Chapter 42

264 20 8
                                    

CHAPTER 42 — Halimaw


Wala kang karapatan, Elaine.

Iyon ang pinapaulit-ulit ko sa aking sarili habang sa gilid ng aking mga mata ay nasisilip kong magkausap si Conrad at Shayne.

Hindi na ako muling binalikan ni Conrad. When he left, he really left. Sa loob loob ko ay sarkastikong tinawanan ko na lang ang aking sarili. Hindi ba't nang-iwan din naman ako noon at hindi bumalik nang matagal na panahon?

Kaya nga wala na akong karapatan.

Bitbit ko ang mga bag ko nang masulyapan ko si Lorenzo na palapit sa akin. Ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko siya ay iyong nangyari sa simbahan. I haven't had a proper explanation but I don't think I still need one. Hindi naman masama ang naidulot ni Lorenzo sa akin noon. I was shocked, yes. But no harm done. And maybe he has reasons that he can't tell me. Hindi rin naman nagsabi si Vans o Celine tungkol doon. Kaya naman kinalimutan ko na lang din.

Sinalubong niya ako ng sikat niyang ngisi. His white teeth was peaking behind his lips. Pinasadahan pa niya ang kaniyang buhok na mas lalong nagpalakas ng dating niya.

If there was one thing about Lorenzo that I like, it was his ability to lift anyone's mood up just by showing off his full smile and bright aura.

Hindi ko alam kung ano ang nakatago sa likod ng ngiting iyon pero nagagawa niyong pagaanin ang pakiramdam ko. He seemed like a happy pill for anyone who's feeling down.

Ngayon, ang simpleng ngisi niya ay nagawang buhatin ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Hi, Elaine!" he beamed at me. Dinungaw niya ang dalawang bag na dala ko.

"Hello!" I greeted back. Isinukbit ko ang backpack sa likod ko habang ang duffle bag ay buhat ng dalawang kamay ko.

"Need help?" he asked while pointing his lips to my things. "Kanino ka ba sasabay?" Lumipat ang tingin niya sa kotseng nasa likod ko. The way his eyes speak tells me that he already knows where I just came from.

"Kay Celine ako sasabay," mabilis kong salita upang malihis na ang isipan niya. "Alin ba ang van na gagamitin nila para mailagay ko na ang mga gamit ko," sabi ko sa kaniya habang tinitingnan ang dalawang puting van na nakaparada.

"They're not using any of the vans. Sabay sabay kaming tatlo sa sasakyan ni Vans," aniya.

Tumango ako at hinanap ang sasakyan ni Vans. Nakita ko naman agad ito sa tabi ng isa sa mga van. Maglalakad na sana ako palapit doon nang hawakan ni Lorenzo ang duffle bag na dala ko.

"Tulungan na kita riyan," aniya.

Hinayaan ko na lang siya dahil naagaw na rin niya sa akin ang bag. Naglakad siya patungong sasakyan ni Vans at sinundan ko naman siya. He opened the compartment and there I saw more bags that are probably owned by the cousins and Celine.

"Kung sasabay ka sa amin, hmm, magkatabi tayong dalawa," mapang-asar ang tono ni Lorenzo.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay pero ang totoo ay hindi naman ako naiirita sa kaniya. He somehow reminds me of Kavan, my close friend from the states.

And speaking of Kavan, the promise that I made that I would call him and Rhyna didn't happen anymore. Naubos ang aking oras sa trabaho nitong nakaraang linggo at pag-uwi ng bahay, ang nais ko na lang ay magpahinga. Kailan ko kaya makakausap ang mga naiwan kong kaibigan sa L.A.? I hoped they were here with me.

"Put your backpack here," ani Lorenzo habang tinuturo ang bakanteng pwesto katabi ng duffle bag ko.

Umiling ako. "Sa tabi ko na lang ito, Lorenzo," sambit ko sa kaniya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now