Chapter 12

247 5 0
                                    

CHAPTER 12 — Playful Boys


Naglakad kami ni Conrad sa ilalim ng maliwanag na buwan. Kanina ay nagtanong siya kung gusto kong magpakuha ng taxi sa guard ng kanilang subdivision. Pero ang sinabi ko ay huwag na. Magastos lang at isa pa ay sa kabilang subdivision lang naman kami. Maigi nang maglakad.

But there was also another reason behind it. I am keeping it to myself, though. Kahit pa gusto kong sabihin sa kaniya na ang tunay na rason ay dahil gusto ko siyang makasama ay nakakahiya. It was supposed to be the other way around. Dapat mas gusto niya na makasama ako. That's what I really want to hear from him.

"I am curious," aniya.

Tiningnan ko siya ng may kunot sa noo. "Curious of what?" tanong ko.

"Of what you are thinking. Every now and then. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa'yo," pag-amin niya.

Nagulat ako roon. Nasabi na rin niya ito dati. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Kaya ba sobra na siyang makatitig sa akin? Sa paraan bang iyon ay malalaman niya ang mga iniisip ko? Now, I become more conscious of my thoughts. Kahit na alam kong imposibleng mapasok ni Conrad ang aking isipan ay nakakatakot pa rin ang isiping makakaya niya iyon.

Pinaglaruan ko ang aking labi.

"Noong nasa bakasyon tayo, habang wala ka, ikaw lang ang iniisip ko," hayag niya.

Hindi ko na alam kung paano pa ako makikinig sa mga sinasabi niya. Kung anoanong pakiramdam na ang naglalaro sa aking sistema ngayon. I wish I could stop him from talking too much sweet things to me. But the more I want to end his words, the more I also want to hear more of it.

Narinig ko ang kaunting tawa niya. "You were even my inspiration behind the photos I showed you."

Bumaling ako sa kaniya. Conrad always knows how to sway my heart. He knows the right words to say. To make me like him more. To help me realize how I wanted him too. Kung alam lang niya ang mga pangarap ko. Sa lahat ng iyon ay kabilang siya.

"Conrad, sobrang bata pa tayo para sa mga ganyan," I said, even when my mind and heart is opposing to every word.

Ngumiti lamang siya. Isang ngiting malungkot. I know him very well. I can define all the expressions he shows. Iyon ang isang katangian na mayroon si Conrad. He is very expressive. His face talks what he feels. Hindi niya itinatago ang kaniyang nararamdaman sa ibang tao. Lalo na sa akin.

"Kaya nga..." tumatangong utas niya.

Kinuha niya ang kamay ko. Naging dahilan iyon para kumawala ang isang singhap sa akin. I watched him took my hand in his. He is swinging our hands while we were walking.

"Wala naman akong sinasabing gusto ko nang maging tayo. Even though I badly want us to be together. Ang gusto ko lang, malaman mo ay kung anong nararamdaman ko para sa'yo," he told me.

I only watch the road. Hindi ako makalingon sa kaniya. Niramdam ko ang kamay naming magkahawak. "Paano kung dumating 'yong panahon na ayaw mo na?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon. But still, I asked him a few more what if's. "What if you get tired of liking me? What if you find someone else that you will like more than me?"

Huminga ako ng malalim. Katahimikan ang isinagot niya.

"Hindi mo ba naisip 'yon? Kapag napagod ka, anong mangyayari?"

Nang hindi pa rin siya sumagot ay huminto ako sa paglalakad. It was always like this. Conrad and I, in the middle of the road, at night. Sa ganitong sitwasyon palagi nangyayari ang mga pinaka hindi inaasahan. It's like this is the time of the day where I become true to myself. Where I become Elaine, the girl who's in love with a boy named Conrad. Where Elaine could give herself to this boy, but always thinks of the consequences after. Sana, kung susugal siya, sa paraang magiging masaya siya. Why did she have to think of the negative side of everything?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now