Chapter 46

195 8 1
                                    

CHAPTER 46 — We Cried


Being in Conrad's arms was a dream come true. I have been wanting this for a long time. Gusto ko nang bumalik sa kaniya. Gusto ko na siyang makapiling muli. Hindi ko na halos maalala ang huling beses na naging ganito kami kalapit sa isa't isa ngunit pilit ko pa ring isinasaisip ang mga alaalang iyon. Ayokong makalimutan ang mga panahong nasa piling kami ng isa't isa. Ang mga alaala namin ay nasa puso ko at inaalagaan ito.

Ngunit ngayong ganito ako kalapit sa kaniya ay nanariwa ang lahat ng nakaraan namin. Para akong bumalik doon.

Humaplos ang mga kamay niya mula sa likod hanggang baywang ko. Hindi niya iyon inalis at nanatiling nakapahinga sa aking tagiliran.

I sighed deeply. His soft touch made me shiver.

He looked directly into my eyes and there I could see the Conrad that I used to know. The Conrad that I loved. I could clearly tell that what he said was true. There's no other man than him. I could never love anyone but him.

For the years that I have been away, loving someone else could have happend to me but it didn't. It would be the last thing that I would want to happen to me. No, forget that. I won't let it happen to me. At kahit ngayong nagbalik ako at nasasaktan dahil siya ay nakalimot na, hindi ko pa rin magawang bitiwan ang pagmamahal ko sa kaniya.

I really couldn't love anyone except him. I didn't even try.

Nakatitig lamang siya sa lumuluhang mga mata ko. His eyes were blurry too because of tears. Dinala niya ang isang kamay sa aking pisngi at marahang pinunasan ang aking mga luha.

"Conrad, this isn't..." Hindi ko magawang sabihin ang mga salita. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang mga nangyayari.

I felt really happy. Walang tutumbas sa ligayang nararamdaman ko ngayong nandiyan siya sa harap ko. I could undoubtedly see his love for me. Hindi na niya kailangan pang sabihin. Nababasa ko na sa mga mata niya. Para bang may mahikang pumapalibot sa aming dalawa at ito ang nagpaparamdam sa akin kung gaano ako kamahal ni Conrad. It's silly, but I can really really tell it from how he looked at me.

It was the same way he used to look at me before. With all the love and admiration, I know that he is the Conrad that I used to know.

Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga nakaraang araw at kung ano ang nagpabago sa kaniyang isip. Ngayon ay narito siya sa harap ko at binubuhos sa akin ang kaniyang pagmamahal. A few days ago, it was evident how mad he was to me. Pero ngayon, nakakatakot din palang malaman na mahal pa rin niya ako.

Bakit ba pakiramdam ko ay mali ito?

Wala akong ibang hinangad kundi ang kapatawaran niya. Bonus na lang na mahal pa niya ako. Ngunit ngayong heto na, bakit naduduwag ako?

Bumitaw ako sa nakakatunaw niyang tingin at piniling ituon ang aking mga mata sa kaniyang dibdib.

How I wish I was the only girl in your heart, Conrad. But I'm not the only girl, right?

Kasi kung ako lang, bakit may iba kang babaeng kasama? Bakit ako natatakot sabihin at kumpirmahin sa'yo ang lahat ng nakikita ko sa mga mata mo? Bakit kahit na nakikita at nararamdaman ko ang pagmamahal mo ay nagdududa at nasasaktan pa rin ako?

Huminga ako nang malalim. Tahimik lamang siya habang ako ay iba't ibang bagay na ang tumatakbo sa isip.

It just wouldn't be the same anymore. Ano mang hangad ko, nagbago na ang lahat.

Kaya naman nilunok ko ang lahat ng sana'y pag-asa. Inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang dalawang kamay niyang nakapirmi sa aking baywang.

I hold on tight to it, only to let it go once again.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now