Chapter 39

205 13 1
                                    

CHAPTER 39 — Are You Still Sleepy?


Iniwas ko pa rin ang aking sarili kay Conrad kahit na dalawang beses pa siyang nagmura sa harap ko.

What's his problem?

Oo, alam kong malaki ang problema naming dalawa pero maaari bang huwag na muna itong balikan ngayon?

Ang hapdi sa aking puso ay hindi pa naiibsan. Ang nangyari kanina ay sariwa pa. Masama bang humingi ng kahit kaunting oras upang magpahinga?

"Excuse me," I whispered weakly and left him there still murmuring words that only he could hear.

Isa pang malutong na mura ang binigkas niya na narinig ko ngunit hindi ko na pinagtuunan pa iyon ng pansin.

Nilapitan ko ang pamilyang nasa living area. Iba't ibang bagay na ang kanilang pinag-uusapan.

"Uhm, Tito Enrico and Lola Encar..." tawag ko sa dalawang nakatatanda rito. "Magpapaalam na po sana ako. I have to prepare pa po for my work tomorrow," paalam ko sa kanila.

Tiningnan ko si Celine at Vans pagkatapos na parehong nakatingala sa akin.

"Go ahead, hija. May susundo ba sa'yo?" tanong ni Tito Enrico. Tumayo siya upang lumapit sa akin.

They all stood up after him.

"Wala po. But it's okay, tito. Malapit lang naman po ang bahay namin," sabi ko bago pa siya mag-offer ng maghahatid sa akin.

"Ako ang maghahatid sa kaniya, pa," nabigla ako sa biglang pagsulpot ni Conrad sa aking gilid.

Tiningnan ko siya. Hindi ko naiwasan ang talim sa mga mata ko. What does he really want, huh?

"Ako nang maghahatid sa kaniya, Con," ani Vans na lumapit na rin sa akin. "May pag-uusapan pa ang mag best friend," salba niya sa sitwasyon ko.

I thanked him by looking at his eyes. Ginawa ko rin iyon kay Celine na hawak sa kamay nito.

Hindi na nakapagsalita pa si Conrad nang hiklatin ako ni Celine. "We'll go na po, Pa and Lola. Sa condo po ako uuwi ngayon kaya hindi na po ako makakabalik. Vans will bring me there," aniya sa ama at lola.

"Just make sure that it's your condo, anak," ani tito na ikinamangha ko.

Tiningnan ko si Celine na pinamulahan ng mukha.

"Of course, pa!" aniyang hindi makapagsalita nang maayos.

Nagawa ko pang tumawa at pati si Vans ay naubo pero tumawa rin. Nararamdaman ko ang pagkapahiya ni Celine dahil sa dalawang lalaki.

Hinampas ni Celine si Vans kaya agad itong huminto sa pagtawa. I was so amazed by their relationship. Naiinggit siguro ako.

Would it still be possible to also have someone beside me?

"Come on, Elaine. Bye, 'la!" ani Celine at hinalikan si Lola Encar sa pisngi.

Lola Encar hugged her and Vans. Ako naman ay lumapit din upang magpaalam.

"You should visit again, apo. Huwag mong kalilimutang pumunta ulit dito, ha?" aniya sa akin.

Maluha luha pa rin ako kapag kausap siya. Ngunit nakontrol ko naman iyon at ngumiti na lamang. I kissed her on the cheek and bid my goodbye.

"Bye, lola. I promise po, babalik ako," utas ko at hindi ko napigilang may maalala roon.

Sinulyapan ko si Conrad nang hindi man lang nag-iisip kung tama pa bang lingunin siya. He was staring at me and the familiar emotion in his eyes was there. It was the way he looked at me when he asked me to come back to him no matter what. When he promised me that he'd be waiting. Na kahit gaano katagal maghihintay pa rin siya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon