Chapter 34

216 14 5
                                    

CHAPTER 34 — Bangungot


Pagbaba ko ng taxi ay sinalubong agad ako ni Celine. Nanggaling siya sa loob ng isang matayog na gate. Ito na siguro ang sinabi niyang bahay ni Vans.

Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ang likuran ko bago ako nginitian at binati.

"Good morning, Elaine! Sorry sa late notice. Buti na lang ay umabot ka," aniya at isinukbit ang kamay sa aking braso. Hinila niya ako papasok.

"It's okay. Good thing na wala akong gagawin ngayong araw," sagot ko sa kaniya habang pinapanood ang mga nadadaan namin papasok.

I couldn't help but be mesmarized by the landscape around us. Sa mayamang pamilya nanggaling si Vans at hindi iyon lingid sa kaalaman ko. I've known about it eversince because of Celine. Sa pangalan pa lang ng kanilang subdivision ay masasabi na kung gaano karangya ang kanilang buhay. Seeing their house or should I say mansion proved it all.

"Bakit nag taxi ka lang?" tanong niyang sumagot sa pagtataka ko kanina nang pagmasdan niya ang likod ko nung dumating ako.

Nagkibit ako ng balikat. "We don't have a driver yet. Si daddy ang nagmamaneho para sa amin. And he brought his car to work with mom," simpleng paliwanag ko.

"Uso na ang Grab ngayon, Elaine. Mas safe iyon compared sa taxi. I'll teach it to you next time," aniya sa akin.

Tumango ako kahit na ang totoo ay alam ko na ang tungkol doon. Hindi pa lang talaga ako sanay sa mga pagbabago rito sa Pilipinas. There were still alot of changes that happened and I couldn't adjust that fast.

Nakapasok kami sa loob at hindi nakalagpas sa aking pandinig ang mga malalakas na tawanan. Sumikdo ang kakaibang kaba sa aking dibdib nang mapagtantong mga lalaki ang tumatawa. I stopped walking and Celine immediately turned to me when she noticed it.

Katakot takot na sindak ang nasa aking mga mata nang salubungin iyon ni Celine. She saw it and realization registered in her eyes. Bumuntong hininga siya at binitiwan ang braso ko.

"He's not here. Don't worry. Alam ko ang sitwasyon at hindi ko kayo pangungunahan," wika niya sa nakakaintinding tono.

Hindi pa rin ako nakakabawi at nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. "What do you know?" I asked her, worried of the last sentence that she said.

Celine gave me a gloomy smile. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiting iyon para sa kaniya.

"I know everything. He didn't tell it to me directly but I saw it in his actions for the past years. Especially on the first year that you were gone. Vans confirmed it to me when I asked him about it. Palagi pala siyang kinakausap ni Conrad noong nasa states pa kami dahil nakikibalita siya tungkol sa'yo," she explained.

Umawang ang aking bibig ngunit pinilit ko ang sariling magsalita pa dahil gusto ko ng mga sagot sa aking mga tanong. "Nakikibalita? Nakikibalita saan?"

She pursed her lips. Mukhang ayaw pa niyang sagutin ang tanong ko. Kaya naman nangusap ang mga mata ko at nagmakaawang sagutin niya ako.

She sighed in defeat.

"I shouldn't be the one telling you this," she uttered like she was regretting talking about it in the first place. "But since I am your best friend, it's my responsibility to let you know about it. Iyon sana ang nais kong sabihin sa'yo noong unang araw nating magkita. But you were very eager in avoiding the topic. That's why I decided that it would be much better if he's the one who will tell you about it," aniya.

"Tell me about what, Celine? Please. Ano bang sinasabi mo?" pagmamakaawa ko.

Hinawakan ni Celine ang aking mga kamay. Pumikit siya nang mariin at mukhang pinag-iisipan pa kung sasabihin pa niya ang mga kailangan kong malaman.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now