Chapter 3

415 10 0
                                    

CHAPTER 3 — Animated Movies


It wasn't so hard to avoid Conrad. Siya rin naman yata ay iniiwasan ako. What we're doing to each other was really obvious. Ngunit kami lang yata ang nakakapansin niyon dahil kami lang din naman ang nakakaalam ng alitan namin.

"Hindi ulit sa atin sasabay si Con," ani Celine nang sabay kaming naglalakad patungong canteen hall.

Tinagilid ko sa kanya ang aking ulo. "Siguro ay sasama uli sa kanyang team," matabang ang aking pagsagot.

At tama ako ng naunang hinala. He was with his team when we entered the hall. Napatingin siya sa amin habang humalakhak. Patuloy ang kanyang pagtawa habang pinapanood kami ng kapatid niya. Walang habas siyang nagtaas ng kilay sa akin. O baka sa kanyang kapatid. I don't know and I don't care.

Inilipat ko ang paningin sa ibang direksyon ng hindi kumukurap.

He's been joining his teammates lately during breaktimes. Hindi na ito bago kay Celine dahil simula pa lang nang sumali ito sa basketball team ng school, ay madalas na ang pagsama nito sa mga kalaro. He said he wants to build a good friendship with his teammates. Isa raw kasi iyon sa mga makakatulong upang pagdating sa court ay gumanda ang kanilang coordination sa paglalaro.

That's why he has not been with us for months. Paminsan minsan naman ay sinasabayan niya kami pero bilang lang ang mga pagkakataong iyon. Bilang lang din ang ilang beses naming pag-uusap. Sa dahilang pagsama niya sa teammates, nalihis tuloy kay Celine ang isiping nag-iiwasan kami ni Conrad.

It had been months since we last argue. Iyong pagtatalo namin na nauwi sa pag-iyak ko buong gabi sa bahay. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa akin ang mga kaganapan sa hapong iyon. Hindi ko na yata iyon makakalimutan dahil iyon ang unang beses na may sinabing masama ang isang tao sa akin mula nang umalis ako sa Amerika. And the worst was it came from a friend. I haven't heard an apology from him. Kahit hindi na nga lang siya magsalita ng sorry, sana kahit sa kilos man lang niya tuwing magkakasama kami ay maipakita niyang nagsisi siya. Pero wala kahit katiting na bakas ng pagsisisi sa kanya.

"Bumili ka na. Hindi pa kasi ako nagugutom," sambit ko kay Celine. Tinuro ko ang mahabang pila ng canteen at agad siyang tumakbo upang maiwasan ang mas lalong paghaba niyon.

Kumain ako kaninang recess ng rice kaya naman bundat pa ang tiyan ko. Hindi ko na kasi naabutan si daddy nang magising ako kaya tinamad na akong mag-almusal. Ang resulta, gutom akong pumasok ng school at nagpakabusog ako sa unang breaktime.

Naghanap ako ng mauupuan. We usually sit near the entrance but the table was already occupied. Nasa tabi, kung saan naroon ang team ni Conrad, ang libreng mesa na mas malapit sa kinatatayuan ko.

Diretso ang aking tingin nang tumungo roon. Umupo ako at tulalang naghintay kay Celine.

"Ang bilis mo naman—" natigil ako sa pagsasalita nang ibang tao ang nakita kong may-ari ng nahagip na anino.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ngunit pinakawalan agad nang mapagmasdan ko ang mukha ni Conrad.

"Sinong akala mo?" tanong niya kasabay ng pag-upo sa harap ko.

Saglit kong sinulyapan ang kanyang grupo. They're busy laughing about something. I shrugged and avoided his brooding eyes. "Sino pa ba? Edi si Celine," hilaw kong sabi.

Naramdaman ko ang bahagyang paghilig niya sa akin. Wala sa sariling lumipat sa kanya ang aking paningin. He's leaning on me. Ang mesa lang ang nakatulong para ibsan ang distansya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang