MPML Book 2 (20)

3.8K 102 6
                                    


"WHAT!!?!"

Napahawak ako sa tenga ko ng dahil sa biglang sigaw ni Penny.

"Kung sisigaw ka pakiinform ako pwede?" Sabi ko sakanya habang iniiling iling yung ulo ko.

"HE'S BACK?! YUJI'S BACK?!!"

"Oo nga, nakakailang ulit na ko sayo."

Tumabi sya sakin at pinandilatan ako ng mata.

"BAKIT MO HINAYAAN?!"

"Penny, hindi ako may-ari ng school para pagbawalan si Yuji na bumalik dun. Besides, si Mr. Patterson mismo nagrequest sakanya. Wala akong laban du--"

"KAHIT NA! YOU SHOULD HAVE DONE SOMETHING!"

"Tulad ng ano?! Anong gagawin ko? Sabihin mo sakin dahil nauubusan na ko ng options dito!"

Magkalapit lang kami pero sigawan kami ng sigawan sa loob ng office nya. Araw ngayon ng bakuna nila Badger at Buster kaya napadaan muna ako sa clinic nya at nakwento ko sakanya yung pagbabalik ni Yuji.

"H-how?! Pano kayo magsasama sa iisang lugar kung alam nyong may nakaraan naman kayo? Hindi naman kayo pwedeng magpatay malisya tuwing nagkikita o nagkakasalubong kayo."

"Actually I can, nakasurvive nga ko nung unang dalawang beses kaming nagkita diba. Kakayanin ko naman siguro, tsaka kung magkakausap man kami I will make sure na tungkol lang sa trabaho paguusapan namin. It's easy!"

Sabi ko habang tumatayo sa kinauupuan ko at kinuha yung leather leash nila Badger.

"I can do this, Penny. I mean nagawa kong makasurvive ng 18 years na wala sya, ngayon pa kayang nandito na sya?"

"Oh you mean when you cried almost like every second for the last five years and spend all your money from buying pizza and Ice cream? You call that surviving?! Hindi ko pa nasama yung halos ilang libong beses mong pinanood yung One More Chance kada araw!"

Hawak ko na yung doorknob ng lingunin ko pa sya bago ako lumabas.

"Uhh.. yep! I call that surviving, bye Penny!" *Smiles*

Kumaway pa ko sakanya at tuluyan ng lumabas ng office nya pasakay ng kotse ko. Sa passenger's seat ko pinaupo ang mga aso ko at tinanggal ang leash nila. Bago ko paandarin yung kotse, tumunog yung phone ko sa bag kaya kinuha ko naman yun agad.

*Travis calling...*

I accepted the call.

"Sha? Nasaan kana? Nandito na lahat ng school officials at head ng departments, ikaw nalang kulang!"

Shocks. I totally forgot about the seminar.

"Oo papunta na ko, dinala ko pa kasi sa Vet yung mga aso ko e."

"Sa Vet? Kay P-penny??"

"Oo sya lang naman Veterinary doctor na pinagkakatiwalaan ko sa mga aso ko."

"H-how is she? Did she talked about me? Pinagusapan nyo ba ko?" Nauutal na boses ni Travis sa kabilang linya.

Alam kong may unfinished business sila pero may sealed promises din kami ni Penny sa isa't isa na hinding hindi ko hahayaang makita o puntahan sya ni Travis.

"Y-yeah she's totally fine, sige na baba ko na. Is he already there?"

"Sino?"

"Si Yuji! Sya ang pinaka kailangan dyan!"

"Ah oo kanina pa!"

"Sige papunta na ko."

"Wait Sha, tungkol kay Penny. Hindi ba talaga nya ko nabanggit?----"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon