mga nararamdaman ko. I want everything to be deep and thorough before I confess my feelings for the only man who made me feel this way.

Alam kong kakaiba ang nais kong mangyari. Bago ako umamin ay gusto kong hulog na hulog na ako? It was strange for someone who's afraid to be rejected. Pero ganoon ang nais kong mangyari para sa damdamin ko kay Conrad. Iba naman kasi siya. Iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong magsisi sa huli at magbago ang isip kung kailan nandiyan na.

"Kung iisipin, mahirap talaga ang sitwasyon namin ngayon," ani Celine nang mapag-usapan namin ang estado ng kanilang pamilya.

Kumunot ang aking noo sa kanyang mga pinagsasasabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko nang maguluhan.

Bumuntong hininga siya. Bagsak ang kanyang balikat nang bumaling sa akin. "Nahihirapan si papa na panindigan ang mga pinapasok niyang investment. Ang dami nang nasayang na pera dahil doon. Kung papayag si lola na ibenta ang lupain namin sa probinsya, siguradong pati 'yon ay mauubos lang ni papa," paliwanag niya.

Pinaglapat ko ang aking mga labi. Tama si Celine. Nasasayang nga ang mga investment ng kanyang papa dahil hindi nito kayang mag-alaga ng pera. I remember what dad told me when we talked about Celine's father the other day. Hindi man ako magaling sa negosyo o pera ngunit naintindihan ko pa rin ang kanyang kwento. According to my dad, Tito Enrico is a trustworthy person. Ang hindi lang niya gusto rito ay hindi nito kayang manindigan lalo na at hindi nito gusto ang ginagawa.

Tito Enrico invested in my dad's business at lumago naman iyon. Kaya lang ay naging magulo ang paglabas nito ng pera para sa pamilya at para na rin sa mga kailangan nito. Nahirapan si dad na turuan ito sa tamang pag-balanse ng pera sa negosyo at pera na panggastos sa pamilya. Ngayon ay imbes na mas lumago sa mataas na halaga ang ipinasok nitong pera ay naubos lamang iyon. Tumulong si daddy pero tinitingnan pa niya kung hanggang saan ay maiaalay niyang tulong.

"Ano ba kasing gustong negosyo ng papa mo?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Alam mo kasi, hindi mo talaga mapaninindigan ang isang bagay kung hindi ka naman sigurado roon. You should at least know how much you want something before you enter a commitment. Mahirap kapag napasok mo na at ayaw mo naman pala. You'll just blame yourself in the end because it was not worth it," kinagat ko ang labi sa mga nasabi.

Kunot ang noo ni Celine dahil sa mga narinig sa akin. I knew her too well that I can tell when she's curious of something. At ngayon ay nagtataka na siguro siya sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

Saglit pa siyang tumitig sa akin bago sumagot. "Hindi ko alam. Ang naririnig ko lang kapag magkausap sila ni lola ay gusto niya ng negosyong related sa hobby niya na photography."

Hindi natapos doon ang usapan namin. Ikinwento ko sa kanya kung paano nag-umpisa si daddy sa negosyo nito. Kaunti lang ang alam ko. Naalala ko pang iyon ang plano nila noon ni mommy bago ito umalis upang maging OFW. Nasabi ko kay Celine na hilig talaga ni daddy ang business at iyon din ang natapos nitong kurso noong college. While Celine's father finished an agricultural degree sa paniniwalang ito dapat ang mangangalaga sa naiwang lupain ng kanyang lolo na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now