Chapter 15

210 6 0
                                    

CHAPTER 15 — Samahan


Si Conrad ang unang tumakbo patungo sa akin. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. I didn't think of the people around us. I didn't care if Celines saw us. Sinuklian ko ang yakap niya. Seeing him again was too much for me to take in. Dalawang linggo rin akong hindi nagpakita sa kaniya. Hindi ko siya kinausap kahit sa mga messages o sa mga tawag niya. I ignored him for the past two weeks and it's really selfish of me because I did that to him. Gayung siya ang kasama ko noong araw na gumuho ang mundo ko. At sa panahong iyon ay siya ang tumulong sa aking makatayo.

"Ano bang nangyari sa'yo?" aniya sa boses na punong puno ng pag-aalala.

Lumipad kay Celine ang aking mga mata. There was nothing but worry in her eyes. Nginitian ko siya at kahit sa tingin ko ay nagtataka siya ay ngumiti pa rin siya sa akin.

"I was sick," bulong ko kay Conrad. Ngunit alam kong hindi niya pinaniwalaan iyon.

Conrad let go of me. Pareho kaming pumasok sa kiosk. Pinaupo niya ako roon.

His expression was full of concern. Alam ni Conrad ang pinagdadaanan ko. I think he hasn't told it to Celine. Kung alam ni Celine ay hindi niya paniniwalaan ang mga dahilan ko noong hindi ako nagpapakita sa kanila.

Hilaw akong ngumiti. "Nasa bahay lang ako for the past weeks. Tinatamad akong lumabas dahil masama ang pakiramdam ko. You don't have to worry about me," sambit ko habang tinitingnan silang dalawa.

Celine nodded. "Akala namin kung napano ka na. Gusto ka naming puntahan sa bahay niyo pero sabi nitong si Conrad ay hayaan ka muna dahil baka nagpapagaling ka."

Nilingon ko si Conrad. Nagpasalamat ako sa kaniya sa pamamagitan ng aking tingin.

"Ang tagal mong dumating. Pero bago ka magkwento dahil ang tagal mong nawala, mag-enroll ka muna," ani Celine.

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Conrad frowned when I didn't move. Si Celine naman ay hinihila pa rin ako.

"I'm not enrolling for this school year," mahinang sabi ko. Nabitawan ni Celine ang kamay ko.

Nag-iinit ang mga mata ko at maging ang aking dibdib ay parang pinapaso. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sakit. Sunod sunod at ang hirap tanggapin. This was more painful than what I felt when I was bullied. Noon, kaya kong tiisin dahil alam kong walang katotohanan sa mga pang-aasar sa akin. Pero iba ngayon. Ako mismo ang nananakit sa aking mga kaibigan.

Parehong tumitig sa akin ang magkambal. Behind their eyes were disppointment, sadness and concern.

"Bakit?" hindi makapaniwalang utas ni Celine.

Malungkot akong umiling. I was controlling my tears. Pero sa puntong ito ay alam kong tutulo na sila.

"May problema ka ba, Elaine?" tanong ni Celine. "Magsabi ka sa amin. Tutulungan ka namin," aniya.

Tahimik lamang si Conrad. Nanginig ang bibig ko. "Wala." Pagkasabi niyon ay tuloy tuloy na nagbagsakan ang aking mga luha.

Umiyak na rin si Celine. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "We are here for you, Elaine. Kung may problema ka, pwede kang magsabi sa amin. We may not be able to help you, pero at least mababawasan ang nararamdaman mo," umalon na rin ang pagsasalita ni Celine. "But if you're not yet ready to tell it to us, it's okay. Hindi ka namin pipilitin," aniya.

Natuwa ako sa narinig mula sa kaniya. She was also crying. Ngayon ko lang naktiang umiyak si Celine. Ngayon lang din ako umiyak sa harap nila nang ganito. I can't believe that I'd found a friend like Celine. A friend who'll join me with everything. Masaya kapag masaya ako, malungkot kapag malungkot ako.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now