Chapter 23

199 7 0
                                    

CHAPTER 23 — Maikling Kwento

"I'm fine, mom," I answered when mom asked how I'm doing.

Magdadalawang linggo na kasi mula nung huli siyang bumisita sa akin. I miss her too. Hindi ko naman siya mabisita dahil wala rin akong oras. Isa pa, siguradong hindi naman siya libre kung pupuntahan ko siya sa pinagtatrabahuhan niya. Nakakahiya rin sa mga amo niya. Kaya nga siya hindi makabisita sa akin ay dahil abala siya. Kaya hindi rin maaaring ako ang bumisita sa kaniya.

"Ikaw, mommy? Kumusta naman ang trabaho mo?" tanong ko.

Narining ko ang pagngiti niya. "Maayos ako rito, Elaine. Alam mo namang hindi ako nahihirapan dito sa trabaho ko. Kaya nga hindi ko rin ito mabitiwan dahil bukod sa madali lang ay malaki pa ang naitutulong nito sa atin," aniya.

Naintindihan ko si mommy. I know it was a difficult job at first but she learned to love what she's doing. Mahirap dahil kailangan niya kaming iwan ngunit sa likod ng isip niya ay ang paniniwalang ito ang mag-aahon sa amin noon.

I am very proud of my mother. Now, I learned how to appreciate all her efforts. Hindi kagaya noon na nagtatampo pa ako dahil palagi siyang wala at ayaw pang sumama sa aming umuwi sa Pilipinas. I already understood the small things about what she was doing for our family. Dahil nagtatrabaho rin ako ngayon ay naiintindihan kong nakakatulong talaga ito sa amin. Kagaya ngayon na hindi na ako masyadong humihingi kay mommy ng pera dahil may sarili na akong kinikita na tumutulong sa akin sa araw araw.

"Elaine," ani mommy na nagbalik sa akin sa pinag-uusapan.

"Yes, mom?"

"Your dad called me," aniyang sinundan ng buntong hininga.

Pinigil ko ang aking paghinga. Ang pagtawag pa lang ni daddy ang binanggit ni mommy pero kinakabahan na ako. Sumagi sa isip ko ang nangyari noon. Hindi ko iyon kayang pigilan sa tuwing si daddy ang pinag-uusapan. Para bang nakadikit na iyon sa kaniyang pangalan.

"What about him, mom?" hindi ko napigilan ang lamig sa aking tono.

I heard her sigh again. Kahit ako ay napabuntong hininga. Pagod na pagod na ako sa pag-iisip ng mga masasamang bagay tungkol kay dad. But I couldn't just forget what he did. Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko pa iyon. I also don't know if I could forgive him. Siguro sa ngayon ay hindi ko pa talaga kaya. May tamang panahon para sa lahat ng bagay at hindi pa iyon ngayon.

"He's asking if you want to come to him in Philippines."

Sa pahayag na iyon ni mommy ay tumigil ang pag-iisip ko. Uuwi ako sa Pilipinas?

"Why?"

"He's coming back here, Elaine. He's just taking care of some things that needs to be done. At ikaw, kailangan mo ring asikasuhin ang mga papers mo sa school," ani mommy.

Habang sinasabi niya iyon ay may mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Tama si mommy. Hindi ko nga naasikaso ang mga papeles ko upang makalipat akong muli rito sa States sa susunod na school year. I left the school without prior notice. Ngunit hindi na rin naman iyon kinailangan dahil hindi naman talaga ako nag-enrol.

"You mean, I will fly to the Philippines?" tanong kong hindi makapaniwala sa maaaring mangyari.

Bakit nga ba hindi ko naasikaso ang mga ito noon bago ako umalis? Ngayon lang ito sumagi sa isip ko.

"Yes. And your father will be with you once you come back," sagot ni mommy. May bahid ng pag-aalala sa tono niya pero pinipilit niya iyong huwag ipahalata sa akin.

Dalawang bagay ang nararamdaman ko ngayon. Galak at nerbyos. I am excited because I will be able to come back even just for a short period of time. I am nervous because I will be leaving the people I love behind again. Hindi ko alam kung sa panahong ito ay magagawa ko nang sabihin kay Celine ang lahat. Madali lang kausapin si Conrad dahil naiintindihan niya ang sitwasyon. Ang mahihirapan lang naman ako ay ang makitang muli ang lalaking iyon at iiwan siyang muli sa huli.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now