Chapter 10

308 7 0
                                    

CHAPTER 10 — Okay


Nagsimula ang laro matapos ng ilang minuto. Napansin kong medyo mas seryoso ang practice game na ito kumpara sa huling napanood ko. In this game, the students were scattered into two different teams regardless of their levels. Kaya naman halo halo ang mga bata at mas matandang miyembro ng basketball team. Right now, Conrad's team has two grade twelve students, one from grade ten and the remaining two are from grade nine and that includes him. May isang grade seven sa kabilang team at ang mga natira ay nanatiling bangko. They did the groupings randomly.

Pumito ang kanilang coach. Dalawang grade twelve ang nagsilbing referee ng laro. Hinanap ng mga mata ko si Conrad at kita ko mula rito ang mabilis niyang paghinga habang nakataas ang kamay. Parating ang bola sa kaniya.

When he caught the ball, he immediately ran and made some exhibitions before shooting it into the ring. Halong tilian at palakpakan ang aking narinig. I was one of them. Ang kaniyang team ang nakakuha ng unang puntos!

"Good shot, Con!" sigaw ng isa niyang kasamahan nang makita ang pagbabago ng score board. Mula sa zero ay naging two points ito.

Maagap ang kabilang team sa pag-agaw ng bola. Matapos nila itong makuha ay mabilis silang tumakbo sa kabilang ring upang i-shoot ito. They did it for three points! Shit!

Pumalatak ako at sumalampak sa sandalan. It was Vans Fajardo who did the three points. Siguradong kung narito si Celine ay tuwang tuwa iyon sa galing ng kaniyang hinahangaan. Vans is inluded in the other team. Lorenzo's with Conrad. Ang dalawang magpinsan na ito ang mahilig sa malalayong pag-shoot ng bola. Sa tinagal tagal ko na silang napapanood, napapansin ko na rin ang kanilang mga galing at pagkakaiba.

Nagtuloy tuloy ang laro. And it proved to me their differences. Napansin kong madalas sumablay si Conrad sa mga three-point shot. It's not his expertise. But he is good with dunks. At magaling din siya sa pag-agaw ng bola kahit anong ingat pa ng kalaban. And it's good that he doesn't do it in a violent manner.

Naka-shoot si Lorenzo ng tatlong puntos sa malayong pwesto kaya napatili ang lahat. Ako rin ang malakas ang palakpak. That means that they are four points ahead from the other team.

"Go, Lorenzo! Ang galing galing!" sigaw ng babaeng hindi kalayuan ang upuan sa akin.

Sayang talaga si Celine! She should see how her crushes play! They are really good. Kahit ako ay nahuhumaling pa rin sa galing ng kaniyang kapatid at hindi na iyon bago.

Nakaagaw uli ng bola si Conrad matapos itong hindi ma-shoot ng kabila. He quickly ran to the other side of the court and dunked the ball to the ring. Napatayo ako at tumaas pa ang dalawang kamay nang pumito para sa kaniyang puntos. Hiyang hiya ako sa ginawa ko pero hinayaan ko na lang dahil para naman ito kay Conrad.

Isang mahabang pito lang ay natapos ang unang quarter.

Nagsitayuan ang mga kasintahan ng mga players. I was about to stand up too when I realized that I am not a girlfriend. Dammit! Kaya ang ginawa ko ay hinintay na lang si Conrad.

Hinagilap niya agad ang kaniyang towel pagkarating sa aking pwesto. Katabi ko lang ang bag niya. I saw his bottled water so I took it and reached it out to him.

"Good job, Con," medyo mahina ang aking pagsasalita pero may pagmamalaki pa rin. "Ang galing mo..." ngiti ko.

Sinulyapan lang niya ako saka bumalik sa pagpupunas sa sarili. "That's not my best yet," aniya.

Nagtaas ako ng kilay. Kung ganun ay ano ang best para sa kaniya? Kumpara sa mga kasama ay di hamak na mas magaling siya. Siya halos ang nagdala sa kaniyang team.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon