Chapter 11

295 9 0
                                    

CHAPTER 11 — Palagi


Pagkauwi ng Manila ay enrolment agad ang inasikaso ko. Nahuli na ako sa scheduled dates of enrolment pero ayos lang dahil old student naman ako ng school. It's understood that I have a reservation as one of their students for the coming school year.

Si daddy ay naging abala sa mga naiwan niyang trabaho. He didn't mention any business when we were in L.A. Nagsikap din siyang ituon ang pansin sa aming pamilya. Kay mommy lang talaga kami nahirapan dahil subsob siya sa pagtatrabaho at hindi namin siya mapigilan.

Binasa ko ang text ni Celine nang pasakay na ako sa aming sasakyan. Tapos na ako sa enrolment at naayos ko na ang lahat pati ang section ko. Magkaklase kaming muli ni Celine!

Celine:

Nasa bahay lang ako. Pwede ka bang dumaan dito? Tagal nating di nagkita!

Napangiti ako sa message niyang maagap kong nireplayan.

Ako:

Sige. Dadaan ako. :) Parehas tayong section!

Inisip ko ang mga nangyari nitong nakaraang linggo. Sa L.A. ay napag-usapan uli ang pananatili na lang namin doon. Daddy didn't approve because his business is booming here in the Philippines. Ayaw niya muna itong iwan basta. Pangalawang dahilan ay ang pag-aaral ko. I am already in my grade ten and it's hard to adjust. At ayoko rin iyon para sa aking sarili. I won't get back to that rude life anymore. Mas maigi at maayos na ang buhay ko rito sa Pilipinas kaysa noong naroon ako. I am not fit to be there. The Philippines is already my home.

May kaunting pagtatalo sa pagitan nila mommy at daddy bago kami umuwi. Si daddy ay gustong sumama na si mommy sa aming pag-uwi. Matigas din si mommy. Hindi sila nagkakasundo sa mga gusto. Mom insisted for us to just stay there. Daddy wants to go home in the Philippines.

Natatandaan kong iyon naman talaga ang plano noon. Magtatrabaho si mommy upang makapag-ipon at kapag sapat na ang pera ay magtatatag sila ng isang negosyo. At kapag successful ito ay uuwi si mommy. It didn't happen. Ang nangyari ay ang pagsunod namin sa kaniya, ang pag-aaral ko roon, at ang muling pag-uwi namin dito nang hindi siya kasama.

It's really complicated. Hindi ko alam kung kanino ako kakampi. What I just know is that I want to stay here in Philippines for good.

Tinawagan ko si daddy upang magsabi na kayla Celine ang diretso ko. He didn't answer so I just texted him instead. Nakangiti na ako nang papasok kami sa subdivision nila Celine.

I wish I could give her some pasalubong. Pero kapag nag-uwi ako para sa kaniya ng mga chocolate ay baka magtaka siya kung saan ito galing. I can't buy her clothes too! Ang mga damit sa L.A. ay branded at mahahalatang imported. I can actually make another lie about it, for instance I can tell her that it came from my auntie who's living in the states. Pero ayoko nang madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko sa kaniya.

"Magpapasundo ka ba, Elaine?" tanong sa akin ng driver.

"Magtetext na lang po ako. Nagsabi na po ako kay daddy," nakangiti kong tugon.

Tumango siya at ako na mismo ang nagbukas ng aking pinto para hindi na siya maabala.

Nagdo-doorbell palang ako ay saktong paglabas naman si Celine sa kanilang pinto. Nagliwanag ang mukha niya at ako naman ay tuwang tuwa. God, I miss my friend!

"Elaine! Nakakaloka ka talaga! Hindi ka na tumawag mula nung huling skype natin!" tumatawang niyang sabi.

Pinagbuksan niya ako ng kanilang gate. Nagyakapan kami na may kasama pagtalon. We really missed each other!

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now