Chapter 21

189 8 0
                                    

CHAPTER 21 — Camera


Nang matapos ang isang linggong day-off ni mommy ay nagdesisyon na rin akong maghanap ng trabaho. I don't know if I could find a decent job since I was only seventeen. Kahit naman siguro mababa lang ang sweldo ay ayos na sa akin basta may mapagkaabalahan ako habang hindi pa ako pumapasok sa school. Ayoko naman kasing masayang ang panahon ko rito sa apartment namin nang walang ginagawa.

I searched the internet for jobs around the neighborhood. There were three public libraries in the city. There were also some bookstores that I can apply to. Mahilig naman ako sa pag-aayos ng libro at sa tingin ko ay sapat na ang natutunan ko noon sa dati kong school upang makapasok dito.

I think it's impossible for me to be hired in a library than a bookstore. Kaya naman mas inuna kong puntahan ang mga bookstores na nakita ko sa net na naghahanap ng mga staff. I could apply as a saleslady or cashier.

Sa isang maliit na bookstore malapit sa isang university ako nakarating. Saleslady at cashier nga ang posisyong bakante nila. Since I cannot apply for higher positions, I will just settle for this one.

I started immediately after the interview because they badly needed employees. The employer was really kind. I learned that the bookstore had just opened a month ago. There was no uniform but we are only allowed to wear black civillian clothes at work.

Simple lang ang trabaho ko. That is to organize all the books. Inaayos ko ito base sa klase ng libro. Sa isang bookshelf naman ay dapat naka alphabetical ang pangalan ng sumulat ng libro. Minsan ay pumupwesto ako sa cashier. Mas gusto ko ang pag-aayos na lang ng libro kaysa sa pagpwesto sa kahera. Ang hirap din naman kasi ng trabahong iyon dahil sa tuwing matatapos ang aking shift ay kailangan ko pang mag-imbentaryo ng mga binili sa amin. Kapag doon naman ako sa mga libro ay ang gagawin ko lang ay iayos ito sa tamang lugar pagkatapos tingnan ng mamimili. Minsan ay tanungan din ako ng mga customer kapag may hinahanap sila.

I think it wasn't a difficult job. I earned a quite amount of money in my first week. Para sa akin ay malaki na itong sinasahod ko. I spent some of my money in buying clothes that I could wear at work and I saved most of it.

On the last week of May, my mother visited me. Hindi siya nagtagal. Nagbigay lamang siya sa akin ng pera na maaari kong gastusin. But she frequently asked me if I'm okay.

"I'm fine, mom. Sapat naman ang sahod ko para sa akin," sabi ko nang abutan niya ako ng pera.

"Pandagdag mo na rin ito, anak," aniya.

Wala naman akong nagawa sa pamimilit ni mommy. Ayaw kong tanggihan siya. That day, she had dinner at our apartment and left after.

I was in my room lying on my bed with my laptop. Sa unang ring niyon ay nahulaan ko na agad kung sino ang tumatawag. It was Celine! Hindi kami madalas makapag-usap dahil hindi nagtutugma ang aming mga oras. Kaya naman sumigla ako nang malamang siya ang tumatawag.

"Hi, Elaine!" bati niya.

Malaki agad ang aming mga ngisi. "Kumusta ka na?" tanong ko.

"'Eto, tinatamad na magpasukan," utas niya.

Saglit akong hindi nakasagot sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala na magpapasukan na sila sa Pilipinas. Ang alam ni Celine ay uuwi ako bago magsimula ang pasukan. Dahil sa ang alam niya ay sa probinsya ako mag-aaral ay umaasa siyang uuwi ako at muling makikipagkita sa kanila.

"Uhm, uuwi na ako next weekend," wala sa sariling pagsisinungaling ko. Pinaalala ko sa aking sarili na magdasal mamaya at humingi ng tawad kay Celine at lalo na sa Panginoon dahil sa mga kasinungalingan ko.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora