Chapter 41

225 14 3
                                    

CHAPTER 41 — Walang Karapatan


After that lunch, Consntatine and I got along really well. He's still my boss and I'm his employee. I am not forgetting that fact but I still manageg to be comfortable with his presence.

Nagpatuloy lang kami sa pagkikwentuhan tungkol sa aming mga sarili, partikular kung bakit ang trabahong ito ang napili namin.

I didn't really expect that I would get to know him that fast. Isang araw pa lang ang lumipas ay sa tingin ko, nagkasundo na kaming dalawa.

But I still have a lot of things to know about him and one lunch wouldn't be enough. Pero kahit na ganoon ay nakakatuwa pa rin dahil mas nagkakilala pa kaming dalawa.

One of the things I learned about him was he was not hard to please. As long as he sees the good in you, or that you are worth his time, he'd entertain you. Sa kaso ko ay mukhang nakita niya na gustong gusto ko talaga ang pinasok kong trabaho kaya naman nakuha ko ang interes niya. He said that he likes people who are passionate and those who love what they do. Yes, a part of yourself is working because you are doing it for a living and for the money, but love and passion should also be involve more than anything else.

An excellent work is absent if you do not do your job with all your heart.

Iyan ang mga natutunan ko sa kaniya.

That's why I didn't have a difficult time coping up in the next few days. Ang nagpabigat lang naman ng pakiramdam ko sa trabaho ay iyong tatlong babaeng punong puno ng disgusto sa mukha nila tuwing makikita ako. Hindi ko naman kayang hindi iyon mapansin dahil sobrang halata sila. Ayaw nila sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

But despite of that, work is work. Hindi naman nila dinadamay ang trabaho at kapag kailangan na talagang makihalubilo sa isa't isa ay napagtitiisan naman nila ako. I don't mind working with them but their little gestures showing that they dislike me cannot be avoided. Nakikita ko ang lahat ng iyon, hindi ko na lang iniintindi.

I was so busy with all the things that we have to finish. Ibang klase pala ang magtrabaho bilang editor assistant. The editor-in-chief relies to you all the time. Kaya nga tama ang sinabi ni Constantine na dapat ay palagi kaming magkasama.

Bumukas ang pinto ng opisina at pinanood ko si Constantine nang maglakad siya patungo sa akin. Hinintay ko siya hanggang sa nasa harap na siya ng aking mesa.

"How's the report that I asked you to do?" tanong niya sa akin matapos akong lapitan sa table ko.

One more thing that I noticed about him, if he's at work, everything should be serious. Ni hindi niya makuhang ngumiti. Maging ang boses niya ay pinagkaitan ng lambot at hinhin dahil sa tigas nito.

"I'm almost done. I still have to edit the third one but I'm sure I can pass it to you this afternoon," sagot ko.

"Send it to my email once you're done," he said.

"Okay, Consntatine," I obeyed.

Tumango siya at isang beses lang pinatakan ng tingin ang mga mata ko bago nakapamulsang tumalikod at bumalik sa kaniyang sariling mesa.

In just one day, the team had three meetings. Ang una ay kaninang umaga pagkapasok naming lahat. Ang pangalawa ay bago magtanghalian at ang huli ay ngayong hapon. Ito ay dahil kailangan nang matapos ang presentation na ipapakita sa board sa makalawa.

Hindi ko binigo si Constantine. Pagpatak ng alas-tres ay tapos ko ang lahat ng pinapagawa niya. Like what he instructed, I sent the files to his email.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon