Chapter 14

184 7 0
                                    

CHAPTER 14 — Napakasakit


Tulala ako sa aking mga nakakuyom na kamay. Walang tigil ang pagtulo ng aking luha. Sa tagal ng tahimik kong pag-iyak ay hindi ako kinausap ni Conrad. He just stayed beside me.

Huminga ako ng malalim. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko sa restaurant. My father was with another woman. He was touching her like they have known each other for so long. He kissed her like she was his woman.

Nanginig ang aking labi at tumulong muli ang aking luha. Pumikit ako ng mariin. Inalala ko kung anong pinag-usapan namin ni daddy kaninang umaga. I didn't eat breakfast with him. Ngunit kumatok siya sa aking kwarto para sabihing aalis na siya.

We haven't bonded for a while. Hindi ko na siya madalas makakwentuhan tungkol sa mga bagay. Before, I thought that he was just busy at work. Right now, I knew that he was busy with someone else.

"Elaine..." mahinanong tawag ni Conrad. He didn't touch me. He just waited for me.

Narito kami sa kabilang bahagi ng mall. Nakaupo kami sa isang cafe kung saan ako dinala ni Conrad matapos nang nakita namin. We are waiting for his driver to pick us up.

Nagpakawala ako ng hangin mula sa aking bibig. Ngayon lamang ako muling umiyak nang ganito mula nang umiwi ako galing sa Los Angeles. It has been a long time since I cried this much. Sa bawat pag-iyak ko noon ay kinimkim ko lang sa aking dibdib ang lahat ng problema. I never said anything to my parents. I thought that it wasn't important. Lilipas din ang nararamdaman ko. Kaya ko namang tiisin ang mga pang-aasar ng mga kaklase ko noon. Kaya kong iwasan ang mga sinasabi nila.

Pero ang nararamdaman ko ngayon ay iba. Conrad was with me. Kahit pa hindi siya nagsasalita, nararamdaman kong nag-aalala siya sa akin. What I am feeling at this moment was really painful. Dalawang klaseng sakit ang nararamdan ko. Sakit para sa aking sarili, at sakit para kay mommy.

I tried to reflect on all the events before summer started. I even tried to remember the previous months. Tumanggi si daddy na umuwi kami sa Los Angeles dahil ayon sa kaniya ay maaabala ang negosyo. He also wanted me to finish high school here. Sa mga panahong pinipilit iyon ni daddy ay madalas silang nag-aaway ni mommy. Hindi nila iniintindi ang isa't isa.

Sa mga panahong din iyon ay kinampihan ko si daddy. I helped him convinced my mom. Nagtampo pa nga ako kay mommy. Nagalit ako sa kaniya. I realized how selfish I was when I remembered the things I said to her. Ang gusto lang naman niya ay maging malapit kami sa kaniya. Oo, minsan lang kaming nagkikita roon ngunit ang mahalaga ay malapit lamang ang distansya namin. Kung gugustuhin ay madali niya kaming makikita. Hindi katulad kapag nasa Pilipinas kami na sobrang malayo sa kaniya.

Naramdaman ko ang mainit na palad na tumakip sa nakakuyom kong kamay. Hindi ko tiningnan si Conrad.

"Elaine, nandito na si Kuya Ben," aniya. Ramdan ko ang pagdadahan dahan niya sa pagsasalita. It was like he was touching a fragile thing. Sa kasalukuyan, pakiramdam ko ay anomang oras ay mababasag ako.

Marahan akong tumango. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumabas sa cafe. Tinunton namin ang daan palabas ng mall. I was even scared that I'd see my father again. Kaya naman nanatili akong nakayuko habang naglalakad.

We made it to his car. Tahimik pa rin ako sa loob niyon.

Mabilis lamang kaming nakauwi. Hinatid ako ni Conrad. Sa loob ng kotse ay hindi ako makagalaw. I don't want to go home yet. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si daddy kapag nakita ko siya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ