MPML Book (79)

3.1K 64 2
                                    


GRADUATION DAY (Part two)

Andrea's POV

"Andrea! Yuji! Hurry up, we're going to be late!" Pangalawa ata o pangatlong sigaw na ni Mommy yun sa baba.

Kanina pa kami nandito sa nursery ni Daddy dahil hindi namin maiwan si Yuan. Ngiti siya ng ngiti pag naririnig niya ang boses namin kaya heto kami at hindi makaalis.

"He got your mom's eyes. Parang ikaw." Bulong ni daddy habang tinititigan namin si baby sa crib.

"Sabi ni mommy walang akong nakuha sakanya physically kahit si Yuan." Sagot ko.

"Sa unang tingin oo, pero kung ako ang tatanungin kaparehas na kaparehas niyo ang mata ng mommy niyo. Maliit pero ang sarap sarap titigan." Nakatingin siya kay Yuan habang ako naman napapangiti sa mga sinasabi niya.

Ang sweet sweet ni daddy, sayang nga at hindi ko makikita ang paglaki ng baby brother ko.

"Yuji! Andrea! Do not make me say it again! We are late!"

"Ayan na, nagiging dragon na naman yung nanay mo. Let's go, princess." Hindi na mahalikan ni dad si Yuan para mamaalam dahil baka magising pa ito kaya lumabas nalang siya. Pasunod narin ako pero gusto ko na munang kausapin ko ang baby brother ko.

"Yuan, this is your ate Andrea. Sorry ha? Lalaki kang walang ate na kasama, pupunta kasi si ate ng ibang bansa kasama ang Tito Marcus mo. Dun kami magtatrabaho pero h'wag ka magalala, araw araw akong tatawag dito para kamustahin kayo nila mommy. H'wag kang malulungkot kung mag-isa ka dito ha? Alam mo, lumaki rin akong halos mag-isa sa lolo't lola natin. Iniiwan kasi ako ni mommy dun nung bata pa ako, dati hindi ko alam kung bakit pero ngayong nalaman ko na ang tungkol sakanila ni daddy, naintindihan ko naman lahat yun. Be a good boy ha? Lagi kang may pasalubong sakin pag uuwi kami ng Tito Marcus mo, dapat marami kang kwento sakin ha? Masungit mommy natin, mahigpit! Pero pag lumaki kana, maiintindihan mo kung bakit siya naghihigpit satin." This will be my last message to him, hindi ko na titipirin pa.

"You know Yuan, you are very lucky to grow up with a father beside you. Hindi ko kasi 'yun naranasan, lately ko lang nakilala si dad. Almost one year palang, but you know what? Those were the the best and the happiest days in my entire life. Yung wish ko nung bata ako na nabuo ang pamilya natin nagkatotoo. Tingnan mo naman, engaged na sila mommy at daddy. Ikakasal na parents natin. Be good to them ha? Ang cute cute mo, manang mana ka sakin." Ok, now I'm being ridiculous.

"I have to go na Yuan, gagraduate na si ate. Wish me good luck! Hindi na 'ko makakapagpaalam sayo mamaya kasi hindi ka dadalhin nila mommy sa school at sa airport. Sobrang liit mo pa kasi and you need enough sleep para lumaki ka. Si Manang muna magbabantay sayo. Always remember, ate loves you very much. Make our parents proud little bro, see you when you're big na." Alam ko bawal siyang halikan but I can't help myself to kiss my baby brother good bye.

"I love you, pogi." Dahan dahan akong naglakad palabas ng nursery at sumilip pa for the last time bago ko isarado ang pinto.

Pagkasarado ko ng pinto, halos liparin ko na yung hagdan pababa dahil bumaba na ng sasakyan si mommy para sunduin ako. She sounds and looks so mad pagbaba ko. Sigh, mamimiss ko ang mainiting ulo ng aking ina.

"Gagraduate kaba or what? Nagsisimula na ang ceremony!"

"I'm here! I'm here! Calm down na mommy, ang make-up nasisira. Let's go!" Natawa si daddy sa akin at pinaandar na ang kotse.

It took us 20 minutes of driving hanggang sa makarating kami sa campus. Puno ng mga tarpouline ang harap ng school ng mga pagbati sa mga magsisipagtapos ngayong taon.

"Congratulations and I wish you good luck, graduates!" Kung hindi ako nagkakamali, mayor na namin yung nagsasalita sa stage.

"Mom, I have to go!"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon