Chapter 5

327 11 0
                                    


CHAPTER 5 — Promise Talaga


Isang hapon ay tumawag si mommy sa amin. Una niyang nakausap si daddy na tuwang tuwa sa pakikipag-usap sa kanya. Ibinabalita kasi ni dad ang tungkol sa pag-unlad ng kanyang negosyo. Ang isa sa ikinatutuwa ni dad ay ang posibleng pag-uwi ni mommy rito at paghinto sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil madali nang makaipon ng maraming pera sa hinaharap. His business is growing and the income is really big.

"Yes, Clarissa. Elaine's doing well in school. Hindi mo kailangang mag-alala," ani dad.

Napatingin ako sa kanya. Abala ako sa paggawa ng aking homework habang siya naman ay nakatayo at paikot ikot dito sa living room. He's too excited when mom called that he can't stay in one place. Napangiti ako at umiling. It's evident that daddy missed my mom too much. Ako rin naman ngunit ayaw ko muna silang istorbohin sa kanilang pag-uusap.

Pero ako na siguro ang paksa nila ngayon dahil nabanggit na ang aking pangalan.

"No, no. I haven't seen or heard any suitors yet."

Ang ngiti ko ay napalitan ng ngiwi. Nakatuon ang atensyon ni daddy sa akin at kumindat nang panlakihan ko siya ng mga mata. What are they talking about? I'm sure it's about what, my suitors?

"Yes... I'm sure... Alright, talk to our daughter," sambit ni dad bago naglakad palapit sa akin.

Sinalubong ko siya ng pagtayo. Pinatag ko ang nagusot kong loose shirt sa isiping ayaw ni mommy sa ganoong hitsura kahit hindi naman niya ako nakikita. Dad gave me the phone and I breathe in deeply before placing it on my ear.

"Mom..."

"Elaine! Oh, I missed you so much, sweetie," ani mommy sa puntong pang dayuhan.

Napangiti ako at nag-init ang aking dibdib. "I missed you too, mommy," utas kong nanginig pa ang boses. "Kumusta na po kayo?"

It's been weeks since the last time we talked. Kapag kasi tumatawag siya at natityempong nasa school ako o kaya naman ay tulog na sa gabi. Our times just won't align. Ito ang unang beses na nag-abot kaming dalawa dahil weekend.

"I'm fine, anak. I should be the one asking you that. How is my daughter?" bakas sa kanyang tono ang saya at lungkot.

Kung bakit kasi hindi na lang kami pwedeng magsama-sama. She can go home and live with us. Gaya ng sabi ni daddy, settled na ang magiging buhay namin dahil maunlad na ang ipinuhunan nilang negosyo. We can all start a new life here in the Philippines. Hindi na niya kailangan magtrabaho bilang OFW. She can just stay in our house and be a housewife. Sigurado akong si daddy na ang bahala sa aming dalawa.

"I'm fine, mom. Masaya po rito. Pero mas masaya po sana kung kasama namin kayo," untag ko. I want her to know how much happier we can be if she's living with us.

Pinapanood ako ni daddy. Nakahalukipkip siya at may hindi mabasang emosyon sa mga mata. I bet he is sad too. Pareho kaming nangungulila kay mommy.

"Oh, sweetie. Alam ko... Pero alam mo naman ang sitwasyon ngayon," aniya.

Of course, mom. Of course I know the situation. Kailangan ka riyan.

"I know, mom," tumulo ang isang patak ng luha sa pagsang-ayon ko.

Naramdaman ko ang mga braso ni daddy sa likod ko. Tinapik niya ang aking braso at hinalikan ako sa ulo. I only want to cry right now but I want to hear my mom first. Sobrang nami-miss ko na siya kahit pa may kaunting tampo ako. She is my mom whatever happens. At nakakalungkot na hindi ko siya kapiling dahil lang magkaiba ang aming mga gusto.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now