Chapter 16

216 7 0
                                    

CHAPTER 16 — Babalik


Kagaya ng gusto ko ay sinamahan ako ni Conrad. We didn't have any plans. Nang maglakad kami palayo sa kanilang bahay ay wala kaming sinunod na direksyon. We were both quiet. Sa mga minutong naglalakad lamang kami ni Conrad at walang anomang pinag-usapan, naging sapat iyon upang maramdaman kong hindi ako nag-iisa. I never felt alone since the time I met him and Celine. Tinuruan nila akong makitungo sa ibang tao kaya naman kasama nila ay nagkaroon pa ako ng mas maraming kaibigan. Something I didn't have when I was still in the states.

Sa pagkakataong ito, gusto kong suklian ang ilan lang sa mga naibigay nila sa akin. Kahit na sabihin kong mananatiling sekreto ang lahat, hindi naman iyon maaari. Pasasaan ba't may malalaman din sila. But right now, I just want to tell a part of me to the person who became one of the most important people in my life.

Naramdaman ko ang pagtigil ni Conrad sa aking tabi. I turned to look at him. Nakatungo siya at nang tingnan niya ako sa mga mata ay ngumiti siya. Kahit pa malungkot ang ngiti ni Conrad, napapagaan pa rin niyon ang nararamdaman ko.

"We can stay here," aniya.

Itinuro niya ang basketball court sa tabi namin. Maliwanag iyon. Siguro ay may naglaro roon kanina.

Tumango ako. Kinuha ni Conrad ang kamay ko. I stared at our hands. Isa rin ito sa mga mami-miss ko pag-alis ko rito sa Pilipinas.

Dinala niya ako sa loob. When we were already seated at the bleacher, he took his phone and typed something.

"Nagpaalam lang ako kay lola," paliwanag niya.

Tiningnan ko ang kabuuan ng court. Isang beses lang akong nakapunta rito. Iyon ang una at ito na marahil ang huli. The first time I went here, Conrad was playing for a practice game. Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. He brought me here because he wanted me to cheer for him. I remembered how I yelled his name every time he shot the ball. Naalala ko rin noong nagselos siya kay Lorenzo. It was one of the many times that I assumed that Conrad was jealous. He was jealous to someone who doesn't even know me.

"Thank you." Hindi ko napigilan ang pag-alon ng mga salita.

Nakayuko lamang ako. Magkasalikop ang aking mga kamay at naroon ang mga mata ko.

"Thank you dahil naging mabuting kaibigan ka sa'kin, Conrad."

Tumikhim siya. Hindi ko siya matingnan. "Stop that," aniya. "Kung makapagsalita ka parang hindi na tayo magkikita," namamaos ang boses niya.

Ngumisi ako. "I want to tell you a story. I want you to listen very carefully. Kung pwede, 'wag kang magsasalita hanggang sa matapos ako," pakiusap ko.

Tumagilid ng upo si Conrad. Paharap sa akin. "It better be a good story, then."

Natawa ako sa biro niya. Tiningnan ko siya. Nakatitig lamang siya sa akin. He was still giving me that beautiful smile. Iyong isang sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal.

"One day, there was a little girl living with her father. She loves her daddy so much. Nagkulang man ito sa kaniya ay mahal na mahal pa rin niya ito. The girl's mom was in a very far away land. Kaya ang daddy lang niya ang kasama niya habang lumalaki. Then suddenly, her mom called and told her that finally, they will be together again. Tuwang tuwa ang batang babae. She cried because of the happiness she felt." Tumikhim ako at nakangiting bumaling kay Conrad.

"But the girl was also lonely because her mother said that she can't go home to them. Instead, the girl and her father will be the one to go to her. Iniwan ng batang babae ang lahat ng mahahalagang bagay sa mundong kinalakihan niya. She started a new life. Pero ang naisip niya, ayos lang na iwan niya ang mga taong mahahalaga sa kaniya. Ang dati niyang school, ang mga kaklase niya, mga kapitbahay. Okay lang. Basta lang mabuo ang pamilya niya."

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now