Chapter 24

189 6 1
                                    

CHAPTER 24 — Manila


"How's the book?" Rhyna asked.

Sa ganitong oras ay wala masyadong nagpupunta sa bookstore. Kaya nag-ayos na lang ako ng mga librong napunta sa iba't ibang lugar dahil sa mga customer na hindi ito binabalik sa pinagkuhaan. Rhyna went to me and started talking about books.

I shrugged. "It's nice," iyon lang ang kaya kong sabihin.

She raised her eyebrows like she's waiting for more. Nang wala akong sabihin ay bumagsak ang balikat niya. "That's it?" she sounded upset.

"I told you, Rhyna. I'm not into books," I said coldly.

Hindi sumagot si Rhyna. Sa halip ay tinitigan niya ako na parang nagbabasa siya. Tiningnan ko rin siya at tinaasan ng dalawang kilay. Nang wala pa rin siyang sabihin ay tinuloy ko ang pag-aayos sa mga libro.

Ang totoo ay maganda ang libro. Ngunit wala akong ganang intindihin ang nilalaman niyon nang tapusin ko iyon kagabi. It was four in the morning when I realized that I was really tired and I needed to sleep. Tapos ko na ang libro nang oras na iyon pero mas pinili kong tumulala kaysa matulong. I really wanted to appreciate the book. But there was something that was bothering me the whole night that I can't even read properly. Pero nagawa ko pa rin itong tapusin hanggang dulo. Iyon nga lang ay hindi iyon kayang unawain ng utak ko.

"Is there something wrong?" tanong ni Rhyna. Ngayon ay mas malapit na siya sa akin. Nakatingin siya sa mga librong inaayos ko.

"Wala," sabi ko kahit na ang totoo ay alam kong may mali sa akin ngayon.

"Really, El? Then how come all those books are arranged the other way around?" aniyang may bahid ng pag-aalala sa tono.

Binalingan ko siya. Naguluhan ako nung una sa sinabi niya ngunit nang lingunin kong muli ang mga inaayos kong libro ay nalaman ko ang sinasabi niya. I laughed at myself. It was sarcastic. Ano bang nangyayari sa akin ngayon?

Lahat ng librong inaayos ko sana kanina ay nakabaliktad. Imbes na ang pamagat nito ang makikita ay ang mga pahina. I was so stupid! Inulit ko ang aking ginagawa. Tinanggal ko ang mga libro at binaliktad ito.

"Hey," Rhyna stopped me. "You know, you can tell me anything," she said, concerned.

Ngumuso ako. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko matanggap ang pag-aalala niya. Kahit ako ay hindi ko alam kung anong problema. Kagabi ay nawalan ako ng gana matapos kong makita ang mga larawan sa account ni Lorenzo. Particularly those that include Conrad and that girl. Hindi ko maalala kung sino ang babae. Ngunit natatandaan kong taga school namin siya. I'm not sure if she's in the same level as Conrad.

Kagabi ay gustong gusto kong tawagan si Celine. Ganoon din kanina. But I didn't log in on Skype. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang itatanong ko. Celine doesn't know anything about us. Kaya ano na lang ang iisipin niya kung bigla akong magtatanong kung sino ang babaeng kasama ni Conrad? Hindi ko rin magawang tanungin si Conrad. What will I ask him? Who's that girl he's with on the photo? Then what will I tell him if he answers my question? What is their relationship? Paano kung may kakaibang namamagitan sa kanilang dalawa? Anong sasabihin ko?

I cannot just call Conrad and ask him those things. First of all, it was just a photo. A picture is worth a thousand words. Maraming maaaring ibig sabihin iyon. Siguro naroon ako sa negatibong kahulugan ng larawan at ayokong masamain iyon ni Conrad. Paano kung hindi naman pala tama ang iniisip ko?

Second, I shouldn't ask him because I have no right to do so. Oo nga at sinabi ni Conrad na mahal niya ako at oo nangako siya. Ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang tanungin ko siya nang maaaring namamagitan sa kanila ng babae. Nanatili kaming magkaibigan nang umalis ako. Hindi ko siya boyfriend upang pagsabihan at tanungin ng mga ganoong bagay.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now