MPML Book 2 (2)

5.1K 128 11
                                    


Mamaya pang lunch yung first class ko kaya free time ko ang buong umaga ko. I woke up like 7am at bumaba ako sa kusina. Langhap na langhap ko yung masarap na amoy galing sa kusina, nagluluto na siguro si Manang.

"Oh, Goodmorning Ma'am Charlotte. Nagluto ako ng french toast at bacon, gusto nyo na bang kumain?"

Lumapit ako sa ref at kinuha yung karton ng fresh milk. Kumuha din ako ng plato at naglagay ng french toast ar bacon sabay punta ko sa sala.

"Dun nalang po ako kakain Manang. Kumain narin po kayo ha, pati yung vitamins nyo wag nyong kakalimutang inumin yun. Sabihan nyo lang po ako kung ubos na para mabilihan ko ulit kayo."

Gaya ng sabi ko kay Manang lang ako mabait. Kumpleto sya sa vitamins dahil hangga't maaari, ayoko syang nanghihina o nagkakasakit. I even told her na kukuha ako ng isa pang maid sa agency para may katulong sya sa paglilinis, medyo may kalakihan din kasi tong bahay ko, but she refused.

Nilapag ko sa lamesa yung plato ko sabay indian sit ko sa sofa. Ganun parin naman ako, ako parin si Karlota na ganito ganyan kumilos yun nga lang, hindi na ko great pretender like before.

Kinuha ko yung remote ng tv at binuksan yun habang kumakain. Nasa tabi ko naman sila Badger at Buster na nakahiga sa sofa, ginawa ko pa ngang unan si Badger dahil ang lambot lambot ng balat nya.

"Nakatulog kaba ng maayos ha, Buster? Ang taba taba nyo ni Badger, mamaya pupunta tayong Vet okay? You guys need shots of anti rabies para pag may nakagat kayo, hindi ako makukulong dahil nakapatay kayo ok?"

Hinahaplos haplos ko yung ulo at katawan nya habang nakasimangot sya. Lahat naman ng bulldog nakasimangot. Kahit patawanin ko 'to, ako lang magmumukhang ewan e.

By 8:30am, katatapos ko lang maligo at magayos para dalhin yung mga aso ko sa Vet. Si Manang na nagpaligo at nagayos sakanila bago sila nilagay sa loob ng kotse ko.

"Manang, yung mga aso ready na ba?"

"Yes, Ma'am. Ingat kayo."

Nagnod lang ako sakanya at pumasok sa kotse ko. Nakita ko si Badger at Buster sa passenger's seat sa likod ko. Binuksan ni Manang yung gate atsaka ko pinaandar yung kotse palabas.

Medyo may kalayuan yung Veterinary Clinic kaya naabutan pa ko ng traffic.

*Sighed*

"Of all days ngayon pa." Sabi ko habang nilalagay ko sa ulo ko yung salamin ko, turning it as a hairband.

Sa katagalan ng traffic, sabayan pa ng katabi kong sasakyan at nakukuha pa kong kindatan nung driver, naiirita na talaga ko. Naisip kong kalikutin yung phone ko sa bag ko, bumulaga sakin yung mga messages nila Travis at Jess. Saying that they're inviting me tonight na pumunta ng bar. Hindi ako nagdalawang isip na maki-go sakanila. Party yun, inuman, and I just love drinking with or without them. Pumupunta nga ako ng bar kahit magisa lang ako at pag trip ko uminom.

Napunta ako sa Facebook at ang daming friend requests sakin pero hindi ako pala-accept, wala lang ayoko lang. May messages din, which is karamihan puro chain messages lang naman then unimportant notifications. Ako na ata ang may pinaka boring na facebook account. Sa totoo lang, I don't find it important. Ano ba ang facebook? Ginagawang stepping stone ng mga kabataang walang ibang ginawa kundi magpost ng kung ano ano to earn worthless likes. Nagagawa pang maghubad ng iba at iladlad ang katawan nila, para ano? Makakuha ng minamalimos nilang likes para sumikat lang.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon