Chapter 13

237 8 0
                                    

CHAPTER 13 — Kissed


Hindi ko siya pinansin kahit na ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Pumasok siya sa library pero hindi siya lumapit sa akin.

I made myself busy. Lahat ng maaaring gawin dito sa desk ng library ay ginawa ko na. Nag-ayos ako ng listahan ng mga hiniram na libro sa araw na ito. Sa tinagal niyang nakatayo ilang metro ang layo sa akin ay hindi ko rin hinayaan ang sarili na ituon ang tingin sa kaniya.

Although, I can feel him staring at me, I didn't let him think that I was affected. Gayunpaman, para bang kabisado ng sistema ko ang bawat galaw niya. When he stood up and approached me, I put down the papers that I was holding and walked away from the desk. Ngayon ay nakatalikod na ako sa kaniya.

"Yes, hijo?" he was greeted by our librarian.

"Good afternoon, Mrs. Raviz," bati rin niya.

I intentionally remained unaware of him. Kunwari ay may mga ginagawa ako sa mga librong nasa harap ko.

"May I excuse Elaine? May mahalaga lang po akong sasabihin sa kaniya," aniya.

Kinuha ko ang mga libro. Ibabalik ko ang mga ito sa bookshelves.

Bago pa sumagot si Mrs. Raviz ay inunahan ko na siya.

"Mrs. Raviz, ibabalik ko po ang mga libro sa shelves," pangunguna ko. Hindi ko sinulyapan si Conrad nang tumungo ako sa mga bookshelves.

Naramdaman ko ang pag-sunod niya. Hindi ko iyon inalintana. Hinayaan ko lamang siya sa gusto niyang gawin habang ako ay inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga libro.

"Come on, Elaine. Talk to me," mahinahon ang pakikiusap niya.

I feel stupid. I should not be feeling this way. Wala akong karapatang maramdaman ito sa kaniya. What he did yesterday wasn't my concern anymore. He has promised me that I will be his only girl and yet I don't have a hold on him.

Nilingon ko siya. Bumuntong hininga ako at napayuko. "I'm sorry," bulalas ko.

Siya rin ay nagpakawala ng buntong hininga. "You don't have to say sorry. Ako ang may mali," aniya. "I realized it as soon as I saw you walking out of the gym," usal niya.

Hindi ako nakaimik.

"I'm sorry for what I did. Nakasanayan ko na kasi. But it doesn't mean anything, I swear."

Punong puno ng emosyon ang kaniyang mga mata. Tila gusto akong paniwalain na totoo ang sinasabi niya.

"Kinindatan ko sila kasi natutuwa ako sa pagsuporta nila sa akin. It was my way of appreciating them. I didn't realize that what I did will affect you," paliwanag niya.

Wala akong masabi sa pahayag niya. Hindi ko kayang aminin sa kaniya na tanga ako para masaktan sa simpleng pagkindat niya sa mga babaeng sumusuporta sa kaniya. Nakakahiya ako. I do not have the right to be jealous.

"Elaine... please say something. I need to know what you feel."

Umiling ako at napangiti. Nanatili akong nakayuko. "Don't blame yourself. Masyado lang akong nag-overreact. Hindi dapat ako umakto ng ganoon kahapon," wika ko.

Isang hakbang ang ginawa niya upang makalapit sa akin. Naramdaman ko ang pagdilim ng aking harapan. Kinuha ng dalawang kamay niya ang kanan kong kamay. Maliliit na haplos ang ginawad ng mga daliri niya roon.

"You are my only girl, Elaine." Inilagay niya ang magkahugpo naming kamay sa kaniyang dibdib. "Matagal nang naka-program dito na ikaw lang ang babaeng gugustuhin ko. I only want you, Elaine," malungkot siyang ngumiti. "I'm sorry if I gave a reason to doubt my feelings for you. Pero totoo ang mga sinabi ko nang gabing iyon."

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now