Chapter 37

177 19 1
                                    

CHAPTER 37 — Beside Him


I would just trust the universe with this. Ganoon ako katakot at kaduwag. Isang pang pagkakataon para ipunin ang lakas ng loob ko. Sa oras na magharap kaming muli ay hindi na ako iiwas.

I left the twins and approached Lorenzo. He was still talking to a bunch of guys that I assumed were the groomsmen. Isa isa silang napatingin sa akin nang makalapit ako nang husto. A man in a gray polo squinted his eyes at me but he immediately turned his gaze away.

Huling lumingon si Lorenzo sa akin. I saw him looked behind my back and I think I knew where he's looking at. Hindi ko na lamang pinansin ang kislap sa mga mata niya.

"Elaine!" Lorenzo recognized my presence with a smile. Lumapit siya at inakbayan ako.

Ang unang reaksyon ko ay igalaw ang balikat ko upang lumayo sa kaniya ngunit hindi niya ako hinayaan. When did he become comfortable with me? Unang beses ko pa lang siyang nalapitan at nakilala sa personal noong nasa bahay kami ni Vans pero ganito na ang asta niya sa akin.

"Bros, this is Elaine. She's my pair. Celine's best friend and maid of honor," he introduced me to his friends.

Naglipatan naman ang mga mata ng mga lalaki sa akin. There were five of them. Nagpakilala sila ngunit hindi ko na nasundan at nakabisado ang mga pangalan.

"She's pretty, bro. Siya na ba ang bagong nililigawan mo?" the man in white shirt asked. If I'm correct, his name was Anton.

"Gago, pare. Best friend 'to ni Celine. Baka buntalan ako nun sa mukha kapag niligawan ko siya," pabirong sagot ni Lorenzo rito.

Naghalakhakan ang mga kasama niyang lalaki.

Nginiwian ko siya nang humigpit ang akbay niya sa akin.

"Si Celine nga ba ang magagalit?" another man said. Among all, he's the one who's looking at me differently since I approached them. Hindi siya ngumingiti.

"Oh, alam ko na. Hindi na naman kayo okay ni Krisma kaya nagloloko ka na naman," anang isa pa.

Krisma? So, he has a girlfriend?

Tiningnan ko si Lorenzo. Sumama ang timpla ng kaniyang mukha at tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.

"Don't mention her name, West," wala nang bakas ng tuwa sa boses ni Lorenzo.

"Ooh, nag-away nga sila!" nagtawanan ang mga kasama niya pero hindi niya ito pinansin.

Naiilang ako lalo na dahil kakaiba talaga ang tingin nung isang lalaki sa akin.

When Lorenzo told them that he'll talk to me first, they engaged to their own conversations.

Si Lorenzo naman ay hinila ako paupo sa isa sa mga mahabang upuan ng simbahan. Dalawang beses siyang lumingon sa pinakalikod ng simbahan bago ako kinausap.

"How long have you been friends with Celine?" iyon ang unang tanong sa akin ni Lorenzo na ikinataka ko.

Nag-alangan pa ako bago sumagot dahil bakit naman niya ito natanong?

"Elementary. Pero matagal kaming hindi nagkausap dahil tumira ako sa states," I said even though the right words to say was I left them all here and cut our ties.

"Ikaw nga 'yong Elaine na tinutukoy nila," aniyang para bang may nakumpirma sa mga hula niya.

Kumunot ang dalawang kilay ko. We've been introduced already. Masyado pa nga siyang feeling close noong unang beses na nagkakilala kami. Bakit parang hindi niya yata maalala iyon?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now