Chapter 40

232 15 0
                                    

CHAPTER 40 — As A Person


Gulong gulo pa rin ang utak ko sa nangyari sa pagitan namin ni Constantine kanina. I understand his point. Tama naman ang sinabi niya. May karapatan din siyang pagalitan ako dahil boss ko siya. Tungkol naman sa trabaho ang dahilan kung bakit ako napagalitan kanina.

At kahit na ipilit kong maganda ang intensyon ko na pumasok nang maaga, may punto pa rin siya. Tama siya na dapat ay hindi ganoon kaaga ang pasok ko. I over reacted. Sumobra naman yata ang kasipagan ko. I should have used the excess time in sleeping more. Kung sana ay ginawa ko iyon ay hindi ako nadatnang tulog ni Constantine.

Iyon lang naman kasi ang ikinagalit niya. I might not function well if I'm not well rested, that's his point. Wala akong mahanap na mali sa pahayag niyang iyon.

"Prepare yourself, Elaine," nagitla ako sa boses ni Constantine. "We'll go to the conference room in ten minutes," aniya nang hindi man lang ako tinitingnan.

His eyes were solely focused on his laptop. A bunch of papers was also stacked on the side.

Ngumuso ako at nag-asam na sana ay may ginagawa na rin ako. Tanungin ko kaya siya kung may maitutulong ako? But he looked like he didn't need any help. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa trabaho at baon na baon siya roon. I'm sure that he'll call me if he needs my help.

Pagkalipas ng sampung minutong sinabi niya ay sinara niya ang laptop at ibinalik sa tamang ayos ang mga papel na nasa gilid nito.

I also fixed myself. Inisip ko kung ano bang kailangan kong dalhin. I chose to bring a notebook and pen, the one he gave me yesterday. Tomorrow, I must bring my own laptop. Mas madaling gumamit nito kaysa magsulat.

After a while, he stood up and glanced at me.

"How's the minutes of the meeting yesterday?" tanong niya habang inaayos ang kaniyang mga dadalhin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil siguradong mapapagalitan na naman ako. "I'm sorry po. But I wasn't able to do it. Pero nandito po iyon sa notebook na ibinigay niyo. Maayos naman po ang pagsulat ko..." Tumigil ako nang walang reaksyon siyang tumango sa akin.

"It's okay. Wala naman akong instruction na kailangan ko iyon ngayon. Just do it after the meeting. I need the file before you go home," aniya.

"Yes po," I obeyed.

Sabay kaming lumabas ng kaniyang opisina. Ako ay nakasunod sa kaniyang likuran.

Ang conference room na tinutukoy niya ay nandoon lang sa tabi ng office niya. He opened it for us. There's no one yet inside. Kaming dalawa pa lamang ang tao.

"Can you assemble this for me?" tanong niyang tinutukoy ay ang kaniyang laptop at ang projector na nasa mesa.

I obeyed and reached out for his laptop. Lumapit naman ako sa projector at isa isang kinabit ang mga kable roon. Mabuti na lang at marunong akong mag-assemble nito. I am familiar with this because we usually do this before when I was still studying for reports and presentations.

Abala kong ginagawa iyon habang siya ay binabasa ang laman ng folder na hawak niya.

Maya maya lang ay nakarinig na ako ng mga maliliit at mahihinang ingay mula sa labas ng conference room. Someone knocked from the outside three times and opened the door slowly. Isang lalaki ang nagbukas niyon at kasunod nito ang limang babae.

"Good morning, Con!" the man who first entered greeted our boss.

Ngumiwi ako nang marinig ang palayaw na iyon. Kailangan ko nang sanayin na maririnig ko iyon araw araw dahil ito talaga ang madalas na gamit nila. The name Constantine was a mouthful. Ako lang yata ang handang tumawag nang ganoon kahabang pangalan niya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon