Chapter 8

301 9 0
                                    

CHAPTER 8 - Magkaibigan


Nakangisi sa akin si Conrad habang nanatiling laglag ang aking panga. Tinitigan ko siya. I could still feel my face warming in every second.

Ipinamulsa ni Conrad ang kanyang mga kamay bago naglakad palapit sa akin.

Oh, how I want to move and to run as fast as I can but I can't! Nakapako ang mga paa ko sa lupa.

"Gusto kita. 'Yon lang iyon, Elaine. Please don't freak out," aniya nang tumigil sa aking harap.

Lumunok ako. I am still dumbfounded. Sinong hindi matutulala sa mga nangyari? Heto na naman ako at napaamin niya ng walang kahirap hirap. Tapos ay sasabihin niyang gusto rin niya ako? I have the right to freak out, damn it!

"Conrad, it was a misunderstanding," nanginig ang aking boses. "Mali ang intindi mo..."

Suminghap ako nang hawakan niya ang aking kamay. Hinila niya ako patungo sa loob ng aming subdivision. The two security guards nodded toward us and let us inside. Hila-hila ako ni Conrad. Malayo-layo pa ang mismong bahay namin kaya mahaba pa ang usapang ito.

I thought he won't speak anymore until I heard his frustrated sigh.

"I don't care. Wala ka ring magagawa kung iba ang intindi ko sa sinabi mo. All I care is... nasabi ko sa'yong gusto kita," he was saying that with his back on me.

Hindi niya ako nililingon. I can hear his emotions but I can't prove it because I can't see his face. Nakakunot ang aking noo at naguguluhan sa kanya. Does he mean that... he likes me too? The way I like him?

"Conrad--" Humarap siya sa akin kaya napatigil akong muli sa pagsasalita.

"Please don't mention this to Celine," aniyang seryoso na ang mukha.

Nagparte ang aking bibig. Itinikom ko rin iyon at mabilis kong binawi ang kamay sa kanya. Humagis sa ere ang naiwang kamay ni Conrad at nanlalaki ang mga mata sa aking ginawa.

Tinalikuran ko siya at dumeretso sa direksyon ng aming bahay.

"Elaine!"

"Anong tingin mo sa akin, Conrad?" pangunguna ko sa kung ano mang sasabihin niya. "Madaldal? Celine may be my best friend but I don't just tell things like this to everyone even to her!" Kinagat ko ang aking labi. This is another secret that I would need to hide from my best friend! Shit! Dapat hindi na ito sinabi sa akin ni Conrad!

Hinarap ko siya, hinihingal. Nagulantang ang puso ko nang magtama ang mga katawan namin. He was also shocked when his chest bumped on mine.

Saglit kaming nagkatitigan. He looked down to our chests. Parehong mabilis ang mga galaw niyon. Mine was because of nervousness. Ewan ko kung anong dahilan ng kanya.

Lumayo ako ng kaunti at dinuro ko ang dibdib niya. "I don't kiss and tell, Conrad," untag ko. Pinagsisihan ko rin naman ang aking nasabi. Wala namang kakaibang nangyari sa amin para isambit ko iyon.

Ngumiti siya. Umiling siya at kinamot ang kanyang ulo. He was one crazy boy! Bakit parang pinagtatawanan naman niya ako ngayon?

"I haven't even kissed you yet... Kaya wala ka talagang sasabihin sa iba," aniya.

"That's not what I meant!" sigaw kong iritado na.

Humalakhak siya na halos makita ko na ang lalamunan niya. Nanggigil ako at sinapak ang braso niya.

"Aw!"

"'Wag mo 'kong pinaglololoko, Conrad. Kung ayaw mong tapusin ko ang pagkakaibigan natin," tinalikuran ko uli siya.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon