Chapter 1

644 13 0
                                    

CHAPTER 1 — So Sick


I didn't tell anyone that I came from the US. Kahit na kay Celine na matalik kong kaibigan at kay Conrad na kapatid nito ay sinekreto ko iyon. Hindi ko alam pero dahil na rin siguro sa trauma. I don't wanna be judged. I am so tired of it. Baka kapag nalaman nilang nanggaling ako roon, na nag-aral ako roon, ay asarin din nila ako kagaya ng mga nakilala kong bata noon. Mag-iiba ang tingin nila sa akin. Magkakaroon sila ng mga tanong. Dahil ilang taon akong nawala ay baka masabi nilang wala na sa akin ang kulturang pinanggalingan ko.

But sometimes, it feels like I'm the one who's judging my own friends. Pero hindi naman talaga ganoon iyon 'di ba? Nag-iingat lang ako. Ayoko nang masaktan. Umiiwas lang ako sa mga masasamang karanasan na maaaring mangyari sa akin dito. It's really hard when you are hurting because of the people you thought you could trust. Ayokong gumawa ng dahilan para masaktan nila ako o masaktan ko sila. So, being quiet about my past was my only choice.

"Saan nga ang province ninyo, Elaine?" Nang tanungin ako ni Celine ay saka ko lang napagtantong magsisimula na akong magsinungaling.

It's better before. Iyong nananahimik ako tungkol sa pinanggalingan ko. I am not lying and fooling them. Pero may ganito pa ring mga pagkakataong magtatanong at magtatanong sila.

"Quezon province," sagot ko.

Nasabi ko na noon sa kanya na taga Quezon province kami ngunit wala naman akong maikwento sa kanya dahil imbento ko lamang iyon. I've never been to that province. It was just the first province that came to my mind when Celine asked me where I came from.

Tumango siya. Nag-indian seat siya sa bench na inuupuan namin sa loob nitong kiosk. "Edi doon ka magbabakasyon sa summer?" tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Siguro," utas ko. Ayokong humaba pa ang usapan kaya naman iniba ko na 'yon. "Kayo?"

"I don't know. Baka dito lang uli kami sa Manila o baka mag-out of town ng ilang araw. Wala naman kaming probinsya," ngumiwi siya. "Well meron naman pero hindi pa ako nakakapunta. My lola was from Davao but I've never been there. Ayaw kasi ni papa," sabi niya.

Tumago na lamang ako. Sinundan ko ng tingin si Conrad nang tumayo siya at lumabas ng kiosk. Sa higit isang taon naming magkakasama, may ilan na akong nailistang pagkakaiba sa ugali ng dalawa. Celine is a shy girl while Conrad is confident and out-going. I am Celine's only friend but Conrad is a friend to everyone. Masyadong masiyahin si Conrad na nagagamit niya iyon upang makipagkaibigan sa ibang tao. Sa dalawang beses ko siyang naging classmate, pakiramdam ko ay kilalang kilala ko na siya. Hindi na rin bago sa akin ang makita siyang mang-asar ng mga estudyanteng nakababata sa kanya.

Nangunot ang noo ko nang panoorin ko siyang harangin ang isang batang lalaking mas bata sa amin. Halos manginig ang kamay ng bata nang abutin ang pera na inabot ni Conrad. Hindi nito malaman kung paano magmamadali lalo na nang bilangan siya ni Conrad.

"Three!... Four!..." humahalakhak siya nang bumalik.

"Anong ginawa mo?" tanong ko, gusot ang gitna ng kilay.

"Nagpabili ng kakainin natin," tamad niyang sagot. He's a bully. That's why I don't like him sometimes.

Umiling ako sa kanya. Ganoon siya lalo na kapag malakas ang trip niya. Hindi naman talaga siya madalas na ganoon. Sa tingin ko, nag-eenjoy lang siya 'pag pakiramdam niya ay nakakaangat siya.

Umupo siya sa harap ko. Sumandal sa semento habang tinitingnan ako.

Iniwas ko ang aking tingin at kinagat ang ibabang labi. I used to be that poor kid once in my life. And pagkawawa sa isang tao ay parati kong nararanasan noon. How could people do that to poor little kids?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now