Chapter 36

200 14 2
                                    

CHAPTER 36 — Hangin


Mababa ang enerhiya ko nang maglakad ako patungo sa mesang para sa akin. Halos walang ibang laman ang mesa bukod sa desktop computer na nakaayos sa ibabaw nito. It must be the computer that I would use while working here.

Ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang aking bag at hinila ang maliit na swivel chair para maupo roon.

I could see Constantine Arden from my seat. Naroon siya sa sariling mesa at abala na sa kung ano mang binabasa niya mula sa computer. I stared at him for a few seconds, remembering what happened just a few minutes ago.

It was only a coincidence. Napakamapaglaro ng tadhana. O ako lang talaga ang apektado nang husto sa mga kaganapan.

It couldn't be avoided that he had the same nickname as Conrad. It's obvious because of his name, Constantine. Pasalamat na lang ako dahil hindi sila magkapangalan. Baka hindi ko lang mabanggit ang pangalan kung ibang tao ang may ari nito.

Ngunit sa dinamirami ay bakit kailangang iyon pa ang palayaw niya? You could make out a lot of nicknames for his name. Pero wala naman akong magagawa dahil siya mismo ang nagsabi niyon. Magtitiis na lang akong tawagin siya sa kaniyang buong pangalan kaysa roon. Uttering a few more syllables wouldn't hurt. But saying only one could only bring back painful memories.

Imbes na ibaon ang sarili sa isiping iyon ay pinag-isipan ko na lang kung paano ko pag-iigihin ang aking trabaho.

Constantine was right. I had to prioritize my work from now on. It was my first job and I couldn't risk it. Sayang ang oportunidad at baka hindi na ako magkaroon pa ng ganitong tsansa sa susunod.

I was very thankful of Mr. Arden for considering me. He said he's only interested in me because of my school. Isa lang naman akong average student noong nag-aaral ako at wala akong gaanong ipagmamalaki ngunit tinanggap pa rin niya ako. I needed to show them that I am capable.

Sinimulan ko ito sa pag-iisip kung ano ano ang ilalagay ko sa aking mesa. I had once dreamed of having my own office. Kahit nga sariling mesa at upuan ay ayos na sa akin basta may trabaho.

Una kong naisip ay maglagay ng larawan namin ng aking mga magulang sa isang picture frame para naman may inspirasyon ako rito.

Inisa isa ko ang mga drawer na walang laman. I could put my future works inside these drawers or even things like pens, pencils, and such. Siguro ay kailangan ko ring bumili ng mga organizer upang maging maayos ang loob nito.

I was mentally listing all the things that I needed to bring here when Constantine cleared his throat, loud enough for me to hear.

"The meeting will be earlier than I expected. We'll leave in ten minutes," malamig na utos niya sa akin.

Tumango ako at hindi na nagawang sumagot dahil bumaling na siyang muli sa computer. I took my bag and brought my makeup pouch out. Magre-retouch lang ako ng kaunti para naman presentable ako mamaya.

Ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay tumayo na si Constantine.

Akala ko ay aalis na kami ngunit tumungo lamang siya sa pintong sa tingin ko ay restroom. Bumalik ako sa pag-aayos sa aking sarili.

I put on a pink nude lipstick on my lips for the final touch. Nginitian ko ang aking sarili sa salamin ng aking compact powder.

"This is your first job, Elaine. Don't ruin it like what you did to the other important things in your life," usad ko sa aking sarili.

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga at nang ibaba ko ang compact ay halos masamid ako sa taong nakatayo sa harap ko.

"Oh sh—" I stopped myself before I utter the bad word.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now