Chapter 7

300 10 0
                                    

CHAPTER 7 - Kinanta


Conrad didn't say anything after my unplanned confession. Hindi siya nangulit, hindi siya nagtanong. It was a bit unlike him. He was supposed to ask the meaning of what I said but he just let it go.

Inaamin kong na-disappoint ako. Pero mas gusto ko na iyon kaysa mas ipahiya pa ang aking sarili sa kanya. I just indirectly told him that I am attracted to him! Kahit naman hindi direkta ang aking pag-amin, ganoon pa rin ang kahulugan nang madulas ako at sabihing nagsinungaling lang ako sa kanya.

Ayoko na sanang isipin pa ang nangyari. Pero hindi ko mapigilan kahit ngayong nasa kalagitnaan kami ng presentation ng aming groupwork. Hindi ko matanggal sa isip ang pananahimik niya. I think he didn't like my sudden confession. Baka nga natakot pa 'yon or worst... nandiri.

"And how about the function of the digestive system?" tanong ng aming guro.

Tumikhim ako. Kanina pa ako nagsasalita tungkol sa mga parts ng system na na-assign sa aming grupo. We were assigned to discuss about the digestive system. Tapos na akong magsalita ng parte ko sa report at ang mga kagrupo ko na ang sumasagot ngayon.

Ipinaliwanag ng maigi ng kaklase ko ang tungkol sa function ng digestive system. Nang makuntento ang aming guro ay nagsulat siya sa aming mga index cards. He gave it to us one by one and let us sit on our chairs.

"Next group," anito.

Tumayo ang sumunod na grupo. Nangalumbaba ako habang hinahayaang humulas ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa wakas ay makakahinga na ako ng maluwag! Kanina pa ako kabado habang naghihintay na kami ang tawagin. Now that we're done, I can have my normal heartbeat back.

Nagngitian kami ni Celine nang mag-thumbs up siya sa akin.

"Mamaya, may practice game sila Conrad," ani Celine. Naglalakad na kami ngayon patungong canteen.

"Oh tapos?" tanong ko.

"Ano ka ba?! Edi siyempre manonood tayo. Nandoon ang mga crush ko, e," kinikilig niyang sabi.

Napailing na lamang ako. I will watch, of course. Nandoon din kasi ang hinahangaan ko.

"Pwede ba tayong manood?" tanong ko habang iniisip ang curfew ng aming paaralan.

"Oo naman. Agahan mo ang tapos ng trabaho mo sa library. I will wait for you at the gym. Sasama na ako kayla Conrad doon," sabi niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Kaya mo? Baka mailang ka dahil puro lalaki ang kasama mo," utas ko. Because if I were Celine, I'd be shy to all the boys in the basketball team. Kahit naroon pa si Conrad.

"Okay lang 'yon," aniya kahit sigurado akong hindi siya nagsasabi ng totoo.

We did what we planned. Nagsabi kami kay Conrad na manonood kami sa kanila mamaya. Pero ang sabi niya, mas maiging huwag akong magmadali sa trabaho sa library. Magiging abala lang daw ang laro nila. It was just a practice game according to him. Hindi naman daw ito tunay na laro para paglaanan namin ng oras.

I was pouting as he was saying that to us. Akala ko naman kasi ay matutuwa siya dahil may susuporta sa kanya.

"Basta, we will watch," giit ni Celine na nakaupo sa tabi ng kakambal. Nasa harap ko silang dalawa.

Tiningnan ako ni Conrad. I raised my eyebrows and he did the same. "Bangko ang mga grade eight. Pagtutuunan ng pansin ang mga grade eleven laban sa grade twelve," aniya.

Umiling uli si Celine. "Ang goal ko ay matitigan ng husto ang mga crush ko. I'm not going to watch the game. I am going to watch them," aniya at nginuso ang mga lalaking nasa malayong table.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now