Chapter 48

204 9 2
                                    

CHAPTER 48 — Risk


"Magtititigan na lang ba tayo rito, Elaine? Wala namang kaso sa akin 'yon. I don't mind staring at you all day," Conrad said with that familiar humor in his eyes. "We could just stay inside your house or we could go somewhere else," mapaglaro ang tono niya na mas lalong nagpainit sa aking ulo.

Tiningnan ko ang aking relo. It's still too early. Kinalkula ko na ang oras kung maglalakad ako palabas ng aming village at maghahanap ng taxi. Maaga pa rin akong makakarating sa trabaho kung sisimulan ko na ito ngayon.

Ngunit may lalaking nakaharang sa harap ng aming gate.

He's car was parked right in front of our gate. Nanatili itong nakaharang sa aming dalawa dahil hindi ko pa rin ito binubuksan.

Conrad was confidently standing there with his hands in the pockets of his black jeans. Prente siyang pinagmasmasdan ako na akala mo ay walang nangyari noong isang gabi. The way he smiles doesn't show that he just cried his heart out the other day. Nakalimutan na ba niya ang mga nangyari? Nakalimutan ba niya ang sinabi ko sa kaniya?

Kahit na ayaw kong buksan siya ng gate dahil mas gusto ko pang manatili itong harang sa pagitan naming dalawa, hindi naman maaari dahil kailangan ko nang pumasok sa trabaho.

That's why with a hesitant mind, I opened the gate to face him. Tumabi siya upang mabuksan ko ito nang maigi at makalabas ako.

Ilang na ilang ako sa paraan ng panonood niya sa bawat kilos ko. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan akong kabado dahil din sa kaniya.

Nang maisarado ko nang muli ang gate ay umalis siya sa gilid ko patungong kotse niya. Ako naman ang nagkaroon ng tsansang panoorin ang galaw niya. He opened the door of his car and gestured me to come inside.

Isang malalim na kunot ang pumorma sa gitna ng aking mga kilay. Naglakad ako papunta sa kaniya at huminga nang malalim bago nagsalita.

"Conrad, bakit ka ba talaga nandito?" namomroblema kong tanong sa kaniya. Hinarap ko siya upang ipakita sa kaniya na seryoso talaga ako at hindi na nakikipagbiruan pa.

He breathe in and out deeply. Sa tingin ko ay nakukuha na niya na wala nang nakakatawa sa sitwasyon naming dalawa.

"Get inside the car first. You can't be late from your work, right? Then we'll talk once we're settled inside the car," aniya sa akin sa mas kalmado at seryosong tono.

I'm still thinking twice if I should follow him or not. Mahaba pa naman ang oras bago ang oras na dapat ay makarating ako sa trabaho. Pero sa pagtingin sa akin ni Conrad, alam kong hindi siya susunod kung sasabihin kong dito na mismo kami mag-usap at papasok na lang ako sa trabaho mag-isa.

So I just followed what he said. Para matapos na lang ang lahat.

Malalim ang pagngiti niya nang sumakay ako sa kaniyang sasakyan. He closed the door for me a jogged his way to the other side of the car. Ilang sandali pa ay magkatabi na kaming dalawa sa loob ng kaniyang kotse.

Kinagat ko ang aking labi nang maamoy ang sasakyan ni Conrad. It was very manly but not too strong for me. Malabo na sa memorya ko ang huling beses na nagkatabi kami ni Conrad sa kanilang sasakyan. Before, we used to ride the same car but we're always with Celine. Wala pang nakakaintindi sa mga nararamdaman ko noon kahit na siya. Pero kahit na kulang kami sa mga salita, naipakita naman namin ito sa aming mga kilos at ginagawa para sa isa't isa.

Nilihis ko ang aking sarili sa muling pagbabalik sa nakaraan. Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong malaman kung anong ginagawa niya sa tapat ng bahay namin at bakit niya ako hinihintay roon.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now