Chapter 19

195 10 0
                                    

CHAPTER 19 — Pangako


Nagpadala ako ng mensahe kay Celine na gusto ko siyang sumama sa akin sa airport. Gusto ko sanang kasama ko sila ni Conrad sa paghatid sa akin sa airport. Although, it's really hard for me, I still want to see them and be with them.

Of course, dad will come with us. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong kasama sila Celine. Sa tingin ko ay hindi ko kayang makita si daddy na hindi naman sasama sa akin sa pag-alis ko. I still don't understand why he just can't choose to come with me.

Nang pumayag si Celine ay wala akong mapaglagyan ng kaligayahan. Kahit na ilang araw ko siyang iniiwasan ay hindi man lang siya nagtampo sa akin. It's really overwhelming to have a friend like Celine. Sobrang nagsisisi lang ako dahil hindi ko man lang sila nakakasama gayung paalis na ako.

Hindi na kami ulit nagkita ni Conrad pagkatapos noong gabing nagkwento ako sa kaniya. Hindi ko na rin binigyan ang sarili ko ng pagkakataon na makita siya. Sa tuwing iisipin kong makipagkita kay Conrad ay inaalala ko si mommy at daddy. I had a decision. My decision was to leave. Kung makikita ko si Conrad at Celine ay baka magbago lang ang isip ko. Handa na akong iwan ang lahat dito sa Pilipinas. Ayokong pigilan ang sarili ko dahil batid kong patungo ako sa tamang landas. Kahit sa pagkakataong ito man lang ay gagawin ko ito hindi para sa akin kundi para sa pamilya ito. Dahil ito ang makakabuti para sa lahat.

Nang dumating ang araw nang pag-alis ko ay sinigurado kong handa na ang lahat. Daddy came to my room that morning and asked me if I can have breakfast with him because we haven't done that for the past couple of days. Pinagbigyan ko siya. Hindi ko alam kung ito na ang magiging huli naming almusal nang magkasama. He still hasn't talk to me yet about coming with me. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay para bang nagdududa siya sa pagsama sa akin.

"Good morning, anak. Pinaghanda ko si manang ng mga paborito mo," aniya nang paupo na ako sa hapag.

Indeed, everything on the table was my favorite. Bacon, hotdogs, bread and my favorite cheese cake.

Hindi ko siya matingnan kahit na nagustuhan ko ang ginawa niya para sa akin.

"Salamat po," usal ko.

Tumikhim siya. Tila hindi rin sanay sa lamig ng hanging nakapalibot sa aming dalawa.

"Are you bringing your friends with you?" tanong niya.

Tinanguan ko ang kaniyang tanong. Naglalagay ako ng pagkain sa aking plato. Hindi ko mapigilang mag-isip ng maliliit na bagay katulad nito sa pagitan namin ni daddy. Usually, he will be the one to put the food on my plate. Tapos ay sasabihin niyang kumain ako ng marami dahil ito ang magpapalakas sa akin sa buong araw. I will do the same to him. Para maging malakas din siya habang nagtatrabaho.

Ngayon ay walang ganoong ginawa si daddy. Sa halip ay pinanood niya lamang ako.

"Elaine, anak," tawag niya sa akin.

Itinigil ko ang aking ginagawa at tumingin sa kaniya.

Saglit siyang tumahimik at ilang beses humugot ng malalim na hininga bago nagsalita. "I'm so sorry for what I did," aniya.

Naging malikot ang mga mata ko ngunit sa huli ay tumingin akong muli sa kaniya. Kumislap ang mga mata ni daddy. Sa tingin ko ay naluluha siya ngunit pinipigilan lang.

"I promise, anak, aayusin ko ito. I will fix everything and be with you and your mother." Nangunot ang noo niya. Tila hirap na hirap siya.

Iyon lamang at tumigil siyang magsalita. Ibinalik ko ang tingin sa aking kinakain na para bang walang narinig kahit sa dibdib ko ay umaapaw pa rin ang lungkot. At least, he promised to be with us. Iyon na lang ang panghahawakan ko.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon