Chapter 25

202 9 2
                                    

CHAPTER 25 — Mabilis


During breakfast, my father told me that today is the right time to go to school. Biyernes ngayong araw. Tama ang kaniyang sinabi dahil kung pagpapabukas ko pa ito ay wala akong mararating. I need to rush the documents that I need. Makikiusap ako sa school na gawin ito ng mas mabilis.

"I will come with you," dad said when I told him everything that I need.

Nagbaba ako ng tingin sa pagkain. Itinuloy ko iyon.

"I talked to the principal and told her about the situation. I already went there last week. Ang sabi niya ay hindi naman tayo mahihirapan dahil kumpleto ang records mo sa dati mong paaralan," paliwanag niya.

Nanatili akong nakatungo habang ngumunguya. Hindi inalintana ni daddy ang hindi ko pag-imik. He should understand where I'm coming from. He didn't force me to talk to him. Ngunit sa kabila niyon ay ginagalang ko pa rin siya.

"Kukunin na lang natin ang mga iyon ngayon," aniya.

Tumango ako. May naglalarong plano sa utak ko. Hindi ko inasahang sasama sa akin si daddy ngayong araw. I thought he would let me do this on my own. Kaya naman nang ipaalam niyang sasama siya ay gumaan ang loob ko.

Naisip kong mamaya ko na gawin ang plano. Sa paraang iyon ay hindi na makakatanggi si daddy. I was quiet the whole drive to our school. Nang marating namin ang vicinity kung nasaan ang dati kong paaralan ay kumabog na ng husto ang dibdib ko.

"Dad," I trailed off, a bit nervous of what I'm gonna do.

I winced and put my palm on my stomach. It's part of the plan.

"O, what's wrong?" he asked looking at my face down to my stomach.

"Sumasakit po ang tiyan ko," utas kong nakangiwi.

Nakarating kami sa gate ng school. Pinapasok kami ng guard nang sabihin nitong ang registrar at principal ang sadya namin.

"Can I just stay here in the car?" tanong kong ipinagpapatuloy ang pekeng pagngiwi.

"Ano bang nararamdaman mo? Arman, send us to the nearest hospital," ani daddy habang minamaneobra ni Manong Arman ang sasakyan sa parking area.

I shook my head. Hinaplos ko ng marahan ang aking tiyan na mistulang pinapakalma ang sakit na naroon. "I'm fine, dad. It's just..."

Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. Nang makuha niya ang ibig kong sabihin ay lumiwanag ang mukha niya. "Oh. Alright. You can stay here. Arman, dito ka lang at samahan mo si Elaine," aniya.

Hilaw ang aking ngiti. Lumabas si daddy sa sasakyan. Nagpasalamat ako dahil napaniwala ko siya sa arte ko. Tumingin ako sa labas. Malayo kami sa mga buildings ngunit may mga estudyante pa rin akong naaaninag mula rito. It's nine in the morning and at this time, the students are having their recess. Sumandal ako sa kotse at pumikit. Mabuti na lang at hindi ko kailangang pumasok sa mismong building ng aming school. I'm sure someone will recognize me once I step out of this car. Hindi ko kayang isugal na mangyari iyon. Ayokong malunod sa kanilang mga tanong.

Ilang minuto na ang lumipas. Lumabas muna si Manong Arman at doon tumayo sa harap ng sasakyan. I waited for dad.

Wala akong magawa at nang pipikit na sana ako upang umidlip saglit ay naaninag ko sa harap ang pigurang kilalang kilala ko.

Conrad is approaching our car. Mabilis na naghurumentado ang puso ko. I sat up straight and looked at his approaching figure. Kitang kita ko kung paano niya suriin ang aming sasakyan. He narrowed his eyes. He was frowning while looking straight into the car. Para bang nakikita niya ako rito sa loob.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now