Chapter 29

187 12 0
                                    

CHAPTER 29 — Family

When I said, I don't want to hurt another important person in my life again, I meant every word. But the moment I saw how hurt Kavan was that night, even though he didn't say anything, I knew I broke my promise.

Hindi ko man ginustong mahalin ako ni Kavan ay nangyari na. Wala na akong magagawa. I did my best trying to ignore his feelings. I have rejected him so many times. Pero ganoon pa rin. Sometimes, I was asking myself if I was doing the right thing. Do I really need to reject him? Do I have to? Should I just accept his feelings for me? Should I give him a chance like what my parents and Rhyna was telling me from the start?

However, while I go into those thoughts, I always come back to the promise I made. That I don't want to hurt anyone anymore. Kaya kahit ano pang awa ang maramdaman ko para kay Kavan, hindi ko pa rin siya magawang pagbigyan. Mas masasaktan ko lang siya kung gagawin ko iyon. Because I know in my heart that it belongs to someone else. I can't give it to anyone because it has already been owned by someone.

"Anak..." mahina ang pagkakatawag sa akin ni daddy. Tahimik lamang dito sa bahay namin kaya narinig ko pa rin siya.

Ilang gabi na rin akong ganito. Madalas ay pinapalipas ko ang oras dito sa living room ng aming bahay upang mag-isip isip. Nakakapagod ang buong araw ngunit hindi ako dinadatnan ng antok tuwing gabi. Kaya imbes na tumulala sa aking kwarto ay binibigyan ko ang aking sarili na makapagmunimuni.

Malamlam akong ngumiti nang makalapit sa akin si daddy. Hindi ko kayang ibigay ang labis na ngiti dahil kagagaling ko lang sa malalim na pag-iisip.

"Seems you are in deep thought. What's brothering my princess?" he asked while walking towards me. Umupo siya sa tabi ko.

I can't help myself but to move near him. Inilawak niya agad ang kaniyang mga braso. Yumakap ako sa kaniya at ipinahinga niya ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Just... some things, dad," I answered, still thinking if I should tell him those things.

Bumuntong hininga si daddy. Alam kong nag-aalala siya. Hindi na rin naman ito bago. Ilang beses na niya akong nakitang ganito sa ilang mga dahilan. Noong nag-aaral ako, madalas akong magkaproblema dahil sa hirap sa pagbabalanse ng trabaho at pag-aaral. Noong naghahanap ako ng trabaho ay nag-aalala akong walang tumanggap sa akin. At ngayon, na may problema ako dulot ng nakaraan.

"You know you can tell anything to me, anak. Maybe I can help you," rinig ko pa rin sa boses niya ang pag-aalala.

Nanikip ang aking dibdib. I had a thought before about my father that I immediately tried to forget the moment it came to me. Noon, inisip kong kasalanan lahat ni daddy kaya nagkaganito ang kinahinatnan ko. I lost the only boy I loved and my best friend because I had to choose between them and my family. I resulted to choosing my family because if not, we will lose my father. Kung hindi kasi niloko ni daddy si mommy, hindi sana kailangan pumili. Hindi sana kami uuwi rito sa Los Angeles. Hindi sana ako lumayo sa Pilipinas. Marahil ang nangyari noon ay si mommy ang uuwi at magiging masayang pamilya kami. Makakasama ko rin ang lalaking minahal ko nang buong puso. At higit sa lahat, hindi ko tatraydurin ang nag-iisang matalik na kaibigan ko.

Ngunit nangyari na ang nangyari. That's why I had to forget the anger that I felt for my father. Dahil isa rin ako sa mga dahilan. Ako ang nagdesisyong lumayo. I couldn't think of any other way to fix the mess that my father did but to go back here and be with mom. I had to bring him home. At mangyayari lang iyon kung kasama akong uuwi rito.

Magulo pero kinalimutan ko na ang mga dahilan. Ngunit sa tanong na hiningi ni daddy, hindi ko maiwasang isipin muli ang lahat ng iyon. Ang pait ng nakaraan ay bumalik.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now