Chapter 2

505 8 0
                                    

CHAPTER 2 — Ininsulto


Labag man sa aking loob ay inalagaan ko si Conrad. Hindi ko na nga alam kung labag nga ba iyon sa akin. Hindi naman ako galit o naiinis sa kanya. I am not annoyed while taking care of him. I actually liked it. Bakit naman ako maiirita? I am being nice to him. I am doing a good deed to a friend. I am being a good samaritan. Silang dalawa lang ni Celine ang aking mga pinakamalalapit na kaibigan. Now, he needed someone to take care of him. At ako ang narito.

"Umakyat ka na sa kwarto mo, hijo. Nang hindi na mahirapan itong si Elaine," sabi ni manang nang matapos inumin ni Conrad ang gamot.

Inalis ni Conrad ang towel sa kanyang noo at nanghihinang ngumiti sa akin. "Hatid mo ako?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung nang-iinis lang ba siya o nakikiusap. With that evil grin, I know that he's just teasing me.

Ngumuso ako at tumango. "Sige," sagot ko at sinimulan siyang alalayan.

It's not like he can't stand alone. But my hands have their own mind. Kusa itong humawak sa braso ni Conrad at pinatayo siya.

"No, no..." aniya. "I can walk, Elaine," sabi niya at nagawa pang tumawa. "I just want you to watch me while I'm walking."

Huminga ako ng malalim. My heart is back in my chest and I could feel it beating fast. It's not normal for me. May nangyayaring kakaiba sa akin.

Dinala ko ang palanggana ng tubig at tuwalya. Umakyat kami sa kanyang kwarto.

I bit my lip out of frustration. Hindi ko mapigilan ang pagkainis sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung anong kinaiinisan ko. Si Conrad na ang nagbukas ng kanyang pinto at agad na sumalubong sa amin ang lamig ng silid.

"Ang lakas ng aircon mo!" suway ko matapos ilapag sa malapit na mesa ang palanggana.

I ran to the airconditioner at hininaan iyon. Walang pakealam si Conrad sa sinabi ko at ibinagsak lang ang kanyang sarili sa kama. "I want it high," utas niya.

"Eh may sakit ka nga. Mamaya lang manginginig ka na sa lamig diyan," sabi ko at lumapit sa kanya. I leaned down toward him and checked his temperature. "Dito ka nanggaling kanina. Kaya siguro tumaas ang lagnat mo. Okay ka na ba?" tanong ko.

Ngumisi siyang muli. Sinong may sakit ang ngisi nang ngisi? Tila tuwang tuwa pa siya na may sakit siya.

"No, not yet..." paos niyang bulong. Binuksan niya ang kanyang mata at tiningnan ako. "Can you put the towel on my head, please?" pakiusap niya at pumikit uli.

Freaking shit! Bakit ganoon siya magsalita? Well, ganoon naman talaga magsalita si Conrad. Parang laging nang-aakit at nanunuya. Mas kakaiba lang ngayon dahil may sakit siya. Nakakapangilabot dahil namamaos ang kanyang boses.

"Elaine..." aniya.

"Oh! Yes, just a minute," tumalima ako at nagmamadaling kinuha ang towel na nakababad sa tubig. Piniga ko iyon ng maigi bago dahan dahang ipinatong sa kanyang noo.

"Thank you," aniya.

My heart melted. I didn't know this side of him. Ang kilala kong Conrad ay iyong mapanukso at palangiti. I have never known his soft and weak side. Napangiti ako habang pinapanood siyang nakapikit. Maya maya lang ay naging banayad na ang kanyang paghinga.

Tulog na tulog siya nang manatili pa ako ng ilan pang minuto. Kinapa ko ang kanyang leeg at naramdaman ang pagbaba ng kanyang lagnat. Nakatulong ang gamot at ang wet towel.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang