Chapter 47

208 9 0
                                    

CHAPTER 47 — You Look So Pretty


Nang sumunod na araw ay ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata. As soon as I saw the sun rising from the windows, I stood up and went to the bathroom.

Looking at the mirror, I could see my swollen eyes. Hindi maayos ang naging tulog ko.

Kagabi ay hindi ako umalis sa likod ng pinto kung nasaan nasa kabilang banda lamang si Conrad. Ngunit nang wala na akong ibang narinig at puro katahimikan na lamang, senyales na umalis na siya roon, ay tumungo na rin ako sa aking kwarto. But I wasn't able to sleep because of all the things in my head.

Pinag-isipan ko ang aking ginawa kagabi. Of course, there was regret. Hindi naman mawawala iyon lalo na't pinakawalan ko ang tsansang makasamang muli si Conrad. I wasted the chance for us to love each other. But there was this tiny voice in my head telling me that it's the right decision for now.

Conrad has a girlfriend. Kahit pa ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi niya ito mahal, hindi ko pa rin kayang tanggapin ang sinabi niyang makikipaghiwalay siya rito. It's his responsibility to make their relationship work. I'm not that selfish to steal Conrad away from the girl who did nothing but love him. Walang inagaw sa akin si Shayne. Kung sa agawan man, baka ako pa ang maging mang-aagaw.

Hindi ko man kilala si Shayne, hindi dapat ito maging dahilan upang maging masama ako sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung minahal niya si Conrad. Conrad could be the man of any woman's dream. Walang kasalanan si Shayne kung minahal niya ito.

Habang nagkakagulo sa utak ko ang iba't ibang bagay, sinubukan kong lunurin ito sa pamamagitan ng pagligo. I didn't just take a shower but a real long bath. Hinayaan kong anurin ng tubig ang lahat ng hinanakit at lungkot sa puso ko. It somehow made me feel good. Pero sa huli, alam kong iisipin at iisipin ko ang lahat ng problemang ito.

Paglabas ng banyo ay nagbihis ako ng preskong damit. I couldn't decide if I I have to go out or just stay inside my room. Pero inaalala ko si Celine at Vans. This vacation was because of those two. Hindi naman kanaisnais kung hindi ako magpapakita ngayong araw sa kanila. Kaya lang ay nag-aalala ako dahil kung magpapakita ako sa kanila, malamang ay makikita ko rin si Conrad at Shayne.

Bumalik ang alaala ko sa nangyari. Last night, I didn't not allow myself to open the door for Conrad. Katakot takot na pagpipigil ang ginawa ko. Naririnig ko ang mga iyak niya hanggang sa naging mahina ito at mawala. He was crying the whole night. Hanggang sa hindi ko na siya marinig mula sa labas.

Maraming tumatakbo sa aking isip. Maaaring sumuko na siya at napagod. Baka naman inisip niyang walang patutunguhan ang pananatili niya sa labas ng aking pinto. O kaya naman, nagpahinga lamang siya at babalik din sa akin ngayong araw.

Of all the possibilities, it's obvious that I am hoping for the last one. It's foolish. Ako itong lumayo sa kaniya at pinilit siyang bumalik kay Shayne pero mas inaasam ko pa ring bumalik siya sa akin. This is what love does to me. It's making me stupid. Gulong gulo na ako.

Pinag-isipan kong mabuti ang mga maaaring mangyari ngayong ayaw. Nagdesisyon akong lumabas ng aking kwarto at harapin na iyon.

It was quiet outside, very different from the loud cries from last night.

Maingat ako nang silipin ang kabilang kwarto. Wala akong ingay na naririnig mula sa loob. Inisip kong tulog pa si Conrad o kaya ay nasa labas na siya kasama si Shayne. Thinking of them together clenches my heart but I cannot do anything about it anymore. Ako nga itong nagsabing gawing maayos ni Conrad ang namamagitan sa kanila ni Shayne.

Pagkatapos kong ieksamin ang buong hallway ay nagpasya na akong lumabas. Tahimik akong nakarating sa elevator. I was thinking of texting or calling Celine to know their whereabouts but I decided to just look for them outside. Kahit na hindi ako sigurado kung gising na ba sila.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now