Chapter 17

195 7 0
                                    

CHAPTER 17 — Pumili


Hindi na ako nagpahatid kay Conrad hanggang sa bahay. Isinakay na lang niya ako sa tricycle na maghahatid sa akin sa kabilang subdivision. Hindi pa nga niya ako magawang pakawalan niyon.

I was laughing at him the whole time. Nakalingkis siya sa akin at ayaw akong bitawan. It feels like we are really together. Iyon bang magkasintahan na kahit wala namang kaming napag-usapan tungkol doon. We had an understanding. But when he asked me to come back to him, I couldn't say anything. Hindi niya ako pinilit na magsalita. I cannot promise him anything because I'm not sure of what will happen in the future. All I can give is my honest love for him.

Hindi ko inakalang magiging madali lang sa aking sabihin ang aking nararamdaman kay Conrad. When he confessed that he's in love with me, I didn't think twice at all. Sinabi ko rin agad sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Which was something so fulfilling for me. Siguro kung hindi ako nagsalita, baka magsisi ako. Kaya naman hindi na ako nanghinayang pa na umamin sa kaniya.

Later that night, I received a message from him. Para akong batang nakatanggap ng isang napakagandang laruan na matagal ko nang gusto at inasam. Ganoon ang tuwang dulot nito sa akin.

Conrad:

I miss you already. I love you.

Ang simpleng message na iyon ang kasama ko hanggang sa panaginip. Nagawa nitong burahin ang kasalukuyang hinanakit sa aking dibdib. I know it won't last long. But as long as I have Conrad with me, I know that I could bear it all.

Kaya naman ginawa ko ang aking planong pakikipag-usap kay daddy kinabukasan. I slept early so that I would wake up the next day earlier than dad. Hinanda ko ang aking sarili. I wanted to be calm once I talk to him. Ngunit hindi ko itatago sa kaniya ang sakit na naramdaman ko. I just want to listen to him first before I will tell my own pain because of what he did.

Sa hapag kainan ay nakiusap ako kay manang na umalis muna kapag dumating na si dad. Ako na ang mag-aasikaso mamaya. I want this conversation to be private. This is only between me and my father.

"Good morning, princess," ani dad nang makita akong nakaupo sa hapag kainan.

Ngumiti ako. "Good morning, dad," I said for the first time after weeks of not talking to him properly.

Umupo siya at nagsimulang paglagyan ang sarili ng pagkain. Ganoon din ang ginawa ko. Luminga siya sa paligid at mukhang napansin na niyang walang ibang tao bukod sa amin.

"Namalengke po si manang," sabi ko upang punan ang pagtataka niya.

Tumango siya. "How's your enrollment? Hindi ako nakauwi ng maaga kagabi dahil maraming kailangan asikasuhin sa trabaho," aniya na para bang wala lang ang pag-uwi niyang ng gabi.

Tumikhim ako. I do not know if I should believe on what he said. Matagal na niyang dahilan ang pagiging abala sa trabaho. Years ago, there are times when I would have dinner alone because he's still at work. I wonder if he was telling the truth before and if he was telling the truth now.

Naramdaman ko ang pag-iinit sa aking mga mata. I admired my father my whole life. Siya ang kasama ko nang lumalaki at nagkakaisip ako. I am closer to him than my mother. I was a daddy's girl. Kaya sobrang hirap sa akin ang sitwasyon ngayon.

"Dad," usal ko.

"Hm?" tanong niya habang kumakain.

Hindi pa ako nagsisimula sa pagkain. Napansin na yata niya iyon dahil nakatingin siya sa aking plato.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now